Kabanata 56

70.7K 2.3K 429
                                    

Kabanata 56

Tahimik kong pinagmasdan si Liham na isuot ang kanyang maskara, he was wearing a tuxedo and it really polished his attractive and charming look twenty times. Lumingon siya sa akin, naglakad siya palapit at tumigil sa aking harap, "how do I look?"

"You look really handsome tonight." I smiled, tumayo ako at inayos ang necktie niya, since it was crooked. "Better."

Liham smiled and put his hand at the back of my head, he pulled me and kissed me on my forehead, mas matangkad siya sa akin kaya hindi siya nahirapan.

"You won't do anything stupid, right?"

"Don't worry, Lessy and Capo will come with me, so in case I act without thinking, they'll stop me."

Ngumiti ako at tumango, sa gitna ng aming pagtitigan ay biglang may kumatok sa pinto. "Kuya?"

Liham sighed and gave me another kiss, "sleep, okay?"

"Hindi ako makakatulog..." Sagot ko sa kanya. "Not unless I know you're safe."

"Who do you think I am?" Liham grinned, "I won't fall for their trap easily..." Pagpapalakas niya ng loob ko, somehow, it felt like we were falling for their trap, like something else will happen.

Something was wrong.

Tumungo si Liham sa pintuan at binuksan ang pinto, bumungad naman si Lessy, she was wearing a black dress and a mask that hid half of her face, she looked regal and elegant.

Lumingon si Liham sa akin, he gave me an encouraging look. "Don't worry too much, okay?"

I nodded, trying to convince myself. Sinara na niya ang pinto, agad naman akong tumayo mula sa kama at sumilip sa bintana, a few moments and I saw Liham enter his own car while Lessy and Capo entered another one.

I was alone in the mansion with Liham's mafia only. Pinagmasdan ko lang ang papalayong mga sasakyan hanggang sa nawala na ang ilaw nila mula sa dilim, I went back to my bed and laid down, I closed my eyes...

Sa gitna ng aking pag-iisip ay biglang bumukas ang pinto, bumilis ang pintig ng puso ko, mabilis kong sinilip kung sino ang nagbukas.

"Lola Lullaby?"

Namumutla siya at pinagpapawisan ng malamig, "na-nasa panganib ka!"

I frowned, ano ang ibig niyang sabihin?!

"A-Alam ko ang plano niya, p-papatayin ka niya kapag hindi ka pa umalis, magtago ka, hindi mo alam ang kaya niyang gawin..." luhaan siyang lumapit, "patawad..." Lumuhod siya sa at ako'y niyakap sa aking binti, "patawad..."

Huh? Sinong siya? Bakit ganito si Lola Lullaby? Teka... Lessy said something about the name of the komadrona.

Lola. Pampatulog ang pangalan.

"Lola, hindi kita maintindihan..." Bumilis ang pintig ng puso ko, can it be her?

As if reading my mind, she continued. "A-Ako ang komadrona, huwag kang maniwala sa kanya, nanahimik lang ako... dahil nasa kanila ang apo ko..." She cried. "Papatayin nila ang apo ko kapag hindi ko gagawin ang kanilang gusto..."

"Sino po sila?"

Magsasalita pa sana si Lola Lullaby nang bigla siyang suminghap, her eyes became wider.

"Lola? Ayos ka lang?"

Bigla siyang lumuhod, then she coughed blood.

Nanlaki ang mata ko, "Lola?!"

Only Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon