Kabanata 33
"Kuya?" Kumunot ang noo ni Liham, tinignan ako ni Liham sa mukha at sa mukha ni Kuya, halata ang pagtataka sa kanyang mukha. "Kuya mo siya?" Tanong niya sabay turo sa sekretarya niya.
Tumaas ang isang kilay ko, "huh? Hindi ko siya kuya! Kuya talaga ang pangalan niya!"
Ngumiti si Kuya, alam kong nakakalito pero iyon talaga ang pangalan niya, hindi ko alam pero iyon ang pinangalan sa kanya ng mga magulang niya. Pero masaya ako na makita ulit si Kuya!
"Yomi!" Ngumiti siya at tumayo, tila nakalimutan niyang meron si Liham at nagmadali siyang pumunta sa aking gawi at saka ako niyakap, "grabe, ano ang ginagawa mo rito sa opisina ni Sir?"
Ngumiti ako, "siya ang mapapangasawa ko."
Nanlaki ang mata ni Kuya, "talaga?" Tumingin siya kay Liham na nakatingin ng masama sa kanya, nagdalawang isip si Kuya bago siya dumistansya sa akin, "good day, sir."
Tanging tango ang sagot niya, "how come you know each other?"
"Magkapit-bahay kami, sir." Sagot ni Kuya, "ay! Yomi, nabalitaan mo na ba? Sinabi na ba ng mga kapatid mo sa iyo?"
"Ang ano?"
I remember that I cut off every connections I have with them, kaya natural lang na hindi ko alam ang tinutukoy niyang balita. Simula sa araw na iyon ay hindi ko na nakausap ang pamilya ko, it seems like they never existed to begin with.
But now the thought of them is playing inside my mind.
Kumusta na kaya si mama? Sina kuya ba ay gastador pa rin at sugalero?
Pinanlakihan niya ako ng mata, halatang hindi makapaniwala. "Hindi mo talaga alam?!"
"Ang ano?" Tugon ko.
"Si Tita Mila," nagdalawang-isip pa siya, ano naman ang meron kay mama? Bigla akong kinutuban ng masama dahil sumeryoso ang mukha ni Kuya, "namatay siya last week."
Parang nabingi ako dahil sa aking narinig. Namatay si mama? Napatingin si Liham sa akin, halata ang pagtataka sa kanyang mukha.
"Si mama?" Pag-ulit ko, baka iba lang ang narinig ko.
Doon ay tila nakuha na ni Liham ang nangyayari.
"Oo." Sagot ni Kuya, "nagtaka nga ang mga tao sa barangay kung bakit hindi ka umuwi para sa libing niya, sabi ng iba nag-asawa ka na raw, pero syempre tsismis lang iyon, tignan mo nga naman, mag-aasawa ka pa lang. Masyado silang advance." Biglang sumeryoso ang mukha ni Kuya, "alam mo na ba ang nangyari sa tatlo mong kuya?"
Umiling ako.
"Ayon, nagkawatak na sila. Pagkatapos ng libing ni Tita Mila ay naglayas si Yazi, hindi ko alam pero sabi ng mga tsismosa ay sumakay raw siya sa isang van bago nawala, tapos sumunod si Miyo, nakipagtanan daw siya! Ang naiwan na lang sa bahay niyo ay si Yohan."
I blinked my tears away, totoo ba itong naririnig ko? Tumingin ako kay Liham, halata ang pag-alala sa kanyang mukha. "Gusto kong bumalik sa Algaya."
"It's too dangerous." Bulong ni Liham sa akin, tumingin siya kay Kuya na seryosong nakatingin sa akin, "proceed to your work."
"Yes, sir." Sagot nito at tumango sa akin bago bumalik sa kanyang pwesto at bumalik sa dating ginagawa.
"Please, Liham..." I pleaded.
Tumingin siya sa aking mga mata, he knows the pain I feel right now. I know he do. Nawalan na rin siya mga mga magulang, pareho na kaming mga ulila. "I'll think about it, okay?"
BINABASA MO ANG
Only Ever After
General FictionEver After Trilogy #1 This is not your ordinary action-romance story packed with twists. Enjoy the ride while you can.