Kabanata 21
"So, start!" Masayang sabi ni Lessy, naka-indian seat siya ngayon sa katre ko na dating higaan ni Liham, hindi ko alam sa kanya kasi ang sabi ko'y sa veranda kami mag-uusap ngunit mapilit siya at sinabi niyang dito na lang kami sa kwarto namin ni Liham.
Sa halip na sumagot ay binuksan ko ang paperbag na binigay niya, agad namang pumasok sa loob ng aking ilong ang nakakalaway na amoy ng mani, I suddenly felt my cravings become more intense!
Kumuha ako ng isa at sinubo ito, the taste of peanuts gave me nostalgic feelings. Ito lagi ang kinakain ko sa tuwing recess simula noong high school ako hangga't sa kolehiyo. Hindi ko maiwasang ngumiti, kumuha muli ako ng isang mani and it meant all for me.
"Mimi!" Pagsita sa akin ni Lessy, halata ang inis sa kanyang mukha.
I grinned, "what? I'm hungry!"
She pouted. "Kaya nga ako pumunta dito para magkwento ka, hindi na lang sana kita binilhan ng mani!"
I shrugged, "I'm craving, okay?"
Mas lalo siyang lumabi.
Umiling na lang ako, "so... saan ba ako magsisimula? Paano?"
Tinaasan niya ako ng kilay, "how about start why you were fired? Or what happened before? Or anything interesting and worth trending?"
"Well, at first, I mean... the first time I met Liham, I was really surprised that it was him. Nagulat ako kasi yong boss ko, siya ang ama ng dinadalang tao ko! And the funny part is, he remembers my face! Alam niyang ako ito! He even told me that he was looking for me for the entire month."
"Wow Kuya ha." Lessy grinned, "sweet niya talaga!"
"Tapos... well... hindi ko alam pero parang alam niya na dinadalang tao ko ang anak namin. Seems like he can read through me, so, all those times, kahit na gwapo ang boss ko, I wished that I'll be fired, mas mabuti ang masisante kesa naman sa makasama ko ang ama ng baby namin! Pero iyon nga, may karapatan pa rin siyang malaman na magiging tatay na siya, kinakabahan lang ako... tapos... ayon, he went through measures just to confirm that I'm really pregnant."
Tumango si Lessy, umupo naman ako sa tabi niya at saka ngumuya ng mani, kukuha pa sana siya ngunit tinabig ko ang kamay niya at pinandilitan siya. "Mine." I hissed.
Lessy rolled her eyes, "ako ang bumili!"
"Para sa akin." Tinaasan ko siya ng kilay.
Ang damot mo!"
"I know right!" Nakangising sagot ko. "So... I don't know if it was the next day or what but he granted my wish, he fired me and I felt happy and confuse at the same time... kasi nga, dahil ba naman sa ilang oras kaming magkasama, I felt like I suddenly became fond of Liham, I mean, he's not just about looks or what, something about him drew me to like him, yes, I was starting to like him..."
"Ang dami mo pang sinatsat, sabihin mo na lang na natatakot ka na baka may bago siyang sekretarya at babae pa." Lessy rolled her eyes, "I know you Mimi!"
Biglang namula ang tenga ko, right! There's nothing that I can hide when it comes to Lessy, she knows me more than as a best friend, but as a sister. For those years we've been together, she can read me through my actions already.
Bigla kong naalala ang isang eksena kasama si Liham, about the part when I felt like I don't wanna be replaced by another secretary who is a woman, but I'm willing when the new secretary is a man.
Was I actually becoming possessive of him as well? O baka naman gumagalaw lang ako na parang ganito dahil siya ang ama ng magiging anak namin?
"Tapos nag-date kami kahapon." Pagkwento ko, "pumunta kami sa resthouse niya sa labas ng La Mayor." I mumbled, leaving out the part where we visited their parents' grave, alam kong sensitibong topiko iyon kaya mas maganda na lang na hindi sabihin.
"Talaga? Kuya would never let me there!" She pouted.
"Bakit naman?"
"Kasi para sa kanya lang daw ang resort na iyon, makasarili! I think you're special to Kuya kasi dinala ka niya roon, ohemgee!"
Hindi ko maiwasang ngumiti dahil sa aking narinig, was I actually special to Liham?
"Tapos? Magkwento ka pa!"
"Ikaw naman kaya ang magkwento?" I rolled my eyes.
Lessy grinned. "I just met a guy."
"Talaga? Ika-ilang guy na iyan?" Pambabasag ko sa kanya.
"13th?" She counted her fingers, "14! Gosh! He's the 14th guy and I know he's the last!"
"Talaga?"
She nodded, "he's about as tall as Kuya." Tumatangong saad niya, "maputi, singkit ang mga mata, makapal ang kilay, matangos ang ilong, at pak na pak yong pinkish lips niya!" She hugged herself, "nakaka-inlove talaga ang mga fictional characters!"
I rolled my eyes, this isn't new to me. Well, the guy that Lessy actually met is a fictional character. Well, lahat naman. Wala pa siyang nagustuhan na lalake sa totoong buhay, ewan ko ba sa kanya kung bakit. Ang sagot niya lagi kapag tinatanong ko siya ay wala pa siyang nakikita na kasing-level ng mga lalaki sa binabasa niya.
Basically, she is a reader who is a hopeless romantic.
"Ano ang pangalan?" Tanong ko.
"Secret!" She stuck her tongue out, "anyways, masaya ako for you and Kuya." Tinignan niya ang kanyang orasan, "I still have ten minutes." Tinignan niya ako, doon ko napansin na may iba pa pala siyang hawak maliban sa paperbag kanina.
"Ano iyan?"
Nilahad niya ito sa akin. "Open it."
Tumango na lang ako at sinunod siya, binuksan ko ang isa pang paperbag at bumungad sa akin ang pink baby socks and pink baby gloves.
"I have a feeling that your baby will be a girl so I prepared!" Lessy smiled, "ang magandang pangalan para sa kanya ay Lessana!"
"Excuse me, that's your name. Saka may pangalan na ang baby namin noh!"
"Talaga?" Kumislap ang mata ni Lessy, "ano?!"
"Levi Hamilyo." Taas noong sagot ko.
Biglang pumula ang tenga ni Lessy, sa isang segundo'y biglang sumabog ang tawa niya. "Hahahahaha! Hamilyo? Who the ef gave that name?"
Ramdam ko ang pag-init ng aking pisngi, "bakit ba! Maganda naman ang Hamilyo ah!"
"Hahahaha!" Lessy stopped laughing, pawisan pa siya agad. "Base sa reaksyon mo, ikaw ang nagbigay ng pangalan. Naku! Tiyak magagalit sa iyo si Levi kapag malaman niya na ikaw ang nagpangalan sa kanya ng Hamilyo."
"Hindi pa sigurado kaya pwede ring Hamilya ang pangalan niya."
Umiling na lang si Lessy at tumayo, she looked at her wristwatch, "kailangan ko nang umalis."
"Hindi pa dumadating yong juice." I pouted.
"Ikaw na lang uminom, okay? Tell me when you start to have a baby bump, okay?!"
"Okay."
"Bye, Mimi!"
"Bye, Lessy."
Bago siya umalis ay kumuha siya ng maraming mani sa container nito dahilan upang samaan ko siya ng tingin. Nilabas niya ang dila niya na tila nang-iinis pa sabay subo sa mani. "Bye na talaga!" And then she went out, sumunod naman ako sa likod niya to see her out.
Lumingon siya sa akin nang nasa front door na kami ng mansion, "take good care of Kuya, okay? And if he hurts you, tell me first. Uupakan ko 'yon."
BINABASA MO ANG
Only Ever After
General FictionEver After Trilogy #1 This is not your ordinary action-romance story packed with twists. Enjoy the ride while you can.