Kabanata 23
"Young Master..." Ian opened his door and went out, ako naman ay nanatiling nakaupo sa likod, matalim ang tingin ni Liham sa akin, tila tinakasan ako ng sarili kong dugo...
Binaling niya ang kanyang tingin kay Ian, "I told you not to talk to my woman." He growled, nakakuyom ang kanyang kamao na tila naiinis. "Are you mocking your boss?!" Tumaas ang boses niya, I've never seen him this mad.
Binuksan ko ang pinto at bumaba sa kotse, "Liham, walang kasalanan si Guardian-"
"Don't frigging talk." Sinamaan niya muli ako ng tingin, "ano? Mas gwapo si Guardian kesa sa akin? Ha?!"
What?!
"Sumagot ka!"
My jaw dropped, nagagalit siya dahil ba sa sinabi kong ang gwapo ni Guardian? Hindi ko maiwasang matawa kaya naman pinakawalan ko ang malakas na halakhak. Halos pagpawisan na rin ako dahil doon.
Guardian looked confuse why I was laughing, e galit na si Liham tapos tinawanan ko lang. Hinihingal akong tumigil, si Liham naman ay seryosong nakatingin pa rin sa akin.
"It's not funny." He blushed, tumingin siya kay Guardian. "Layas."
Tumango si Guardian at pumasok na siya sa loob ng kotse, sa isang iglap ay mabilis niyang pinaharurot ang kotse pabalik sa mansion.
Nang kami na lang ni Liham sa gitna ng daan ay tinignan niya ako, "are you always like that to every man?"
Napaawang ang labi ko, he made me look like I was a slut. Parang kumulo ang dugo ko! "Ganito na rin ba kababa ang tingin mo sa akin?"
Hindi siya sumagot, halata ang gulat sa kanyang mukha dahil sa tanong ko. Of course, he did not expect me to ask something like this.
"Hindi mababa ang tingin ko sa iyo, Yomi." He sighed.
"E ano?!"
"I don't want you talking to other guys, gusto ko sa akin ka lang nakatingin." Naglakad siya palapit sa akin, he cupped both of his hands on my cheeks, "gusto ko ako lang kasi akin ka. You're fucking mine." Sa isang iglap ay dumapo ang labi niya sa akin.
I closed my eyes as I felt his lip crashing against mine, it was a passionate kiss that made me forget every doubts I had, tila muling nawala ang distansya sa amin ni Liham na lumalaki habang lumilipas ang mga araw.
"Nagseselos ka ba?" I asked while panting for air.
"Paano kung sabihin kong oo? I'm so fucking jealous and I've never been jealous before! Ngayon lang! Why do have to make me feel like this, Mi?"
I bit my lower lip, "kasi nakakainis ka. Iniinis lang naman kasi kita e, alam kong nakikinig ka sa usapan namin ni Guardian kanina kaya ko ginawa iyon."
Biglang namutla ang itsura ni Liham, as if a man caught stealing.
Hinawakan niya ang kamay ko, "let's go."
"Saan?"
"Let's go buy things for our baby." He answered.
"Pero may trabaho ka."
"My work can wait but my queen? No, I might lose her if I make her wait." He grinned. He intertwined our fingers and begun to walk back to his car, binuksan niya ang pinto ng passenger's seat at umupo naman ako roon.
Nang nakasakay na siya ay pinaandar niya ang kanyang kotse, I made myself feel comfortable and leaned against the leather backrest, habang nagmamaneho si Liham ay hindi ko maiwasan mag-isip kung ano ang iniisip niya.
BINABASA MO ANG
Only Ever After
General FictionEver After Trilogy #1 This is not your ordinary action-romance story packed with twists. Enjoy the ride while you can.