Kabanata 42

74.8K 2.4K 363
                                    

AC's note: Thank you so much! Silician Baby is ranked #1 in General Fiction for how many consecutive days!

Kabanata 42

Nang matapos akong mabihisan at maayusan ay agad nila akong inalalayan sa aking bagong kwarto, tumambay ako sa veranda at pinagmasdan lamang ang himpapawid, iniisip ko si Liham, kumusta na kaya siya?

Is he looking for me? Is he worried?

Paano naman si Lessy? Hanggang sa hindi napapatunayan na siya nga ang may pakana ng mga nangyari ay hindi ako maniniwala sa mga paratang sa kanya.

Bigla kong naalala si papa, he warned me not to trust too much, people might take advantage of it. Pinikit ko ang aking mga mata, sumasakit ang ulo ko dahil sa dami ng mga tumatakbo at isa pa ay gusto ko ng mani ngunit wala naman.

Bumalik ako sa loob ng aking kwarto, doon ay nakita ko si Yazi na seryosong nakatingin sa akin, nakatayo siya sa pintuan. "You sleep, now. I want my future wife to be well rested on our wedding day."

Kumuyom ang kamao ko ngunit hindi ako sumagot.

He laughed, "no need to be tensed, I just came to check my little sister, masama na bang gawin iyon?"

"Wala kang puso, pinatay mo pa si Kuya Miyo..."

He chuckled, "ayoko ng kaagaw sa trono, alam mo naman iyan. It is expected."

"Tandaan mo na darating din ang oras na tatalikuran ka ng mundo at mawawala ang lahat ng sa iyo dahil una pa lang ay walang sa iyo, maghintay ka lang." Dumilim ang tingin niya dahil sa aking banta, mabilis siyang lumapit at tinaas ang palad na tila sasampalin na ako, mariin kong pinikit ang aking mata.

Ngunit walang dumapo sa aking pisngi, sa halip ay dahan-dahang hinaplos ni Yazi ang mukha ko, "now we do not want your face to be bruised in such a special day, right?" Nagulat ako nang nilapit niya ang mukha niya sa akin at dinilaan ang gilid ng labi ko.

Pinikit ko ang aking mga mata, tila nanghina ako dahil sa kanyang ginagawa. Hindi maalis sa isip ko na magkapatid kami kahit malinaw na sa papel lang, doon ay tumulo ang mga luha ko. Hindi ako makapaniwalang hahantong sa ganito ang lahat.

"Yes, that is it, cry yourself to sleep." Tumalikod na si Yazi at lumabas sa silid, leaving me crying, alone, and aching. Longing for Liham.

Please save me, Liham.

Dala ng matinding pagod at malalim na pag-iisip ay nakatulog agad ako, mahimbing ang tulog ko sa kabila ng lahat ng nangyari nang naramdaman kong may yumuyugyog sa akin.

Minulat ko ang aking mata at nakita si Tita Imelda, nilagay niya ang hintuturo niya sa kanyang labi na tila sinasabing huwag akong gumawa ng ingay dahil nasa kabilang kwarto lang si Yazi.

"Tara na." Bulong niya sa akin, tumango naman ako at saka ako bumangon, "naghihintay sa atin si Cathy sa labas."

"Hindi ba tayo mahuhuli?" Kinakabahang sagot ko.

"Hindi, matagal na kaming naninilbihan sa mansion na ito, alam namin ang daan na hindi pinupuntahan ng mga tauhan." Saad niya, tumango naman ako, wala akong ibang maisip ngayon kundi ang makatakas.

Tahimik kaming naglakad palabas ng silid, tumingin-tingin si Tita Imelda sa paligid habang hawak ang kamay ko, kahit na mabigat pa ang mga mata ko ay naging alerto ako sa paligid.

Only Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon