Kabanata 37
Nanginig ang mga kamay ko habang inaayusan ako ng mga babae, nakatingin lang ako sa repleksyon ko sa aking salamin. I stared at my black wedding dress, hindi ko pinayagan si Isigro na puting bestida ang isusuot ko.
I'd rather wear black than white for our wedding day.
Wala na siyang magawa, instead, he made our wedding color theme as black to match with everything, he wanted our wedding to be perfect. It has been only a week, hindi na nila bihag si Liham, I am thankful for that, Isigro kept his words at least, pero si Levi ang labis kong pinoproblema.
Ayoko na magkaroon siya ng ama na katulad ni Isigro.
"Ang swerte mo naman." Saad ng babae habang inaayos ang buhok ko, "pero malas mo rin kasi baog si Isigro." Humagikgik siya.
"Natasha! Shut up, baka marinig ka niya at patayin ka."
"Ano ka ba, wala naman si Isigro e." Ngumisi siya, "alam mo bang magaling siya sa kama?" She winked at me, tinignan ko lang siya nang nandidiri, "charot lang."
"Tumigil ka, Natasha." Suway ng kasama niya.
"Sorry na, Tamara." Nagbuntong-hininga si Natasha, nagulat ako nang kunin niya ang kamay ko at kunwaring hinaplos ito, "aba, hindi makinis ang palad! Mukhang hardworking ka ah." Sa gitna ng pagsasalita ni Natasha ay may siningit siyang papel sa aking kamay. Sinara niya ang palad ko, with the paper inside my hand.
Nagtataka ko siyang tinignan, ngumiti lang siya sa akin, umasta siyang tinitignan sa malapit ang buhok ko at bumulong sa aking tainga, "be safe."
Nagtaka ko siyang tinignan, tinitigan ko ang kanyang mukha, tahimik kong pinasok ang papel sa bulsa ng bestida ko, ngumiti lang siya sa akin at saka siya tumingin sa kanyang kasamang babae, tila tapos na sila sa pag-aayos sa akin.
"Halika na, naghihintay na si Isigro sa iyo." Sabi ni Tamara, tumango naman ako habang nag-iisip ng malalim, nang sumakay ako sa itim na kotse at mag-isa na lang sa likod ay nilabas ko ang papel at binasa ang nakasulat dito.
Hey Mimi! Guess who? I'm coming to save you! Ang kapatid ko lang ang dapat na ikasal sa iyo! Kaurat na Isigro de puta. Kapal ng mukha! Si Kuya pala ay nagpapagaling na. Anyways, see you at your wedding -oops, walang kasal na magaganap!!!
Hindi ko namalayan na tumulo na pala ang mga luha ko, it was Lessy. Her penmanship and the brightness of her voice as I read tells me that, even the way she calls me. Magkasabwat ba sina Natasha at Lessy? Paano si Tamara?
I hid the paper inside my dress and smiled, biglang nawala ang kaba sa aking puso, somehow, the thought that my best friend is coming to save me made me feel safe, but it is still too early to celebrate, somehow, I am putting her in danger.
I silently prayed for her safety, sana walang masamang mangyari kay Lessy, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag mayroon nga.
Tumigil na ang kotse sa pagmaneho. Sinyales na nasa labas na kami ng simbahan, lumabas ang driver at pinagbuksan ako, tumungo ako sa entrada ng simbahan, nang nasa harap na ako ng pintuan ay bumukas ang pinto at tumugtog ang musika.
I started walking down the aisle, humigpit ang hawak ko sa black roses ko, nagmasid ako sa paligid ngunit walang pamilyar na pigura ni Lessy. What if the letter was fake? What if no one is coming after all?
I sighed and shook all of the negative thinkings away, hindi, it was clear that Lessy wrote that. I can feel it. She is hiding somewhere, waiting for the perfect time.
Binagalan ko ang paglakad ko, as if buying time. Tumingin ako sa harap ng altar kung saan naghihintay si Isigro. May ngiti sa kanyang labi, he looks younger and cute, but I will never be deceived by him, isa siyang mafia boss.
BINABASA MO ANG
Only Ever After
General FictionEver After Trilogy #1 This is not your ordinary action-romance story packed with twists. Enjoy the ride while you can.