Kabanata 50

80.6K 2.2K 141
                                    


Kabanata 50

May ngisi na nakaukit sa labi ni Liham habang naglalakad kami sa pasilyo ng mansion, yumuyuko naman ang mga tauhan at kasambahay na nadadaanan namin bilang respeto at galang sa aming dalawa.

Doon ko namalayan na lumabas na pala kami sa mansion, kumunot naman ang noo ko habang iniisip ang mga posibleng lugar na pwede naming puntahan.

Pumasok kami sa maraming puno na parte ng hekta-hektaryang lupain niya, hinawakan ni Liham ang kamay ko habang sinusundan namin ang animo'y animal trail, "saan tayo pupunta?" Hindi ko na maiwasang tanungin.

Nagkibit-balikat si Liham, "it's a surprise."

Sa gitna ng paglakad namin ay nakangiti ako dahil magkahawak ang kamay namin, hindi ko alam alam pero ang komportable lang sa pakiramdam, the warmth of his hand, the way he grip me, the way his muscles tense as we move.

Lumunok ako at saka ko binaling ang kung anong namumuo sa aking isipan, matapos ang ilang sandali ay tumigil kami ni Liham sa harap ng isang lumang puno, tumingala ako at umasang may tree house ngunit wala.

Biglang binunot ni Liham ang baril sa likod niya na hindi ko napansin, nilahad niya ito sa akin, ako naman ay tumingin lang sa baril na nasa kamay niya, "I'm going to teach you on how to shoot."

I blinked. Ano raw? This is his idea of date? How unique!

Napangiti naman ako, "okay." Kinuha ko ang baril, mabigat ito kaya medyo nanginig ang kamay ko, tila naramdaman ni Liham ang pag-struggle ko at inalalayan niya ang kamay ko.

"Face here." Sabi ni Liham, lumikho naman ako sa kung saan siya nakaharap at nakita ang mga pader, this is the shooting range area? Firing area? Or whatever you call it?

Halatang luma na ang firing area dahil sa mga vines at damo, akala ko kanina yong puno ang babarilin namin, all this time nakaharap ako sa maling dako.

"I'm a strict trainer," bulong ni Liham sa aking tainga, the warmth of his breath tickled my skin, tumaas naman ang balahibo ko habang pinipigilan ko ang paghagikgik, tumango na lang ako matapos ang ilang sandali.

Linapit ni Liham ang katawan niya sa akin, both his hands guiding me, "hold the gun firmly with your proper grip." Utos niya, his hands fixed the way my hand hold the gun, "grip it firmly." Tumango naman ako.

Sa totoo lang ay hindi ako gaano maka-concentrate dahil sa mainit niyang hininga na ngayon ay tumatama naman sa batok ko, I shove all naughty scenes away and focused, hindi ko alam na ganito pala ako mag-isip! Dala ata ito ng pagbubuntis ko?

"Your arm position should be fully extended when possible, your torso should lean forward slightly like this," he guided the position of my body, "your shoulder should always be forward." Sabi niya, "maintain your position, don't flinch or move."

Tumango ako at lumunok.

"Aim for the target." Saad niya at tinulungan ako sa pagtutok ng baril sa tila dartboard na nakapinta sa pader, "never imagine aiming for the bullseye, but do it. Don't pull the trigger but press it."

So I pressed it. "Wala namang lumabas na bala?" I frowned.

Liham chuckled, "we haven't pulled the safety trigger yet." He guided my thumb to pull it off, then we went back to aiming. Pagkatapos ay inalis ni Liham ang pag-alalay niya sa akin, doon muling bumalik ang bigat ng baril, or maybe all this time Liham was the one carrying its weight.

Doon ko napansin na may nilagay siyang tila headphone sa aking tenga, he raised the right of it and mumbled, "the sound of the gun is deafening, if you know what I mean." He chuckled then put the headphone back onto my ear.

Only Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon