Kabanata 34

85.2K 2.7K 441
                                    

Kabanata 34

Seryoso ang mukha ni Liham nang sumakay kami sa eroplano niya, ito ang unang beses na makasakay ako sa ganitong klase ng sasakyan. Hindi ko maiwasang mamangha pero kahit na ganoon ay nag-aalala pa rin ako sa mga kapatid ko.

Hindi pa rin ako makapaniwala na wala na si mama, hindi, ayokong maniwala hangga't sa hindi ko makita mismo ang kanyang puntod.

"Did you sleep?" Tanong ni Liham sa akin, tumaas ang isang kilay niya habang pinagmamasdan ang mukha ko. "You know that you should sleep for your health, right?"

Tumango ako, wala sa aking sarili.

Umiling na lang si Liham, nakatingin lang ako sa himpapawid mula sa bintana ng eroplano, hindi na lang nagtanong pa si Liham at umalis na siya para bigyan ako ng espasyo. Ilang oras ang lumipas at lumapag na ang eroplano.

"Let's go." Aniya, kinuha niya ang isang maleta kung saan parehong may mga damit na kami, hindi kami gaanong magtatagal ni Liham dito, mamayang gabi ay babalik ulit kami sa La Mayor, masyadong delikado itong gagawin namin lalo't mafia siya.

Isama mo na't hindi kami nagsama ng gwardya o tauhan dahil sagabal lang daw iyon, ayon kay Liham.

Sinuot ni Liham ang malaking salamin niya at naglagay ng sombrero, naka-jacket siya at tila balot na balot ang katawan, he eyed the place suspiciously before letting us move.

Nang nasa labas na kami ng airport ay pumara ako ng tricycle, kumunot naman ang noo ni Liham. "You don't expect me to ride that thing that lacks one wheel."

Hindi ko maiwasang mapangiti, as if for a moment I forgot the reason why we are here. "Talagang tatlo lang ang gulong nyan, hindi ka pa ba nakakita ng tricycle? Tao ka ba?"

"There's no such thing as that in La Mayor." Nagkibit-balikat si Liham.

"Still, I prefer taxi."

"Walang taxi dito sa probinsya." Sagot ko naman sa kanya, "ang taxi namin dito ay iyan."

He hissed, "I should have brought my car."

"Kasya sa eroplano?"

He rolled his eyes, pinauna na niya akong sumakay bago siya sumunod, hinayaan niya ang maleta sa paanan naming dalawa, seryoso siyang nakasilip sa pintuan ng tricycle. "Neng, saan punta niyo ng kapatid mo?"

Sinamaan ni Liham ng tingin ang driver, "what the fuck did you just say?!"

"Aba, mestiso ba iyang kapatid mo neng? Galing mag-inglis."

"Paumanhin po, sa Central Plaza ng Algaya po." Sagot ko sa driver, tumango naman ito at agad na pinatakbo ang sasakyan.

Nakasimangot si Liham sa buong biyahe, kapag kakausapin ko siya ay tila niregla siya kung umasta, "bakit ka ba ganyan?" Tanong ko.

"Because you seem to want the idea that we're siblings!"

"Mas mabuti na iyon na pagkamalan tayo nyan na magkapatid kesa naman sa mag-asawa, ibig sabihin lang noon ay hindi tayo paghihinalaan ng kung sino man dyan."

Liham seem to understand my idea, a smile formed in his lips. "Smart."

Ramdam ko ang pag-init ng pisngi ko, "syempre, ako pa."

"Still, I hate this car." Pinaikot ni Liham ang kanyang mata, "I will never ride one like this ever again!"

Ngumiti ako, Liham was being stubborn. Tila isang bata siya na nagkatawan sa isang maskuladong lalaki, he was acting adorable and that keeps on tugging my heartstrings.

Tumigil na ang tricycle sa Cental Plaza, nagbayad naman na ako. "So, where's your house?"

Tinuro ko ang isang bahay mula sa kabilang kalsada, sa harap lang kasi ng plaza ng Algaya ang bahay namin, tumaas naman ang kilay ni Liham, his eyes questioning. "Alam ko, maliit lang ang bahay namin."

Only Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon