Kabanata 11

130K 4.1K 408
                                    

Kabanata 11

The weeks passed, lagi kaming magkasama ni Liham. Sa banyo na lang siguro kami nagkakahiwalay. Syempre, isa akong sekretarya niya pagdating sa trabaho at saka nakatira ako sa mansion niya kaya hatid sundo ako kumbaga.

Si Lessy naman ay nakakausap ko naman sa video chat, miss na miss ko na talaga ang best friend ko, mukhang malabo na magkikita kami dahil ang day off namin ay hindi sabay.

And about my family, I cut off my connections with them for a while, hindi ko alam kung paano sasabihin sa kanila na buntis ako. Siguro nag-aalala na sila sa akin dahil ilang linggo na kaming hindi nagkakausap.

O siguro nag-aalala sila na wala nang magpapadala ng pera...

Binaling ko na lang ang aking masamang iniisip.

Sa gitna ng pag-aayos ko ng mga papeles ay may kumatok, "come in." Seryosong tugon ni Liham, pumasok naman ang isang babae, nang tignan ko ay si Stella.

"Hi Sir." She smiled, tumingin siya sa akin at umirap, aba, ako pa ang tinarayan. "Sir, nagtimpla ako ng coffee."

"Good, drink it." Sabi ni Liham nang hindi tumitingin sa kanya, napangiti naman ako dahil sa inasta ni Liham, mabuti lang iyan sa iyo Stella.

Bakit ganito na ang tingin ko sa kanya? Kasi mali pala ang akala ko sa bruhang ito, oo, maganda nga siya pero ang pangit ng ugali! Akala ko pa naman mala-anghel din ang ugali! Iyon pala mas masahol pa sa demonyita!

O baka naman naiinis lang ako kay Stella dahil nagbubuntis ako? Ugh! Basta, nakakainis siya!

"S-Sir, para sa iyo ito..." She pouted, inaakit ba niya si Liham?

"I don't need it, I have my secretary to do that. So why don't you do your job instead of coming here without me asking?"

Namula si Stella dahil sa hiya, binaling niya ang tingin sa akin at nahuli akong nakangisi. Sinamaan naman niya ako ng tingin bilang ganti, pagkatapos ay lumabas na siya.

"Why are you smiling there?" Tanong ni Liham nang kaming dadalawa na lang ang nasa loob ng kanyang opisina, biglang naging blangko ang mukha ko.

Can he see me on his peripheral vision?

"Wala, Sir."

"Nobody is around so call me Liham, unless you want me to-"

"Okay, Liham." Pagputol ko sa kanya.

Nakita ko ang pagtaas ng gilid ng kanyang labi, "do we really need to keep 'us' as a secret?" He asked, doon ako natigilan. Hindi ko inakala na tatanungin niya sa akin ang ganitong bagay.

Do we need?

I gulped the lump in my throat... he said us... but there's no such thing.

"Walang 'us' Sir-este Liham. Ang nagtatali lang sa ating pagitan ay ang anak natin, that's it."

"What if I say I want more?" Liham tilted his head to face me, "what if I want you as well?"

"You only want our baby, Liham. Hindi naman ako tanga e, kaya ka alagang-alaga sa akin dahil para ito sa anak natin, lahat naman ng ginawa mo sa akin ay para sa kanya." Pagdadahilan ko.

Sinuklay niya ang kanyang buhok gamit ang kanyang mga daliri, pagkatapos ay tinanggal niya ang kanyang tatlong botones ng polo sa taas para huminga nang maluwag, naglakad siya palapit sa akin at kitang kita ko mula sa gilid ng aking tingin ang makinis niyang leeg at taas ng dibdib.

"Stop putting words in my mouth." Nagulat ako nang paikutin niya ang swivel chair ko paharap sa kanya.

Umiwas ako ng tingin, "ta-tama naman ako e..."

He sighed, "how can I make you believe me that I want you too?"

"Don't do anything." Sagot ko sa kanya.

Matapos ang ilang sandali ay naramdaman ko ang pagbaliktad ng sikmura ko, tumayo ako nang wala sa sarili at tumungo sa banyo nang hindi nagpaalam. Sinigurado kong nakasarado ang pinto bago lumuhod sa harap ng kubeta.

Pagkatapos ang ilang sandali ay sumuka ako, ramdam ko ang paglabas ng mga luha ko kasabay nitong suka.

Matapos iyon ay tumayo ako at humarap sa salamin, tinignan ko ang maputlang itsura ko, pagkatapos ay nagmumog ako, sa gitna nito'y kumatok si Liham, "Yomi, are you okay?!" Halata ang pag-aalala sa boses niya mula sa kabilang dulo ng pinto.

Pinunasan ko ang basang labi ko at saka ko binuksan ang pinto, "I'm fine."

Tila nabunutan ng tinik ang mukha ni Liham, nagbuntong hininga siya nang makita ako, "let's go home, I think you'll be needing a rest."

"Huwag na..."

"I can see that you're not sleeping well, hindi ka ba komportable sa kama ko? You have dark circles around your eyes. Just tell me if you're not comfortable so we can change it and so that you can sleep well..."

Hindi naman iyon ang dahilan, hindi ako makatulog sa gabi dahil parati kong iniisip si Mama, nakokonsensya ako dahil may sakit siya tapos heto ako, tila wala nang pakialam dahil nabuntis lang.

I sighed.

"Hindi iyon, Liham."

"Then what? Uuwi na tayo, gusto kong matulog ka. Gagawin ko ang lahat para matulog ka, let's buy sleeping pills if you are having trouble sleeping, hindi maganda sa kalusugan mo at ng ating anak ito."

"Are you insane? You're trying to kill our baby!"

"What?" He asked, innocently.

"Bawal ang sleeping pills sa nagbubuntis!"

"Oh..."

Ngumiti ako, "kaya huwag na Liham, mamaya pa matatapos ang trabaho natin, ayaw kong nakakaabala ako. Sa ngayon ay isa akong sekretarya mo at ikaw ang boss ko, kailangang panatilihin natin ang ganoong posisyon lalo na dito sa iyong kompanya."

"Nobody tells me what to do, nobody tells me who is who. Damn it, kaya lang naman kita hinayaang maging sekretarya ko para mabantayan kita kahit na nasa trabaho ako, but you are using it as an excuse and it hurts my head! Hindi ko na alam ang gagawin ko, lahat na lang ng bagay kumokontra ka, can't you just say yes for a while? Napapagod din ako na sumusuyo sa iyo. Masama na bang mag-alala sa iyo?"

Kinagat ko ang babang labi ko.

"And I don't want the mother of my child to be sick while working... gusto kong tumigil ka na sa pagtatrabaho, I want to be the one working for us from now on."

"Ayoko-"

Bago ko pa man matapos ang aking gustong sabihin ay dumapo ang labi niya sa akin, I gasped. Kakatapos ko lang sumuka!

Nang naghiwalay ang aming labi ay tumingin siya sa akin ng seryoso.

"Ms. Delos Santos, you are fired."

Only Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon