Kabanata 3

147K 4.2K 634
                                    

Kabanata 3

"Ang sakit ng puson ko!" Pag-iyak ni Lessy habang paiba-iba ng pwesto sa kanyang kama, ako naman ay abala sa paglantak ng sinukaang kamas, "hindi ko na kaya!"

"Ang drama mo Lessy, parang sakit sa puson lang iyan, mabuti nga sa puson lang masakit sa iyo at hindi iyang puso mo." Nginisihan ko siya sabay kagat sa kamas.

"Teka..." Bigla siyang tumayo mula sa kanyang kama, siningkitan ko siya ng mata at saka hinila ang mangkok ng kamas para siguraduhing hindi siya kukuha, tinaasan niya ako ng kilay at saka naglakad palapit.

"Hindi kita bibigyan ng pagkain ko!" Lumabi ako sa kanya, ngayon ang day off naming dalawa kaya naman naisipan naming mag-bonding na lang, gagala nga sana kami sa mall kasu biglang sumakit ang puson niya kaya hindi natuloy.

"No, hindi iyon ang ibig kong sabihin." She sighed, "Mimi, hindi ba't sabay tayo na dumudugo yong pempem?"

Tumango ako, "oo, simula pa lang noong nagkilala tayo, wala pa ngang linggo sa bawat buwan na hindi tayo nagsabay e."

"Ibig sabihin... nireregla ka, right now?"

Umiling ako, at doon ay natigilan ako nang may napagtanto. Nagkatinginan kaming dalawa ni Lessy, suminghap ako. "Baka naman... baka naman na-delay lang..."

"Kailan pa na-delay ang regla mo? Regular tayong dalawa sa period kaya napakababa ng tsansa na mahuli ka sa regla, pumunta ka sa banyo at i-recheck mo iyang friend mo kung dumudugo ba o hindi, baka namanhid ka lang."

Tumango ako at nilapag ang mangkok sa coffee table ng kwarto niya, "huwag mong gagalawin itong pagkain ko, ah?"

"Aysh, oo!"

Mabilis akong pumunta sa banyo at saka dahan dahang binaba ang pajama at underwear, pinikit ko ang aking mata, "sana may dugo, sana may dugo, sana may dugo..." Paulit ulit kong sinambit ang tatlong mga salita habang dahan-dahang binubuksan ang aking mata.

Sinilip ko ang aking pagkababae... wala akong nakitang dugo.

I gulped, mabilis akong nagbihis at saka lumabas sa banyo, "Lessy..." Tinignan ko siya, may luhang namumuo sa gilid ng aking mata, pinikit ko lang ito pabalik.

Magsasalita pa sana ako nang umiling si Lessy para patahimikin ako, "isang bagay lang ang ibig sabihin ng ekspresyon mo, hindi dumugo ang friend mong traydor." Umiling muli siya, "tatlong linggo na ang nakalipas, Mimi. Mukhang nagpapakita na ang senyales na nagdadalang-'babae' ka."

Lumunok ako, "b-bili tayo ng pregnancy test..."

Tumango siya, "ohemgee! I'm so excited to see the results! Malakas ang kutob ko na may namumuong buhay sa loob ng tyan mo, Mimi! Magiging ninang na rin ako sa wakas, magkakaroon na ako ng baby doll, tapos..."

Bigla siyang tumahimik nang nakita ang malungkot kong mukha, she sighed and then pulled me into a hug, "Mimi, this is not a matter na dapat mong ikalungkot, you should be happy, buntis ka man o hindi which is malalaman natin mamaya, dapat maging masaya ka pa rin at matatag."

Tumango ako.

"Grabe, parang nakalimutan ko 'yong sakit sa puson ko dahil sa nangyayari ngayon." Saad niya, naglakad na kami palabas ng apartment at tumungo sa elevator, pagkatapos ay lumabas kami sa basement floor at saka sumakay na sa kotse ni Lessy.

Sa gitna ng biyahe namin papunta sa pinakamalapit na pharmacy ay malalim ang inisip ko. Paano na lang ang pamilya ko? Ano ang iisipin nila sa akin kapag malaman nila na buntis ako? Itatakwil ba ako ni mama? Magagalit ba sina kuya?

At...

Paano ang tatay ng dinadalang tao ko kung sakali? Hindi ito ang pinangarap ko, oo, nangarap ako na magka-anak, ng magkapamilya, pero hindi ganito, gusto ko ng buong pamilya.

Kung magkakaanak nga ako, gusto ko na magkaroon siya ng buong pamilya, isang buo at masayang pamilya.

Pinikit ko ang aking mga mata, hindi dapat ako mabahala, alam kong may plano ang panginoon para sa akin.

Nang nasa harap na ako ng pharmacy ay tumingin ako kay Lessy, "tatlo ang bibilhin ko para makasigurado." Saad ko at saka binuksan na ang pinto, tumango naman siya at nginitihan ako.

Lumabas na ako at saka pumasok sa pharmacy, "ano po ang bibilhin niyo?"

"Tatlong pregnancy test..."

Tinignan ako ng pharmacist at ngumiti, mabilis siyang kumuha ng tatlong pregnancy test at saka p-in-unch ito sa scanner. "Ang swerte naman ng asawa mo, Ma'am. Ang ganda mong babae, sana positive ang labas ng test."

Natigilan ako, agad kong binigay ang bayad at mabilis na naglakad palabas, sumakay na ako sa kotse ni Lessy at nagmaneho siya pabalik sa apartment.

"Kung positive ang labas, kailangang itigil mo na ang lahat ng trabaho mo, ililipat kita sa kompanya ng Kuya ko bilang sekretarya niya."

"Hanggang ngayon naghahanap siya?"

She sighed, "walang nakakatagal na sekretarya ni Kuya, actually may nahanap na siya pero agad niyang tinanggal sa trabaho, pero papakiusapan ko si Kuya at sasabihan na maging mabait siya sa iyo dahil nagdadalang tao ka at malilintikan siya sa akin kung tatanggalin ka niya."

Ngumiti ako at saka tumingin sa bintana ng sasakyan, "hangga't maaari gusto ko na tayong dalawa lang muna ang makakaalam nito kung positibo nga ang lumabas sa pregnancy test."

"Ano ba ang plano mo? Kung mabuntis ka man Mimi, hindi mo maitatago iyon sa iyong pamilya, kailangan malaman din nila dahil may karapatan sila, look, kaibigan kita kaya sinasabihan na kita hangga't maaga pa."

Tumango ako, nang nasa apartment basement na kami ay lumabas na ako at sumakay sa elevator, tahimik kaming parehas ni Lessy, nang nasa apartment na mismo ay pumasok ako't tumungo sa banyo ng aking kwarto daladala ang pregnancy test.

Umupo ako sa toilet bowl at saka ko binuksan ang isang pregnancy test, pagkatapos ay kinuha ko na naman ang pangalawa, at sumunod ang pangatlo.

Nanatili akong nakaupo habang malalim ang iniisip, hindi ko nga namalayan ang oras kung hindi kumatok si Lessy sa pinto, "Mimi? Isang oras ka na dyan sa banyo, ano ang resulta?" Sigaw niya mula sa kabilang pinto.

Mabilis akong tumayo at saka ko tinignan ang isang pregnancy test, nanlaki ang mata ko dahil sa gulat, hindi ako makapaniwala sa resulta kaya tinignan ko ang pangalawa, parehas ang resulta, pati ang pangatlo.

Hindi ako namamalik-mata, hinawakan ko ang tatlong pregnancy test at saka binuksan ko ang pinto, bumungad si Lessy na may pag-aalalang nakapinta sa mukha, nanginig ang tuhod ko at ako'y lumuhod.

"Mimi, ano ang resulta?" Halata ang kaba sa kanyang boses.

Pinakita ko ang resulta ng pregnancy test at suminghap siya, halatang hindi makapaniwala sa resulta, ngumiti siya at saka ako hinila para yakapin.

Only Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon