Kabanata 31
Seryoso ang mukha ni Liham, inutusan niya ang isa sa mga tauhan niya na dalhin si Guardian sa aming pwesto, agad naman siyang sumunod. Kahit na kalmado ang itsura ni Liham ay nakikita ko ang kaba sa kanyang mukha.
It's been half an hour already, the people are busy looking for the bombs while Liham and I stayed in our spots.
"What's your situation?" Tanong ni Liham sa walkie-talkie.
"Young Master, 49 bombs were collected and thrown at the swimming pool, isang bomba na lang ang kulang, we've searched everywhere but we can't find it."
Saktong iyon ay nakita kong kinakaladkad si Guardian ng mga tauhan palapit sa amin, may ngisi sa kanyang mukha, nang malapit na siya ay tumingin siya sa aking gawi, "we could have been a family. You know, wife?" Halakhak niya.
Kumuyom ang kamao ni Liham hangga't sa namuti ito, walang sabi nyang sinuntok ng malakas si Guardian sa kanyang mukha, "never call my woman wife."
Tumaas ang kilay ni Guardian, he spat blood at Liham's foot as if insulting him, "talaga? She's yours? Then you know the danger you've put her into, akala mo ako lang ang traydor sa mafia house na ito? Think again."
"Papatayin ko lahat ng malalaman kong traydor, you are not an exception." Galit na sagot ni Liham.
Tumawa ng malakas si Guardian, his voice echoed making the people who were busy to stop and look for a moment, gusto kong tadtarin ng sampal ang mukha ng bwisit na ito! Nakakaleche!
Halatang kumukulo na ang dugo ni Liham, "asan ang huling bomba?" Mahinahong tanong ni Liham, his voice demanding and full of authority.
Ngumiti si Guardian, "malapit lang sa inyong dalawa ni Yomi, sobrang malapit." Bumungisngis siya habang nakikita ang pagkagulo ni Liham. "Sinabi ko naman sa iyo e, let me go and the bombs will not explode."
"I will never let my prisoner go, unless he is dead." Ngumisi si Liham.
Napatingin ako sa maliit na hawak-hawak ni Guardian na parang remote control, hindi ito gaanong halata dahil nakatago ito sa likod ng kanyang mga daliri, halatang napansin niya na nakatingin ako roon kaya kumindat siya.
"Liham, may hawak siya." Bulong ko, ngunit malakas ang bulong ko kaya narinig ni Guardian.
"You mean this?" Tinaas niya ang kanyang kamay at pinakita ang isang remote control, nagulat ako nang pinindot niya ang pula, "I've just set the timer for all bombs, in ten minutes, every bombs will explode, may isa pa kayong hindi nahahanap."
Mabilis na hinablot ng tauhan ang remote control at binigay ito kay Liham, agad namang tinawagan ni Liham si Capo para dalhin ang bomb expert.
Nang dumating na sila ay sinuri nila ang remote control, "it can detonate the bombs but it requires a ten digit password, one wrong number and the bombs will self destruct as a reaction." Saad ng bomb expert.
Tumawa si Guardian, "frustrated, friends? Sige, bibigyan ko kayo ng choices dahil mabait ako. First choice, 0123456789. Second choice, 0000000000. Third choice, 0320200013. And last choice, 0912091120."
Tinignan ni Liham ang orasan niya, "we still have six minutes to figure it out."
Habang malalim na nag-iisip sina Liham ay tumatawa lang si Guardian, it seems like it is his plan in distracting Liham, dala ng matinding inis ay sinampal ko si Ian, "putangina mo naman, shut up ka na lang, please? Hindi ka nakakatulong!" Bwisit na bwisit na ako!
"Oh, slap me more baby." He grinned, showing off his orange-ish teeth maybe because of blood.
Kadiri.
"Yomi, stay beside me." Liham ordered, nagbuntong hininga ako at sumunod, ayoko nang makasagabal, sana may maitulong man lang ako kahit na kaunting bagay lang.
"Three minutes more." Liham mumbled, namumutla na siya at pinagpapawisan, nakatingin siya sa sinulat ni Capo na choices namin para sa password, we can't afford to choose the wrong password already.
"Paano kung wala talaga dito ang tamang password? Paano kung pinaglalaruan lang tayo ni Guardian?" Tanong ko.
Tumingin silang lahat sa akin, Liham eyed me with approval, for a moment, I felt useful. But then, I realized that I messed up with our only chance of detonating the bombs.
"One minute left." Liham growled, pinagpapawisan na siya. He crossed out the first two choices, leaving the third and fourth, nang ginawa iyon ni Liham ay ngumiti si Guardian, as if he won.
"Liham, I think either one of the first two choices is the password." Saad ko, "kung ako si Guardian, syempre iisipin ko na ang tamang password lagi ay komplikado dapat lalo na sa mga oras na ito, with that thinking, he took advantage of it and chose a simple password, I think choices three and four are not real, so it leaves us one and two."
I felt the adrenaline rushing into me, nakatingin silang lahat sa akin, as if my decision will save them.
"So since detonating the bombs require a password, I think setting their timer will require a password too, syempre, kung ikaw ang magpapasabog, gugustuhin mo ang pinakasimpleng password, ang isang magkakasunod na pindutan na lang, so maybe the second choice 0000000000 is the password for setting the bomb's timer while the first choice 0123456789 is the password for detonating the bombs."
Tumingin si Liham kay Capo, "what do you think?"
Masamang tumingin sa akin si Guardian, halatang pinagpawisan siya dahil sa aking sinabi.
I know I am right.
"Young Master, let's give it a try, we still have thirty seconds." Capo agreed. Nagsimula nang magpindot si Liham sa remote control, I crossed my fingers hoping my guess was true, I have to rely on luck.
Ipipindot na sana ni Liham ang huling numero nang hablutin ito ni Guardian, "what the fuck! Bakit hindi niyo hinawakan si Guardian?!" Inis siyang tumingin sa mga tauhan na may hawak kanina kay Guardian at nagulat ako dahil nakatutok na ang baril nila sa amin.
"Didn't I tell you, Liham? Maraming traydor sa mafia mo." Ngumisi siya at dinilaan ang remote control, "tama ang password na sinabi ni Yomi, what a bright woman, pero sayang, isang pindot na lang sana matitigil na ang mga bomba." Binato ni Guardian ang remote control sa ere at binaril ito ng kanyang kasama na traydor din.
No!
Our only chance of stopping the bombs, now gone...
Binunot naman ni Capo ang kanyang baril at tinutok ito sa mga traydor, gayon din sa ibang mga tauhan.
Naguguluhan na ako.
"You wanna know where the last bomb is?" Guardian smiled, bigla niyang tinanggal ang mga botones ng polo niya, sa gitna nito ay natanaw ko ang bomba na nakadikit sa kanyang katawan, may nakita akong timer roon...
"Ten, nine..." He begun counting down, ang mga traydor naman ay tumakbo palayo sa kanya nang makita ito, kinuha ni Capo ang tsansang iyon para barilin sila.
"Kung mamamatay lang din naman ako, isasama ko na lang ang isa sa inyo sa impyerno! May limang segundo pa para mabuhay! Hahahaha!"
Nanlaki ang mga mata ko nang tumakbo siya palapit sa amin, yayakapin sana ako ni Guardian para isama sa suicide bombing niya nang tinulak ako ni Liham dahilan upang siya ang mayakap. "Die with me, Liham."
Biglang tumulo ang mga luha ko, "Liham!"
Toot. Toot. Toot.
Kumunot ang noo ko, nakalipas na ang limang segundo ngunit hindi pa rin pumuputok ang bomba. Nakahinga ako ng maluwag, tinulak ni Liham si Guardian papalayo, nakita ko ang bomba sa katawan niya at ang timer roon, tumigil ang timer sa huling segundo.
"Paano nangyari?! Hindi maaari!" Halata ang gulat sa kanyang mukha, "come on, explode!" Galit na saad niya.
"Seriously, Kuya? Kung hindi ako dumating para itigil ang bomba patay ka na." Napatingin ako sa babae na naglalakad palapit mula sa malayo, "may photoshoot pa ako, gosh!"
BINABASA MO ANG
Only Ever After
General FictionEver After Trilogy #1 This is not your ordinary action-romance story packed with twists. Enjoy the ride while you can.