Kabanata 24
I acted calm even if inside me, I was already panicking!
Ayokong makita ni Liham ang takot ko dahil alam kung matatakot din siya kapag ganoon kaya naglakas loob akong buksan ang aking mga mata pero tila mali ako, something in his eyes made me realize that he was not afraid at all, he seems thrilled! Tila sanay na siya sa ganitong eksena.
Tinignan ko ang speedometer ng kotse, nasa 120 na ang speed ng kotse at mas bumibilis pa! My, gosh! May mga sasakyan si Liham na ino-overtake-an, gusto kong tumili pero walang boses na lumabas sa aking lalamunan.
Sunodsunod na putok ng baril ang naririnig ko, suminghap ako nang natamaan ang salamin ng kotse sa likod kasabay ng pagbasag nito, biglang sumama ang tingin ni Liham na tila galit dahil nadaplisan ang kanyang Porsche.
Gamit ang isang kamay niya ay tumawag siya, "there's a black van tailing us, track me using the phone's GPS, kill all of them, magtira lang kayo ng isa."
Nanlaki ang mata ko, tama ba ang narinig ko? Kill... kill all of them?! Sa isang iglap ay bumangga ang itim na van sa likod ng kotse dahilan upang mawalan ng kontrol si Liham at mas bumabal ang bilis. He hissed in annoyance.
"L-Liham... takot ako..." Kinagat ko ang babang labi ko para pigilan ang aking luha. I also wanted to say how confuse I was.
Tinignan ako ni Liham, biglang lumambot ang matigas niyang mukha, "trust me, okay?" He soothed, hindi ko alam kung maniniwala ba ako sa kanya o ano...
Tumango lang ako, ayokong makasagabal kay Liham ngayon, he should only focus on what he is doing, so I engrossed myself with saying my prayers, na sana walang masamang mangyari kay Liham at sa baby namin sa loob ng tyan ko.
Liham maneuvered the car, pinaharurot niya ito, nang lumaki na ang distansya sa pagitan ng kotse at van ay tumingin siya sa akin, "open the compartment." Saad niya, kahit na nagtataka ay sumunod naman ako, nang binuksan ko ay puro mga papeles.
"Itatapon ko ba itong mga papeles?"
Liham grinned and shook his head, "no, sa likod ng mga papeles ay dalawang baril."
Napatango naman ako.
"You said you wanted to learn how to shoot right? Well I'm going to teach you now." Kumislap ang mata ko dahil sa kanyang sinabi, seryoso ba siya? Tuturuan niya ako kung paano bumaril?!
"All that you have to do is pull the safety trigger, aim, and shoot. Now, I want you to aim at the van behind us, since my car's back already don't have a window, you can aim there. But be sure to be discreet."
Tumango ako, mabilis kong hinanap ang dalawang baril na sinabi ni Liham. Nang mahanap ko na'y nilabas ko ito, napatingin ako sa dalawang baril. Pink?
"Totoong baril ba ito? O baka naman toy gun?!"
"It's real. Now shoot, Mi." Parang 'Now shoot me' ang kalabasan ng kanyang sinabi! Wait, bakit parang nawala na ang takot ko at parang mas naging excited na ako? Dahil ba sa hindi kabado si Liham?
Nang hinawakan ko ang dalawang baril ay nabigatan ako, pero ayos lang. Kumbaga naghahawak lang ako ng dalawang punong tray noong waitress pa lang ako.
"Give me the other gun." Utos ni Liham.
"Ha? Mag-drive ka na lang, ako na lang ang babaril." Sagot ko sa kanya.
BINABASA MO ANG
Only Ever After
General FictionEver After Trilogy #1 This is not your ordinary action-romance story packed with twists. Enjoy the ride while you can.