Kabanata 52
Mabilis na lumipas ang oras at nasa private plane na kami, tahimik kong pinagmasdan ang madilim na kalawakan mula sa bintana, katabi ko si Liham, sa kabilang dulo naman ay sina Lessy at Capo.
"Do you want anything?" Tanong ni Liham, umiling lang ako. "I'll just brew a coffee then."
Tumango ako, tumayo naman na siya at tumungo sa likod ng eroplano, dahil sa natulog ako halos buong umaga ay hindi ako dinalaw ng antok, malalim lang ang iniisip ko gaya ng kung anong rason ng kambal ni Lessy sa kanyang ginagawa.
Tumingin ako sa tabi ko at nakita sina Lessy at Capo na nag-uusap, the way Capo looks at Lessy seems like a man looking at his lover, o siguro ako lang?
Ngumiti ako nang namula si Lessy sa sinabi ni Capo, tila hindi pansin ng dalawa na nanonood ako.
"Young Mistress, you're blushing." A hint of playfulness was visible in Capo's voice, kumunot naman ang noo ni Lessy para itago ang hiya.
I've known her, ngumiti ako, it seems like she finally met someone who can meet her standards, nagsalita muli si Capo ngunit binaling na ni Lessy ang atensyon niya sa libro na kanyang binabasa.
"Get away from me." Narinig kong saad ni Lessy kay Capo, "malawak ang eroplano, huwag kang umupo sa tabi ko."
"Okay, Young Mistress." Ngumiti si Capo at yumuko, I saw a glint of sadness in Lessy's eye when she looked at Capo who is about to leave, tumayo siya at napatingin sa akin, he caught me watching them.
Capo smiled and bowed before going to another seat.
Tinignan ko si Lessy, "you like him, right?"
Pinanlakihan niya ako ng mata, "ano ang pinagsasabi mo?"
I smirked, "you like Capo, kilala kita."
"Of course not. I don't like him." She blushed, umiling na lang ako, apparently, Lessy is not good with hiding her feelings.
"Bakit mo naman siya hindi magugustuhan? He is tall, sexy, he is not too dark nor too light, he is a complete package!" I teased, mas lalo lang namula si Lessy habang sinasabi ko ang pisikal na katangian ni Capo.
"I will never like D'Caporiel Sabersailé Reschwois!" Sigaw niya, huli na nang napansin niya na napalakas siya, sa sobrang lakas ay umalingawngaw ang boses niya sa loob ng eroplano, napatakip siya sa kanyang labi, nanlaki ang mata niya at mas lalo siyang namula.
"For someone with a complicated name, you know that name too well." Ngumiti ako, "it is okay to like him."
She sighed, nilagay niya ang daliri niya sa kanyang labi na tila pinapatahimik ako, I smiled. She is secretly admitting to me, kumindat lang ako sa kanya, deciding she had enough of my teases, I called it quits and stopped.
Saktong iyon ay dumating si Liham, tinaasan niya si Lessy ng kilay, "what was that?" Tanong niya kay Lessy, he must be pertaining to her yell, mabilis na umiling si Lessy at saka niya sinaksak sa tenga ang headset niya at tinutok ang atensyon sa libro.
Liham looked at me, as if asking what happened, nagkibit-balikat lang ako bilang sagot at ngumiti. Inihipan niya ang coffee niya at uminom, umupo na siya sa tabi ko, "we will be landing after fifteen minutes," saad niya habang nakatingin sa orasan ng cellphone.
Hindi naglaan ay lumapag na ang eroplano, bumaba na kami, kaming apat lang nina Liham, hindi na kami nagdala pa ng ibang tauhan, I also did not bother telling Stella about this, this matter is only for the Silician mafia, tila hindi nga rin alam ng ibang mga tauhan na pumunta kami rito, maybe because there are traitors, hindi pa natutukoy kung sino sila.
Hinawakan ni Liham ang kamay ko, his other hand pulling the baggage, hinayaan ko lang siya, nang nasa labas na kami ng airport ay tinignan ni Liham ang paligid, "tricycle?" I asked.
He smirked, "no." Tinignan niya si Capo, "where's the car?"
"Young master, parating na."
Saktong iyon ay may isang itim na kotse na tumigil sa harap namin, agad na dumapo sa gilid ng hita ko ang aking kamay, ready to take the shuriken, mabuti at nakabestida lang ako, hinawakan ni Liham ang kamay ko at umiling.
I sighed.
Bumaba ang bintana ng driver ng kotse at bumungad ang isang lalaki, "Capo." Ngumiti ito, tumingin siya kay Lessy, "Young Mistress," tumingin siya kay Liham, "Young Master," at sa akin. "Young Lady."
Tumango si Liham at binuksan na ang likod ng kotse, una akong pumasok at sumunod si Lessy, pagkatapos ay si Liham, sa passenger's seat naman umupo si Capo.
Nang nasa loob na kami ay pinaharurot niya ang kotse, "Achilles, how is the black market here?" Tanong ni Capo. Achilles, huh?
"Twenty ladies are being auctioned as we speak." Simpleng sagot niya, napaawang naman ang labi ko, I looked at Liham and Lessy, they did not react but I saw in their eyes, tutol sila...
"Saan nanggaling ang mga babae?" Hindi ko mapigilang tanungin, whoever this guy is is someone who have connections to the black market.
Tumingin si Achilles sa rearview mirror, it was only for a split second before he looked back at the way, "Laferro Mafia." Tipid na sagot niya, "the strongest mafia whose territory is the nearby city, Villanueva."
"And our biggest enemy." Dagdag ni Lessy.
Napatango naman ako.
"They sale every daughter of their mafia men like prostitutes." Kumuyom ang kamao ni Lessy, "one reason why they are hated."
Hindi na ako nagsalita pa, if that so, gusto kong pigilan ang auction na nagaganap ngunit hindi iyon ang pinunta namin dito, we came for Lessy's twin. Sa komadrona. Hindi namin alam kung nandito ba sila, but it is worth the risk.
Tumungo kami sa isang liblib na lugar hanggang sa tumigil kami sa harap ng isang lumang tarangkahan, bumaba si Capo at binuksan ito para bigyang daan ang kotse.
Nang pumasok ang kotse ay tumigil ito sa harap ng isang lumang mansion, it looked creepy. "Dito muna tayo manunuluyan."
"Who owns this?" Tanong ko kay Liham.
"Grandparents." Sagot niya, "we might find clues here, kung sino man ang komadrona."
Tumango ako at pumasok na kami, kung gaano kaluma ang labas ay ganoon kabago ang loob, halatang ni-renovate ang mansion, tumungo na kami sa aming mga kwarto na magkakatabi, of course, Liham and I shared the same bed.
"This used to be my mom's room." Pinampag niya ang kama, "Del Vallar, daughter of another mafia boss, the heiress of a mafia that was wiped off."
Tinignan ko si Liham, ano ang ibig niyang sabihin?
"Laferro mafia's doing." He clenched and unclenched his jaw, "I will wipe them off someday as well."
Umigting ang baga ni Liham, hinawakan ko ang kamay niya para pakalmahin siya, "you should sleep, you're starting to become anemic, even the strongest man needs a sleep."
Thankfully, he didn't argue, naghubad siya at humiga sa kama, dahil ako ay hindi pa rin dinadalaw ng antok ay lumabas muna ako sa veranda para magpahangin.
Mula sa tanawin ay nakita ko sina Lessy at Capo, nasa harap sila ng lumang fountain, they seem to be arguing?
I gasped when Lessy slapped Capo, mas lalo akong nagulat nang hinila ni Capo si Lessy at niyakap, I blinked and entered the room, I did not see that.
Bigla akong inuhaw kaya lumabas ako para pumunta sa kusina, Liham seemed to be fast asleep already, nang nasa baba ako ay doon na ako naguluhan kung saan ang kusina, I guessed it was on the left and walked.
I entered a room, it was dark, biglang umalingawngaw ang masangsang na amoy, tila patay na daga, I wanted to puke, bakit ganito ang amoy?
Tinakpan ko ang ilong ko at hinanap ang switch ng ilaw, nang bumukas ito ay naging maliwanag ang paligid.
I stopped on my tracks when I saw a body hanging, duguan ang katawan nito, lumikho ang katawan na nakasabit sa tali at nanginig ang tuhod ko kasabay ng pagtulo ng mga luha ko.
"Tita Imelda?"
BINABASA MO ANG
Only Ever After
General FictionEver After Trilogy #1 This is not your ordinary action-romance story packed with twists. Enjoy the ride while you can.