Kabanata 12
My life as Liham's secretary is over. Hindi pa rin ako makapaniwala hanggang ngayon, those were the magic words that I wanted to hear! Ngunit may isang bagay na parang tumusok sa aking puso nang binitawan niya ang mga katagang iyon...
What if he'll hire a new secretary?
Biglang bumaliktad ang sikmura ko sa aking iniisip, hindi ko alam pero may kung anong pwersa sa kalooban ko na ayaw mangyari iyon, na gusto ko ay ako lang ang babaeng makakasama ni Liham sa loob ng opisina.
Maybe this is called attachment? Attachment na pinalakas lang ng pagbubuntis ko... I'm not like this, ngayon lang.
"S-Seryoso ka ba sa sinabi mo?"
Tinaasan niya ako ng kilay, kasalukuyan siyang nagmamaneho. Pauwi na kami ngayon sa bago kong tirahan, the thought of Liham and how things are going smoothly and fast are still surreal, this feeling is too good to be true yet too bad to be not, too.
"When did I joke?"
Lumunok na lang ako, "ayoko na babae ang magiging bago mong sekretarya, gusto ko kapag kumuha ka ay lalaki."
"Possessive, aren't we?" Tumaas ang sulok ng taas ng labi niya, nakita ko pa ang pagtapik ng mga daliri niya sa manibela ng kotse na tila natutuwa.
"No, I'm only marking what's mine."
Those words suddenly came out of my mouth without me thinking, gusto kong sampalin ang labi ko ng maraming beses. Gosh! Mapapahamak pa ata ako dahil sa bunganga ko!
Biglang naging mainit ang hangin sa loob ng kotse, ramdam ko ang titig ni Liham sa kabila ng pagmamaneho niya. And his silence for a few minutes didn't help...
"I'm yours?" Kahit na hindi ako nakatingin sa mukha niya dala ng hiya ay alam kong nakangisi siya, his voice was playful and he seems to be amused. "When did I become yours again?"
Lumunok ako, "hindi iyon ang i-ibig kong sabihin..." nag-isip ako ng mabilis na palusot ngunit walang gustong pumasok sa utak ko, damn it! My brain won't cooperate with me! Binaling ko na lang ang buong atensyon ko sa bintana, "nevermind!"
I heard Liham chuckle, dahil doon ay tumingin ako sa kanya dala ng laking-gulat. The chuckle was genuine and cute, biglang bumagal ang lahat sa kabila ng mabilis niyang pagmamaneho, his eyes glinted like the stars I gaze every time I want to contemplate.
Liham was beautiful at this moment...
"Yomi..."
I gulped.
Matapos ang ilang sandali ay tumigil ang kotse, tumigil ito sa gitna ng tulay, mabuti na lang at walang mga sasakyan na sumusunod sa amin...
"B-Bakit ka tumigil sa pagmamaneho?"
He smiled, "I want you to remember this night..." Nagulat ako nang hinaplos ng kamay niya ang aking pisngi, it was gentle as if I was fragile, napatitig ako sa maamong mukha ni Liham, "I want you to remember this night that I will become yours."
"Liham, ano ang ibig mong sabi-"
He stopped me with a kiss, napapikit ako habang dinarama ang init ng kanyang labi. It was soft, warm, and... sweet. Tila lahat ng bahala ko ay nawala dahil sa halik niya, it felt like a magnet and I wanted more, I wanted the kiss to last longer, his lips seem to be flames and I was a moth drawn by it.
His lips are very dangerous yet I felt safe with its touch.
Nang naghiwalay ang aming mga labi ay nakita ko ang sinseridad sa mata ni Liham, "you slapped me twice yesterday, so I'll kiss you twice today. But that's not it, Yomi... I'm yours, only yours... and whether you like it or not, you're mine too."
Sasagot na sana ako nang may bumusina sa likod namin, ngumisi si Liham at saka muling nagmaneho. Sa buong biyahe ay tulala lang ako. Wow... it seems like we are progressing real quick?
Siguro dala ng pagod sa mga nangyari sa araw na ito ay nakaidlip ako sa biyahe, nagising na lang ako nang naramdaman ko ang mainit na kamay at matigas na braso ni Liham, I was on his arms and he was carrying me like a bride...
I didn't react, I chose to be silent because if he knew I was awake, he'll put me down. Hindi ko alam pero parang mas gusto ko na buhat niya ako.
"Young Master, tutulungan ka na namin, mukhang napasarap sa tulog si Young Lady." Sabi ni Lola Lullaby.
Mabilis kong pinikit ang aking mga mata, wala sa sariling kumapit ang kamay ko sa damit ni Liham, seems like he got the message... "No thanks, Lola. Ako na ang bahalang magbuhat kay Yomi, plus, she seems to like it more in my arms."
Pagkatapos ay naramdaman ko ang paglakad ni Liham, sinuksok ko ang mukha ko sa dibdib niya, his manly scent calmed my senses. I felt really, really safe. Naramdaman kong tumataas na kami kaya siguro ay nasa hagdan ako.
"You're heavy." He sighed, tila iniisip niyang tulog pa ako. "Well, I'm not dumb not to know you're awake."
Bigla akong dumilat.
He grinned, "see, you're awake." Pagkatapos ay binuksan niya ang pinto ng kwarto namin at saka pumasok, sinara niya ito gamit ang kanyang paa. Gusto ko sanang bumaba na ngunit humigpit ang hawak niya sa akin, as if telling me that he won't let me.
Pinahiga niya ako sa kama, pagkatapos ay hinubad niya ang kanyang longsleeve, pinagmasdan ko lang siyang maghubad, nakatalikod siya sa akin kaya kitang kita ko ang likuran niya.
It was a nice view, I can tell that his body is well taken care of, he have muscles to flaunt, they are very defined.
"Liking the view?" Liham looked at me and then he grinned.
Mabilis kong pinikit ang aking mata, yes!!!
"H-Hindi ah..."
"Really?" Naglakad siya palapit sa akin, habang lumalapit siya ay mas nakikita ko ng malinaw ang kanyang matikas na katawan! That v-line is swaying while he walks! Is he seducing me or what? Because he's doing it great if he is!
Nagulat ako nang tumalon siya para padapang humiga sa kama, nasa tabi ko lang siya... the fact that he is this close with me with only his boxers made something burst inside me, he crossed his arms and buried his face on his strong arms that once carried me.
"The muscles on my back are aching after a long day work, can you please massage my back for me?"
BINABASA MO ANG
Only Ever After
General FictionEver After Trilogy #1 This is not your ordinary action-romance story packed with twists. Enjoy the ride while you can.