Kabanata 28

90.1K 3K 348
                                    

Kabanata 28

Awtomatikong tinaas ni Guardian ang kanyang kamay, pinandilitan siya ni Liham. "On your knees, traitor."

Agad namang sumunod si Guardian, nang tumingin sa akin si Liham ay agad na lumambot ang tingin niya, naglakad siya at lumuhod para pantayan ako, he gently cupped my cheeks, "are you alright?" Dumapo ang mata niya sa putok ng labi ko, agad na nandilim ang tingin niya at saka kinasa ang baril, tinutok niya ito kay Guardian. "Any last words?"

Humalakhak si Ian, "oh, so you're gonna kill me too like how you killed my family?" Ngumisi siya nang mapakla, agad akong napaisip dahil sa mga katagang binitawan niya, "dapat lang malaman ni Yomi kung anong klaseng demonyo ka."

Kumuyom ang kamao ni Liham, I know Ian is just provoking him so I held his hand to calm him down, to let him know that my view of him will never change no matter what I learn about him.

"Don't count your luck, Ian. I should have never took you in that day."

Habang nakatingin ako sa mukha ni Liham ay alam kong nasaktan siya dahil sa ginawa ni Guardian, alam kong pinagkatiwalaan ni Liham si Ian ngunit ganito lang ang sinupli niya sa kanya.

"Took me in? Baka naman kidnap, matapos mong patayin ang mga magulang ko..." Sinamaan ni Guardian ng tingin si Liham, "sampung taon akong naghintay ng tamang tyempo para makaganti, hangga't sa nakita ko si Yomi. Alam kong siya ang kahinaan mo, siya at ang pesteng nasa loob niya."

"Hindi ko sila pinatay, sila mismo ang pumatay sa kanilang mga sarili dahil ayaw nilang sabihin sa akin kung sino ang nag-utos sa kanila na patayin ako at si Papa. Right, you probably never knew that. Your parents are assassins and they killed my father." Umiling na lang si Liham, "kaya kita kinupkop dahil bata ka pa noon at kasing edad ko, wala kang kasalanan na ganoon ang mga magulang mo kaya kinuha kita at pinalaki bilang isa sa mga pinagkakatiwalaang tauhan ko. I know it was hard for you seeing your parents die, I thought I saw myself in you. Do you know how hard it was for me? I was fucking thirteen when I saw two people kill their selves in front of me."

"Hindi totoo iyan, I saw it, you were holding the gun! May gana ka pa talagang magsinungaling!"

I knew Ian was blinded by his anger, tumingin ako kay Liham na kalmadong nakatingin kay Ian.

"Yes, I was holding a gun but I never used it, your parents had their own guns."

"Hindi bale, paparating na sina Dimon." Tumawa siya ng malakas sabay tingin sa mga sasakyan sa malayo.

"Sorry but if you mean the guy with a big beard, he's captured with that woman Chaste and I was with him when you called. Balak mo pa talagang patayin ang anak namin, ha?!" He glared, "and all of his men are dead. Nagtataka ka siguro kung paano ko nalaman ang hideout na ito, right?" Liham grinned, "takot kasing maputulan ng ari si Dimon kaya sinabi niya na dito kayo nagtatago and if you think those cars you are seeing are his, nope, they're mine."

Agad na namutla si Guardian, tumayo naman si Liham at tinulungan niya rin ako, natanaw ko mula sa malayo ang paglapit ni Capo na masama ang tingin kay Ian.

"Hindi ba't kagagaling mo lang sa opera? Baka lumala ang sugat mo." Bulong ko sa kanya, somehow, I felt safe after seeing Liham was finally here. It seems like he answered my prayers to come and save me.

He smiled, "sanay na ang katawan ko. It's fine." He caressed my face, "but... I'm sorry if I was late, hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag malaman kong may masamang nangyari sa inyo ng anak natin."

Umiling ako, "walang ginawa si Ian na masama sa akin, pinainom lang niya ako ng pampatulog."

Tumango si Liham, nagulat kami nang biglang sumugod si Ian, "bobo! Hindi mo pa ako pinatay nang may tsansa ka!" Akmang dadapo ang kamao niya sa mukha ni Liham nang mabilis pa sa alas kwatro na tinutok ni Liham ang baril niya sa baba ni Ian at pinutok ito.

"Traitors like you make my blood boil." Saad niya, napaluhod naman si Ian nang matamaan ang kanyang hita, "you're lucky to still be alive when you betrayed your master."

"Edi patayin mo na ako! Putangina mo!"

Gamit ang dulo ng baril ay pinukpok ito ni Liham sa batok ni Ian dahilan upang mawalan siya ng malay, sumenyas siya kay Capo na tila agad na naintindihan ang ibig sabihin ni Liham.

Capo took his walkie-talkie, "Alpha Team, we have captured the traitor. I repeat, we have captured the traitor. We need two to three men to take him, over."

"Copy, Sir."

"Requesting for the rest of Alpha Team to secure the abandoned mansion."

"Copy."

Pagkatapos ay lumapit sa amin si Capo, "Young Master, paparating na ang mga tauhan mo."

"I appoint you as my deputy as a replacement for Guardian." Seryosong saad ni Liham, halata ang gulat at tuwa sa mukha ni Capo.

Lumuhod ito at saka yumuko, "I am not deserving of such title but I will do my best to offer you my service as the underboss of Silician Mafia, Young Master."

Tumango si Liham.

Wait, mafia?! Mafia as in mafia?! Organisasyon ng mga mamamatay tao? Kriminal? Mga lumalabag sa batas?!

Parang ninakawan ako ng hininga, tumingin ako kay Liham, "Liham..."

Tumingin siya sa akin, alam kong alam niyang alam ko na, pero gusto kong manggaling mismo sa kanyang bunganga. I want him to confirm or deny what I know.

"Tatanggapin kita kahit ano ka o sino ka, Liham. Just please tell me the truth."

"The truth..." Nagdalawang isip si Liham, "I guess you deserve to know it. But this isn't the right place for me to tell you." Hinawakan niya ang kamay ko at saka naglakad na kami, ang mga tauhan naman niya'y binuhat ang katawan ni Ian at ang iba ay pumasok sa mansion.

Sumakay na kami sa kotse ni Liham, nagmaneho na siya, tahimik kong hinintay ang sasabihin niya. "I'm a CEO, but that's only an undercover."

"Ano ang ibig mong sabihin?"

"My real work is something much more dangerous, I am always playing with death, it involves guns and weapons, wars, and blood. I am one of the ruthless underground bosses, I am a mafia boss, Yomi. I am a mafia boss who had no weakness until you came, until you came with our angel. Now I regret falling in love with you, because this love can kill you and you probably hate me so damn much now."

Wala sa sarili kong nilagay ang kamay ko sa pisngi niya at saka siya pinwersang harapin ako, napapreno naman agad si Liham, magsasalita sana siya kung bakit ko iyon ginawa dahil baka magisgrasya kami ngunit hinalikan ko siya sa labi, I felt the sting of pain in my lips since its wounded but I never mind it, pinikit ko ang aking mga mata habang dinadama ang init ng kanyang labi, he kissed back when he regained his senses and I could ask for nothing more.

Hinihingal kaming tumigil.

"I don't hate you, Liham. So what if you're a mafia boss? So what if you kill to live? So what if I don't really know you that much?! So what?! Hindi porke't iyon ka ay kakalimutan ko na ang Liham na nakilala ko, you are that sweet, playful, sexy, and lovely man of my life and I've grown in love with that man, I love you, Liham."

Only Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon