Kabanata 35
"Ano ang ibig mong sabihin?!" Sumbat ni Kuya Yohan, "jusko, Yomi! Ito ang lalaking inuwi mo? E nahihibang na siya e!"
Sinamaan ni Liham si Kuya ng tingin, "if you don't believe me that your father is still alive, fine, but can you shut up? Hindi kita kinakausap."
"Aba, bastos ka ah!" Biglang kumuyom ang kamao ni Kuya at mabilis siyang sumugod, agad namang nasalo ni Liham ang kamao ni Kuya, nanlaki ang mata ni Kuya dala ng gulat. Biglang pinisil ni Liham ang kamao ni Kuya dahilan upang mapaimpit siya.
"Kung akala mo hindi kita papatulan dahil kapatid ka ni Yomi, nagkamali ka. Kumukulo ang dugo ko sa iyo, you think I don't know how you take her for granted?" He hissed.
Halata ang takot sa mukha ni Kuya, "s-sorry..."
Tinigil na ni Liham ang paghawak sa kamay ni Kuya at saka siya tumingin sa akin, "umalis na tayo."
"Teka, puntahan pa natin ang puntod ni mama."
Tumingin si Liham kay Kuya, "you heard her request? Alam mo naman siguro kung saan ang puntod ng ina niyo?"
Tumango si Kuya, "s-sundan niyo na lang ako..."
Lumabas na kami at umarkila ng tricycle, Liham hissed saying he swore he won't ride one ever again, pero wala siyang magagawa dahil kailangang sumakay sa tricycle.
Bumaba na kami sa sementeryo. "Ano, magbayad ka na." Sabi ni Kuya sa akin.
"I'll pay." Liham mumbled and took one thousand out of his pocket, "here." Sabay lahad niya sa driver, "keep the change."
Ngumiti ang driver, halata ang saya sa mukha niyang nagpasalamat bago umalis. Si Kuya Yohan naman ay tumingin kay Liham, halatang hindi siya makapaniwala na basta-basta na lang niya binigay ang ganoong kalaking halaga ng pera.
Tumikhim si Kuya Yohan, "teka, may tumatawag." Saad niya, lumayo siya sa amin ni Liham na nagkatinginan, nang medyo malayo na si Kuya ay sinagot niya ang tawag. Hindi namin marinig ni Liham ang sinasabi ni Kuya sa kanyang kausap.
Tumingin ako kay Liham, "kilala mo ba ang tatay ko?"
"Hindi dito ang tamang lugar para pag-usapan iyan, let's talk about Lassandro Lamortel when we go back to La Mayor."
Kinagat ko ang babang labi ko, as much as how I wanted to see my mom's grave, I was also excited to go back to La Mayor because there, the answers of my question awaits. I have a dad. He is still alive.
Pero bakit kailangang magsinungaling si mama?
Pinikit ko ang aking mga mata, trying to remember my father's face. Bigla akong nagtaka, right, my mom told me he is already dead when he suddenly disappeared when I was a kid, ngunit hindi siya nagkaroon ng lamay. Hindi ko pa rin nakikita hanggang ngayon ang puntod ni papa.
I was a kid so I easily believed my mom...
Biglang bumalik si Kuya Yohan, "tara na."
Habang naglalakad kami ni Liham ay pansin kong namumutla si Kuya, may sakit ba siya? Tumingin na lang ako kay Liham na seryosong nakamasid sa paligid, hila-hila pa rin niya hanggang ngayon ang maleta.
Matapos ang ilang sandali ay tumigil si Kuya sa harap ng isang puntod, lumingon siya para tignan ako at saka tinuro ang puntod, nakuha ko na agad ang ibig niyang sabihin. Nagmadali akong humarap sa puntod.
Milandra Delos Santos
May the kingdom of God accept you.Tila may sariling buhay ang mga luha ko na nagsituluan, bumalik ang lahat ng alaala ko na hindi ako minaltrato at inabuso ni mama. Na tila ako ay isang prinsesa niya. Ngunit lahat ng ito ay nagbago nang iwan kami ni papa.
BINABASA MO ANG
Only Ever After
General FictionEver After Trilogy #1 This is not your ordinary action-romance story packed with twists. Enjoy the ride while you can.