Kabanata 9
"Pamangkin?" Halata ang pagtataka sa mukha ni Lessy, kumunot ang noo niya saka tumingin sa akin. Tila may pumasok sa kanyang isipan at saka tumingin muli siya sa kanyang kuya, "don't tell me..."
Liham smirked. "I have to thank you a lot Lessana, sa wakas nahanap ko na rin ang babaeng matagal ko nang hinahanap, and above all, I'm about to become a father soon."
Lumunok ako...
"L-Lessy-"
"Waaah!" Her eyes twinkled, "ohmygosh, ibig sabihin... ibig sabihin ikaw ang ama ng dinadalang tao ni Mimi?! Ohemgee! I'm so happy!"
Halos malaglag ang panga ko, she is happy? I mean, I thought she'd get mad at me. Iyong masisira ang relasyon namin kapag malaman niya na ang kuya niya ang ama ng dinadalang tao ko, pero iba... she is happy.
Parang nabunutan ng tinik ang puso ko. I sighed, nakita naman iyon ni Liham kaya palihim siyang ngumisi sa akin.
"One more thing, she'll be moving in my house."
"Sure! Go! La, sige. Kunin mo na si Mimi, ako na lang mag-eempake sa mga gamit niya!" Masayang saad niya, tumingin si Lessy sa akin at saka ako niyakap, "I am so excited, Mimi! Magiging sister-in-law na rin kita sa wakas! Okay, huwag kang mag-alala, bibisitahin pa rin naman kita sa bahay ni Kuya tuwing day off ko. Don't stress yourself, okay?"
"W-What? Lessy, no... hindi ako sasama sa kuya mo!"
"Ay sus, pakipot ka pa!" She playfully slapped my shoulder, "la, sige. Kuya, kunin mo na ang best friend ko. Alagahan mo siya ha?"
"Hindi ka ba nagulat? Hindi ka man lang magagalit sa akin dahil sa nalaman mo?"
"Bakit naman?" She frowned, "I've been wishing na sana si kuya na lang ang ama, syempre nagulat ako nang nalaman ko ito pero syempre hindi matutumbasan ng tuwa na nangyari nga ang hiling ko. You have a lot to tell me, okay? Especially on how you and kuya met and how he knew that you're carrying his baby."
Magsasalita na sana ako nang may humawak sa kamay ko, napalingon ako at halos magdikit ang labi namin ni Liham kung hindi ako umurong agad, "what?!" Inis na tanong ko sa kanya.
"Let's go home."
Home???
"Yong puso ko!" Histerikal ni Lessy.
"Lessana, iuuwi ko na ang kaibigan mo."
"Sige kuya, ingat." Kumaway si Lessy sa amin ni Liham, wala sa sarili akong nagpakaladkad kay Liham, totoo ba ang lahat ng ito?
Or am I just dreaming?
Hindi ako makapaniwala, parang ang bilis ng mga nangyayari, tulala lang ako sa buong biyahe, saka na lang ako bumalik sa huwisyo nang napansin kong tumigil ang kotse ni Liham sa harap ng isang mataas na tarangkahan, bumusina si Liham at awtomatikong bumukas ang gate, pagkatapos ay pinaharurot niya muli ang kotse papasok.
May mga nakahilerang lampposts sa magkabilang dulo ng mahabang daanan at sa likod ng mga lampposts ay mga pine trees na sobrang tayog, halos kumislap ang mata ko dahil sa malaking mansion na bumungad sa harap namin.
Tila kumikislap ang mansion dahil sa rami ng mga ilaw na nakapaligid at nakabukas sa mansion, "you call this house?"
He shrugged, "yeah, why?"
"Hindi naman ito bahay e, mansion ito! Mansion!"
Hindi siya umimik, damn rich jerk. He parked the car in front of the mansion, tumingin siya sa akin. "Welcome to your new home."
"This is not my home." Sagot ko sa kanya, nagbuntong hininga siya at saka lumabas na, nanatili akong nasa loob ng sasakyan. Naglakad siya papunta sa kabilang dulo upang pagbuksan sana ako ng pinto ngunit inunahan ko na siya nang malapit na siya.
Pagkatapos ay lumabas ako, nginisihan ko lang si Liham na tumingin sa akin ng seryoso, "you wanna play games, huh?"
I smiled. "Hindi naman."
Bigla niyang hinawakan ang kamay ko, pagkatapos ay walang sabi siyang naglakad, ako naman ay napasunod na lang sa kanyang tinutungo, tumaas kami sa hagdan ng mansion, bukas ang entrada nito kaya naman diretso sa loob agad kami.
Napatingin ako sa paligid, may isang malaking chandelier na nakasabit sa dingding, sobrang garbo ng buong mansion, sa bawat dulo ay sumisigaw ng kayamanan, pati ang marmol na sahig ay kumikintab. I suddenly felt out of place considering my look right now.
Hindi ako nababagay dito...
"Welcome back, Young Master." Sabay sabay na pagbati ng mga housemaids na naglinya sa dalawa, halata ang pagtataka nilang lahat na tumingin sa akin.
May isang matandang babae ang umalis sa linya at saka lumapit kay Liham, base sa postura ng matanda ay parang siya ang pinakamataas sa mga kasambahay, may tawag doon e... mayordoma? Basta ganoon...
"Young Master, sino po ang kasama niyo?" Tumingin siya sa magkahawak naming kamay.
Ngumiti si Liham, "Lola Lullaby, this is Yomi..." Tumingin siya sa akin, "what's your last name again?"
"Delos Sant-"
"Oh, I remember. Her last name is Silician, soon." Liham smirked.
Suminghap si Lola Lullaby, "Y-Young Master, that means-"
Tumango si Liham, "yes, Lola. I finally found the woman I've been looking for."
Mabilis sa alas kwatro na tumingin ang matanda sa kapwa kasambahay, "everyone, greet the bride of our Young Master!"
Yumuko silang lahat, "welcome home, Young Lady."
Ngumiti ako at saka tumango.
Wait...
Bride?!
Magsasalita sana ako upang sabihin na hindi ako bride ni Liham ngunit siya ay muling naglakad dahilan upang hindi matuloy, ako naman ay walang magawa kundi sundin na lang siya dahil nakahawak ang kamay niya sa akin, naglakad kami sa hagdan na ginto ang hawakan papunta sa ikalawang palapag, dios mio!
"Liham..."
"Yes, Yomi?"
"Una sa lahat, pakisabi sa mga kasama mo dito na hindi mo ako bride. Pangalawa, nagugutom ako, gusto ko ng maraming chocolate."
"Craving?" He smiled, ignoring the first note, "okay, no problem. Magpapadala ako ng chocolates mamaya. Pero bago ka kumain ng chocolate, I want you to eat dinner first."
Tumango ako. Nang nasa dulo na kami ng hagdan ay naglakad muli kami, tumigil si Liham sa ikatatlong pinto. "This will be our room..."
"H-Ha?"
"We'll share the same bed."
"Bakit?!"
"That's natural for husband and wife, you want memories right? Sleeping with you is the least thing I can do." He shrugged like it was nothing.
Ramdam ko ang pamumula ng aking pisngi, wala sa sariling dumapo ang palad ko sa pisngi niya.
He gasped, muli niyang hinawakan ang pisngi niya na namumula.
"That's the second time you slapped me for this day."
BINABASA MO ANG
Only Ever After
General FictionEver After Trilogy #1 This is not your ordinary action-romance story packed with twists. Enjoy the ride while you can.