Kabanata 19
Dahil tinatamad at nanghihina si Liham para humiga sa kama sa kwarto sa taas ay gumawa na lang ako ng make-shift bed sa floor ng salas, anyways may carpet naman. Doon na lang kami natulog ni Liham, he told me to keep a safe distance from him.
My mga oras na gigising ako just to check him out, tila umaayos naman na ang kalagayan niya, baka bukas ay sinat na lang.
Sa sunod na ako ay gumising ay nakatapat na ang ilaw ng araw sa aking mukha, it was already morning. Tumingin ako sa gilid ko ngunit wala roon si Liham, nang may narinig akong tunog ng nagpiprito ay alam kong nasa kusina na siya.
Naglakad ako papunta roon at nakita siyang abala sa pagprito. The muscles on his back flexed as he cook since he has no shirt, base sa aking naamoy ay ham ang kanyang niluluto.
"Gising ka na pala." He said without looking back.
"Bakit ka tumayo agad? Ako na lang sana ang nagluto, may sakit ka pa."
Tumalikod siya at humarap sa akin, he grinned. "Due to your caring wifely duties, I'm no longer sick."
"Kahit na, baka magkasinat ka." Kumunot ang noo ko.
"You're worrying too much, Yomi." He shrugged and went back to cooking, "just let me repay you okay? Dapat ako ang nag-aalaga sa iyo, hindi ikaw sa akin."
"There's no law that says such things."
"Then consider my words as law." He chuckled. Pagkatapos ng ilang minuto ay pinatay na niya ang apoy sa shellane, he transfered the ham to a clean plate and put it to the dining table.
"Let's eat, maaga pa tayong bibiyahe pabalik sa La Mayor." Liham gave me my plate, pagkatapos ay tumitig siya sa aking mukha. "Ngayon ko lang napansin na mas maganda ka kapag bagong gising."
Nang nakita niyang namula ang pisngi ko ay pinisil niya ang ilong ko, pagkatapos ay umupo na siya.
"So, I'm improving." Liham said as he point the ham, "yong gilid na lang ang sunog! And about the rice, medyo basa lang pero mas mabuti na iyon kesa sa wala."
Ngumiti ako, I can see the efforts that Liham poured into the foods while he was cooking it, kahit na hindi gaanong maganda ang kinalabasan ay alam kong matitikman ko iyong efforts niya dito.
I smiled, feeling special.
"Let's eat!" Liham announced.
Nagsimula na kaming kumain, pagkatapos ay tumulong na ako sa paglagay sa lababo ng mga pinagkainan, ako na rin ang naghugas dahil ayaw kong mabigla ang katawan ni Liham, pero hindi naging madali dahil gusto ni Liham na siya na lang kaya pinagalitan ko siya, mahirap pa naman mag-alaga ng lalaki na may sakit at saka lang magpapasubo kung I love you yong dahilan.
I love you...
Habang iniisip ko iyon ay hindi ko maiwasang mag-alala, I hope Liham forgets that part!
Pagkatapos kong maghugas ay lumabas na ako sa resthouse, nadatnan ko si Liham na nakasandal sa railing ng veranda, tila dinarama niya ang ihip at simoy ng hangin.
"Halika." Saad niya.
Sumunod naman ako't lumapit, nang nasa gilid niya ako'y inakbayan niya ako, "am I doing great?" Liham asked.
"Saan?"
"You know where..." He sighed, "am I?"
I smiled, "ikaw lang ang makakasagot nyan."
"I think I'm not doing good enough. Maybe I'm not good enough for you." Liham looked down, "hindi ko alam, Yomi. I can't really point out. I'm everything, right? I am gorgeous, I have wealth, I have a good future, I'm every woman's wish. But... when I'm with you, I feel less. I feel like I'm nothing. Why is it that you are the only woman who makes me feel like this?"
"You're wrong, you're everything and you make me feel like I am everything when the world is telling me that I'm nothing." Sagot ko sa kanya.
Liham smiled, dumapo ang kamay niya sa taas ng ulo ko at saka niya ginulo ang aking buhok. I protested and he laughed, nagulat ako nang lumuhod siya, I thought he's sick again but then he pressed his ears to my tummy, "Levi, it's daddy."
"Levi?" Tinaasan ko siya ng kilay.
"Yup, if our baby is a boy, his name is Levi, if she is a she, her name is still Levi."
"Aba, dapat ako ang magpangalan sa baby natin!" Suway ko kahit na sa totoo lang ay gusto ko ang pangalan.
Levi, huh? Ang sarap pakinggan at sabihin, our baby already have a name kahit na hindi pa nalalaman kung babae ba siya o lalaki.
"Levi." Seryoso niya akong tinignan nang nakatingala.
"Bakit ikaw ang magpapangalan? Ikaw ba ang manganganak? Ako naman e!"
"Bakit? Mabubuo ba si Levi kung wala ako?"
"Mabubuo ba siya kung wala rin ako?" Sinamaan ko siya ng tingin. I think I'm a good actress.
"Okay fine, let's name our baby together." He sighed in defeat, "ano ang gusto mong pangalan na idagdag sa Levi?"
"Hamilyo if our baby's a he, and Hamilya if otherwise." I grinned. Hamilyo is the only name I can think of, kasi nandoon ang pangalan namin ni Liham kung hahanapin mo.
Liham chuckled, "Hamilyo? Hahaha! Ang tanda naman! Baka magalit sa iyo si Levi kapag malaman niya na ikaw ang nagpangalan sa kanya ng Hamilyo."
"Bakit ba?!" Namumulang wika ko, "kung ayaw mo, edi huwag!"
Liham stopped laughing when he saw my mad face, "ikaw talaga, mood swings na naman." He hugged me, "okay, Levi Hamilyo will be the name of our baby, okay?"
"Talaga?" I smiled.
"If..." He raised one eyebrow, "if and only if..." Liham looked at me straight in the eye, "you change your surname with my surname."
He was asking me to marry him.
Yumuko ako, "I don't know if I can..."
No, it's more like I don't know if I am worth it or if I am worth it because of our baby.
"Hindi ko kailangan ang sagot mo ngayon, basta lagi mong tandaan na hindi ako magsasawang suyuin ka hangga't sa marinig ko ang matamis mong oo, hangga't sa makita mo na ako'y para sa iyo at ikaw ay para sa akin. Hindi ako mapapagod na gawin ang lahat."
BINABASA MO ANG
Only Ever After
General FictionEver After Trilogy #1 This is not your ordinary action-romance story packed with twists. Enjoy the ride while you can.