Kabanata 13

123K 3.9K 450
                                    

Kabanata 13

I woke up feeling a hand cupping my breast, nang imulat ko ang aking mata ay nakita ko si Liham na hubo't hubad, nanlaki ang mata ko at saka ako sumigaw.

"Hmm..." His voice was low and tired, still he effortlessly made it sound sexy. "Yomi? You have morning sickness?" Nakakapa pa rin ang kamay niya sa dibdib ko.

Ramdam ko ang pamumula ng aking mukha, "Liham! Sa sofa ka!"

"I'm not comfortable there, plus you scratched my back last night..." Humikab siya, after that, his hand squeezed my breast... I gasped, "ano itong malambot? Is this a cushion?"

Hindi ko na napigilan pa ang sarili ko at sinampal si Liham sa kanyang pisngi, agad namang bumangon si Liham at saka gulat na nakatingin sa akin, "what?!" He whined.

"That's... that's my breast!"

Halata ang gulat sa mukha ni Liham, "talaga?"

"Doon ka!" Pagpapalayas ko sa kanya, tinuro ko ang sofa. Halata ang antok sa mata ni Liham, I suddenly felt guilty for interrupting his sleep, alam ko naman na sobra siyang pagod dahil sa trabaho at heto ako, tinatanggalan pa siya ng oras na dapat ay tulog siya.

"I don't want to... I am deciding from now on that we will sleep together, you have no say..."

"Ayokong may manyak na nasa tabi ko!"

"Hindi ko naman sinasadya na makapa ang dibdib mo." He pouted, "please let me sleep, Yomi."

"No! Doon ka sa sofa!" Pagmamatigas ko, don't ask again Liham, I might let you sleep beside me this time...

"Fine..." He shrugged, tuluyan na siyang tumayo at saka naglakad patungo sa sofa, nakita ko pa ang napakagandang likod niya, he was so sexy... his body is an eye-turner.

Pinikit ko ang aking mga mata, I rolled over the bed into the side where Liham used to lie on, I sniffed the pillow and his fresh scent entered my senses, it calmed me down. It felt like home.

"Liham..."

"What?" Halata ang inis sa boses niya, "may sasabihin ka na naman? I already adjusted for your sake."

"I change my mind..."

"Huh?"

"D-Dito ka na lang sa tabi ko..."

"No, ayaw mo." Sagot naman niya, "just get some sleep, we'll have things to do tomorrow."

"Hindi mo na ako sekretarya, saka may trabaho ka pa..."

"No, iba ang gagawin natin. No work is involved, it's a surprise so I won't tell you, it's no use asking what will happen tomorrow, just get some sleep, masama iyan para sa inyo ng anak natin."

"I can't sleep..." Sabi ko, naninibago na kasi ako... my side is already cold when a few minutes ago, it was warm with his...

The bed feels empty and I didn't want it to be like that.

"So what do you suggest?"

"Dito ka na sa tabi ko..." Sagot ko.

"Baka paalisin mo na naman ako..." Ramdam ko ang antok sa boses ni Liham. He wants to sleep already but it feels like I'm not letting him get some.

"Hindi na..."

"Fine." Pinikit ko ang aking mga mata, matapos ang ilang saglit na katahimikan ay ramdam ko ang pag-alon ng katre, senyales na humihiga na si Liham, pagkatapos ay naramdaman ko ang kamay niyang yumakap sa akin.

"Do you mind if I hug you?" He murmured.

I smiled, "no..." Wala sa sariling humawak ang kamay ko sa kanyang kamay na nakayakap sa akin, the idea of him being near me made me finally shut down and sleep.

"Good night, Yomi... good night, baby."

~*~

Maaga akong nagising, pero kahit na ganoon ay naunahan pa rin ako ni Liham, when I woke up, the right side of the bed was cold, Liham was nowhere to be found. Asan kaya siya?

Bumangon na ako, pagkatapos iyon ay nakita ko ang telepono ko sa mesa, kinuha ko ito at nakita ang mga mensahe mula sa aking pamilya...

Should I read their messages? Para ano? Para malaman na humihingi na naman sila ng pera? Ganoon lang naman e, saka lang nila ako naaalala kapag may kailangan... I sighed, I wanted to ignore them but... I can't ignore them forever.

Pamilya ko pa rin sila kahit na ano ang gawin ko.

Nagbuntong hininga muli ako at saka ko binuksan ang mensahe mula kay Mama.

Fr: Mama
Anak, bakit hindi ka na tumatawag? Anak, kailangan namin ng pera. Nagkautang ako kay Merdes, kahit pambayad lang sa interest na 2K.

Pinikit ko ang aking mga mata, wala sa sarili kong binuksan ang telepono ko at tinanggal ang baterya, pagkatapos ay kinuha ko ang sim card ko at saka ito pinutol. There...

Para akong nakahinga ng maluwag, it felt like I was no longer responsible for them! I'm free! Ito ang matagal ko nang hinihintay, ang hindi matali sa mismong pamilya! I can do whatever I want!

Sa gitna ng pagngiti ko at malalim na pag-iisip ay bumukas ang pinto, lumikho ang tingin ko sa entrada ng kwarto at nakita si Lola Lullaby, "Young Lady, hinihintay po kami ni Young Master sa dining hall."

Tumango ako, "sige po."

Lumabas na ako, pero bago iyon ay pasimple kong tinignan ang sarili sa body sized mirror na naka-fixed sa gilid ng labasan, nang masiguradong walang dungis ay sumunod na lang ako kay Lola.

"Mag-aalmusal po ba kami roon?"

Tumango ang matanda.

Nang nasa dining hall na kami ay nadatnan ko si Liham na prenteng nakaupo sa kabisera ng pahabang mesa, may hawak siyang tabloid at abala sa pagbabasa, nang napansin niya ako'y tumigil siya.

"Finally, the princess is awake."

Tumango lang ako, tinignan ko ang mga pagkain sa mesa para makasigurado.

"Don't worry, there's no fish." Sabi ni Liham na tila nabasa ang nasa isip ko.

Ngumiti lang ako, umupo na ako sa tabi niya, pinalakpak ni Liham ang kanyang kamay at nagsialisan ang mga kasambahay sa paligid pati na rin si Lola Lullaby. "I figured you weren't comfortable with a lot of eyes watching."

Tumango ako at ngumiti... nagsimula na kaming kumain ngunit hindi ko pa rin maiwasang mapaisip, "ano nga pala ang gagawin natin ngayon na surpresa?"

"Oh, that?" Liham blushed...

"So?"

"D-Date..." Yumuko siya, pasimple siyang tumingin sa akin at nang nakitang nakangisi ako ay namula ang tenga niya. "I mean... d-date... you know..."

"Is this your first time asking a girl out?"

He gulped, "yes..."

"Wow, you've bedded a lot of girls and you're acting like this just for a date?" I almost choked! Hahahaha!

"Basta!" He frowned, "date tayo ngayon!"

Only Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon