Kabanata 4

144K 5.1K 517
                                    

Kabanata 4

Two red lines. Iyon ang resulta na lumabas isang linggo na ang nakalipas, hindi ako makapaniwala. Parang isang buwan lang ay hindi pa ako nagdadalang-tao, but here I am, pregnant.

Para akong nananaginip. Si Lessy naman ay todo alaga sa akin para raw sa ikakabuti ng baby girl ko, hindi ako sigurado kung baby girl nga talaga, pakiramdam ko kasi ay lalaki ang magiging anak ko.

Kasalukuyan akong nakatayo sa harap ng body sized mirror, nakasuot ako ng itim na bestida kung saan komportable ang aking tyan at katawan, tumingin ako kay Lessy na nakangiti sa akin.

"Good luck with your first day of job as my brother's secretary! Mabuti at pumayag ka na rin... Kung may gawin siya sa iyo na hindi kanais nais, just tell me, ha? Anyways, ipagda-drive na lang kita papunta sa kompanya, hindi na kita maipapakilala ng personal dahil may shooting pa ako ngayon."

Tumango ako, "salamat, Lessy..."

Ngumiti siya at saka ako niyakap, "ano ba, para sa baby girl na natin ito, noh!" Hinila niya ang kamay ko at sabay kaming naglakad, ni-lock na niya ang pinto ng apartment namin at saka kami sumakay sa elevator.

Halos kalahating oras ang biyahe namin dahil sa traffic, actually, medyo malapit lang naman ang kompanya ng kapatid niya, it's only a twenty minute walk if I walk, talagang mas mabilis pa kung maglakad ka dahil hindi ka maaapektuhan ng daloy ng trapiko.

Tinigil ni Lessy ang kotse niya sa harap ng isang matayog at kumikintab na gusali, sa pinakadulo ng taas nito ay ang pangalan ng kompanya.

L.S. Empire

"Lessy, salamat sa paghatid."

Tumango siya sa akin at saka ako hinalikan sa pisngi, "say hi to my brother for me, okay?"

Lumabas na ako, pinagmasdan ko muna ang kotse ni Lessy na humarurot paalis, ako naman ay humarap na sa entrada ng gusali na may dalawang gwardya, mukhang mahigpig ang sekuridad ng kompanya.

Naglakad ako at awtomatikong nag-slide ang glass door, pumasok ako at halos malaglag ang panga ko dahil sa ganda ng paligid, every corner spoke elegance and wealth, mukhang mamahalin ang mga dekorasyon pati ang sahig na marmol.

Napatingin sa akin ang lahat ng mga empleyado, tulad ko ay nakasuot sila ng itim na bestida, halos babae lang ang mga empleyado ng kompanya, I suddenly felt out of place...

Naglakad ako at tumingin sila sa akin, ngumiti ako ng pilit at saka sumakay na sa elevator, pinindot ko ang 17th floor kung nasaan ang opisina ng kapatid ni Lessy, ano na ulit ang pangalan niya?

Uh, right! Mr. Silician, iyon ang pangalan niya.

Matapos ang ilang sandali sa loob ng elevator ay bumukas ito, lumabas naman na ako dahil nasa 17th floor na ako, para akong aatakehin sa puso dahil sa kaba, hindi ko man lang natanong kay Lessy kung mabait ba ang kapatid niya, pero base sa sinabi niya na walang nakakatagal na sekretarya niya ay...

Hindi. Hindi siya mabait!

Humugot ako ng malalim na hininga para humugot ng lakas, may hilera ng cubicles sa paligid at lahat ay may mga babae na nagtatrabaho, tumingin lahat sa akin, pagkatapos ay may isang babae na lumapit, "hi, I'm Stella Quins and I am the manager of Megazine Department, you must be the new secretary of Mr. Silician." Ngumiti siya.

Tumango ako, "saan dito ang opisina niya?"

Tinuro niya ang dulo ng palapag, "that one."

Nagpasalamat ako at saka naglakad na, parang habang lumalapit ako sa opisina ng magiging boss ko ay bumibigat ang hakbang ko, o siguro napaparanoid lang ako, epekto ng pagbubuntis?

Habang naglalakad ay pansin ko lang na mala-black and white ang tema ng kompanya, hindi gaanong makulay kaya nakakailang lang, the ambience look intimidating.

Tumigil ako sa harap ng itim na pinto, lumunok ako at saka kumatok.

"Come in." Isang seryosong boses mula sa kabilang dulo ng pinto ang sumagot, nataranta ako at dahan dahang binuksan ang pinto, nang malawak na ang espasyo para lakaran ay pumasok na ako.

Halos malaglag ang panga ko dahil sa ganda ng paligid, may mga paintings na nakadikit sa bawat sulok ng pader, the scent of the office smells masculine, my nostrils love it.

"You're my sister's friend?"

Bumalik ako sa huwisyo mula sa pagkamangha sa opisina nang magsalita na naman ang mababa at seryosong tinig, hindi ko alam pero parang narinig ko na ang boses na ito...

Binaling ko ang tingin ko sa lugar ng tinig, dumapo ito sa isang lalake na nakaharap ang likod sa akin, nakatanaw siya sa glass window ng kanyang opisina, nakaupo siya sa isang swivel chair at naka-dekwatro rin ang paa, lumunok ako dahil mukhang masungit ito...

"Am I talking to someone?" He snapped.

"U-Uh, Lessy is not my friend, she is my best friend." Pagtatama ko ng mabilis.

Bigla akong nagtaka sa mukha ng kapatid ni Lessy, makikita ko rin naman kapag iikot siya pero may kung anong pwersa sa loob ko na gustong makita ang mukha niya, parang may kahawig kasi siya na hindi ko matukoy...

"Do you know me?"

Bigla siyang tumayo mula sa swivel chair at lumapit sa bintana, may hawak siyang remote at may pinindot siyang button mula rito dahilan upang magdilim ang bintana, tila naging itim na pader ito, nanlaki ang mata ko, wow!

Kinagat ko ang babang labi ko at saka tumingin sa likod niya, "hindi..."

Bigla niyang hinubad ang kanyang tuxedo at saka binato ito sa swivel chair nang hindi tinitignan, eksaktong dumapo ito sa backrest na parang tantsa niya, ang puti niyang long sleeve na lang ang natira, he rolled it until his joints.

Lumunok ako, mukhang alagang alaga ang kanyang katawan, panigurado ay maraming babae na nagkakarandapa sa kanya, bukod sa maputi siya ay maskulado rin siya.

Now, all I need is to see his face, kailan ba siya haharap mismo sa akin? Hindi naman sa nasasabik akong makita ang mukha niya, nagtataka lang ako!

Umikot ka na lang kaya, Mr. Silician?

"Tell me your name." His voice carried the sound of power and wealth, it sounded demanding, low and serious...

"Yomi Delos Santos."

"I'm a man who does not forget things easily, Yomi." Kumunot ang noo ko dahil sa inasta niya, ano ang ibig niyang sabihin?

"You might be wondering what I mean..." Seryosong dagdag niya na parang nabasa ang nasa isip ko.

Bigla siyang humarap sa akin, nanlaki ang mata ko dahil sa lalaking nasa harapan ko, wala sa sarili ko siyang tinuro habang nakaawang ang labi, hindi ako makapaniwala, paano nangyari ito? Hindi pwede... "i-ikaw..."

He raised one eyebrow and smirked, "remember me now?"

Only Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon