Kabanata 44

75.4K 2.2K 399
                                    

Kabanata 44

Tinungo namin ni Liham ang subdivision kung saan nakatira si Stella, he parked the car in front of Stella's house and looked at me, "wait here."

Tumango naman ako sa kanya, tahimik kong pinagmasdan si Liham na bumaba sa kotse at naglakad papunta sa tarangkahan ng bahay, pinindot niya ang doorbell at naghintay.

Ilang minutong nakatayo sa labas si Liham na paulit-ulit lang sa pagpindot ng doorbell, he sighed. Nagulat na lang ako nang inakyat niya ang pader na walang kahirap-hirap. Nang nasa taas na siya ay tumalon siya, then he was inside the property just like that.

Mula sa loob ng sasakyan ay kitang-kita ko si Liham mula sa gate bars ng bahay ni Stella, I crossed my fingers as if something bad might happen, sa gitna ng paglakad ni Liham ay biglang bumukas ang pinto.

Bumungad naman si Stella, nang nakita niya si Liham ay agad niya itong tinutukan ng baril, I gasped. Ibang-iba na ngayon si Stella kesa sa Stella dati na nakilala ko.

She used to like Liham, how can she point a gun at him just like that?! Mabilis akong lumabas at kumaripas ng takbo, "Stella!"

Tumingin siya sa aking gawi, nang nakita niya ako ay tinutok naman niya sa akin ang baril.

"Hindi mo kami kalaban." Saad ko sa kanya, "we are here to talk to you."

Humigpit ang hawak ni Stella sa kanyang baril, tumingin siya kay Liham at sa akin, "ano ang ginagawa niyo dito?" Binaba niya ang baril ngunit halata pa rin na wala siyang tiwala sa amin, she kept a safe distance, with her guard on.

"Ako si Safira Yomiere Lamortel." Mahinang sabi ko, alam kong narinig niya iyon, recognition hit her eyes and she gasped, namilog ang mata niya at mabilis siyang tumakbo, nilampasan niya si Liham at pinagbuksan ako ng pinto, sumilip pa siya sa paligid.

"Delikado rito." Hinila niya ako papasok sa kanyang bahay at sumunod naman si Liham, mabilis na sinara ni Stella ang pinto at nagbuntong-hininga.

Giniya niya kami sa salas ng bahay niya, pagkatapos ay umalis siya at dumating na may dala-dalang meryenda, nagtataka siyang tumingin kay Liham.

"Sir, ano ang ginagawa mo rito?"

Right, she probably have no idea that Liham and I are together. Nagkibit-balikat lang si Liham, tila hindi rin niya alam na mafia boss ang kasama namin.

"Stella, kilala mo ba si papa?"

Kinagat niya ang babang labi niya at tumango, umupo siya sa tabi ko at saka nagbuntong-hininga, "papa ko rin siya..."

Nagkatinginan kami ni Liham, ano ang ibig niyang sabihin? So, we are sisters?! Half sisters?!

"Para palakasin ang Lamortel Mafia lalo't baldado na si papa, nagpakasal siya sa isang mestisa, si mama, anak ng Quins Mafia boss. At ako ay nabuo, papa used to tell me that I have a half sister. Na balang araw, makakasama ko rin siya."

"Asan na ang mama mo?" Liham asked, tila nagulat si Stella at naalala na meron si Liham, "don't worry, your words are safe with me."

Tumingin sa akin si Stella as if asking for reassurance, I nodded at her. She sighed and continued, "pinatay si mama..."

"Who?" I gasped.

"Last month ko lang nalaman kung sino, kaya ako umalis sa mafia house ni papa ay para alamin ang mga tao sa likod ng pagkamatay ni mama." Kumuyom ang kamao ni Stella, "that evil bitch..."

"Sino?" Tanong ko.

"Lessana Silician, kapatid siya ng mafia boss ng Silician Mafia, she killed my mom in order to break the alliance of my father and the Quins, siguro hindi niya alam na may anak na pala sila kaya hindi niya ako ginalaw."

Only Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon