Kabanata 30

93.9K 2.5K 220
                                    

Kabanata 30

I never imagined this moment, no, scratch that, I never imagined someone like Liham Silician crying in my shoulders, maybe I am just imagining things?

Humagulgol siya, okay, maybe I am not. Biglang lumambot ang puso ko, the sight of him in tears makes me wanna cry too, dahan-dahang dumapo ang kamay ko sa likod niya at hinaplos siya, being careful not to touch his wound.

"Liham..."

Habang nakasuksok ang mukha niya sa balikat ko ay pinulupot niya ang kamay niya sa bewang ko, he struggled to breathe while letting me caress his back to comfort him, "Yomi, promise me one thing." He whispered.

"Ano ang ipapangako ko?" Mahinang sagot ko.

Kumawala si Liham sa yakap at humarap sa akin, mugto na ang kanyang mga mata. "Promise me that you'll stay safe."

Natigilan ako dahil sa kanyang sinabi, ngumiti ako at saka ko kinuha ang kamay niya, "Liham, I'm safe because I am at home, maybe you should promise that to yourself, to be safe."

Ngumiti siya.

"Saka, bakit ka umiiyak? Naiiyak din tuloy ako." Pagpapagaan ko ng loob niya.

Bumuntong hininga siya, "I just can't contain my tears anymore, I thought for a moment that I'd lose you, you're the only one I've got right now, Yomi. You and our baby."

Pagkatapos naming maligo ni Liham ay kumain na kami, may pagkain kasing nakahanda sa coffee table ng kwarto, kinuha na lang nila Lola Lullaby ang mga pagkain matapos ang isang oras, it was already late and I felt really tired that's why I laid down on the bed.

Tumingin ako kay Liham, he was struggling at the sofa. Right. I remember telling him not to sleep with me, "Liham, you can sleep here with me." Sabay pagpag sa tabi ko.

Tumingin siya sa akin at tumango, walang sabi siyang naglakad at padapang humiga sa katre, tinignan ko ang stitches ng sugat niya, "lilinisin ko lang ang sugat mo." Saad ko sa kanya.

He mumbled something behind his breath, hindi ko na lang iyon pinansin at tumayo, maglalakad na sana ako nang hawakan ni Liham ang kamay ko at hinila pahiga sa tabi niya, he suddenly hugged me.

"Liham, kukuha lang ako ng panlinis para sa sugat mo, baka ma-infect, saka kung malinis mas mabilis gumaling."

"Wawalisan mo ang sugat ko para luminis?" Kumunot ang noo niya, hindi ko maiwasang mapangiti. It was his attempt to make me smile, alam kong nagbibiro lang siya, I can sense it in his voice and expressive lips.

"Barilin din kaya kita?" Pagsagot ko, Liham chuckled with my answer.

He opened his eyes and stared at me, "just stay beside me. That's more than enough." Bulong niya sa aking tainga, sumasampal ang mainit niyang hininga sa aking leeg, pinikit ko ang aking mga mata.

I felt Liham adjusting, mas bumaba siya, I was about to ask him why he did that when he pushed his face against my breast, mabuti na lang at nakapawad ako!

Ramdam ko ang pamumula ko, he seems to be comfortable with what he is doing! "Liham..." I protested.

He mumbled, I felt his nose penetrating my cleavage, hindi ko maiwasang mamula, ramdam ko muli ang mainit niyang hininga na tumatama ngayon sa ilalim ng dibdib ko.

"Please don't talk, I'm tired."

Hindi na ako nagsalita pa, somehow, it felt normal. Siguro kung sa iba malaswa ang ginagawa ni Liham pero para sa akin? I find it cute and adorable.

Wala sa sarili akong nag-hum ng kantang pampatulog, pinikit ko na rin ang aking mga mata, nang malapit na akong makatulog ay naramdaman kong siningit ni Liham ang daliri niya sa mga daliri ko.

Only Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon