Kabanata 26

89.7K 2.5K 504
                                    

Kabanata 26

Sa gitna ng paghihintay ay nakaramdam ako ng pagkahilo, nang mapansin ito ni Ian ay agad siyang nag-alala. "Are you alright, Young Lady?"

Napasapo ako sa aking noo na sumasakit, "I'm okay." Sagot ko naman, tinitigan ko ang van kung saan inooperahan si Liham, as if that could change everything. Naisip ko, bakit kaya hindi na lang dalhin si Liham sa isang ospital? Bakit sa isang pribadong paraan pa ang kanyang pagkaopera?

A lot of questions are playing inside my head and the moment I find the answer, more questions occur. Hindi matapos tapos ang mga katanungang bumubuo sa aking isip. Hindi ko alam. It seems like Liham is a stranger again.

"Maputla ka." Puna ni Ian, "kailangan mong magpahinga, Young Lady. Masyadong marami ang nangyari sa iyo. You need to go easy on yourself especially that you're carrying the baby of Young Master."

Gusto ko sanang manlaban, I can't leave Liham here! Ngunit doon ko nakita ang punto ni Ian, I should focus on recovering instead of being hardheaded, para ito sa kalusugan ni Levi.

"Guardian, do you think Liham will be happy if I go back to the mansion?"

Tumango si Ian, "yes, Young Lady."

"Kung ganoon, balik na tayo... hindi ko na kaya ang kirot nitong ulo ko."

"Maghintay ka muna, Young Lady, kukuhan kita ng painkiller sa harap ng van, nandoon sina Chaste at Kathy." He must be referring to the two girls who looked like the assistant of the old doctor who is currently operating Liham.

Tumango ako, sinenyasan niya ang dalawang armadong lalaki na nakabantay sa van na lumapit para bantayan ako, bakit kaya napakahigpit ng seguridad?

"Mabilis lang ako." Sabi ni Ian at saka tumakbo papunta sa harap ng van, may babae siyang binulungan sa harap, ngumiti naman ang babae at tumingin sa akin, somehow I felt my instincts saying there's something strange with how the woman look at me.

Ngumiti si Ian sa babae, "thanks Chaste! For this painkiller." Mukhang sinadya niyang lakasan para marinig ko? I don't know but Guardian suddenly acted weird.

"Oo naman, Guardian." Kumindat si Chaste, kumuha na rin ng tubig si Guardian at saka naglakad palapit sa akin.

"Here." Saad niya, binigay niya sa akin ang aspirin.

"Bakit wala iyong kahon? Ano ang gamot na ito?" Takang tanong ko, I don't know but something inside me is telling me to be cautious. Siguro dahil kakaiba na ang kilos niya ngayon.

"Painkiller, hindi ba't masakit ang ulo mo, Young Lady?"

"Hindi ba masama para sa anak namin?" Tanong ko.

"Hindi, Young Lady. Si Mr. Racadio mismo nag-imbento ng gamot na iyan, he designed it exactly for pregnant people."

I nodded. Nagdalawang isip ako ngunit walang magawa kundi tanggapin ang aspirin, ngumiti si Ian at nilahad ang bottled water, "inumin mo ito bago tayo babalik sa mansion, Young Lady. Tatalab ang gamot habang nasa gitna ng biyahe tayo."

Ngumiti ako at tumango, agad kong nilunok ang gamot at saka uminom na, inalalayan naman ako ni Ian papasok sa kotse.

"Oh, saan mo dadalhin si Young Lady?" Tanong ni Capo.

"Babalik na kami sa mansion." Tila nagmamadaling sagot ni Ian.

Lumapit si Capo at tumingin sa akin mula sa nakabukas na bintana ng kotse. "You look sick, Young Lady. Papasundan ko na lang kayo ng limang tauhan."

Umiling si Ian, "kaya ko na ito. Saka isa pa, mas mabilis malaman ng kalaban na kasama natin si Young Lady kapag bantay sarado siya. Mas mabuti nang hindi mahalata, kami na lang ang bibiyahe pabalik." I saw how Guardian's adam's apple wave, as if he was nervous.

"Ah, okay." Tumango si Capo, "ayos ka lang ba roon, Young Lady?"

I nodded. Sobrang masakit na talaga ng ulo ko, wala na akong gana para makipag-usap pa. All I want is to sleep.

"Okay." Tumingin si Capo sa mga kasama niya at sinabihang huwag kaming sundan, "if something goes wrong, call me." Utos niya kay Ian.

Ngumiti ito at tumango. "Of course, Capo."

Pinaandar na niya ang kotse niya at saka pinaharurot ito paalis, hindi ko maiwasang tumingin sa side mirror ng kotse, sa repleksyon ay nakita ko si Capo na bumalik sa pagbabantay sa van at tent na nasa gilid ng kalsada, kung titignan ay parang mga sundalo lang sila.

"Is Liham a soldier?" Wala sa sariling tanong ko.

Tumawa naman si Ian, "of course not, Young Lady."

Tumango na lang ako, "so he's not a soldier, akala ko pa naman sundalo siya. Kasi sabi niya kailangan niyang pumatay dahil trabaho niya ito, hmm, kung hindi siya sundalo, police?" I wanted to focus on something else besides my aching head.

"Hindi rin." Nagkibit balikat si Ian, nang medyo malayo na kami'y bigla siyang nagsalita ulit, "may gusto akong tanungin, Yomi."

So, he decided to call me Yomi?

"Ano iyon?"

"Are you really pregnant with Liham's son?"

Wait, did he just call Liham, Liham? Hindi Young Master? Bigla akong naguluhan. "Akala ko ba hindi pwede na tawagin siya sa kanyang pangalan-"

"He's not here." He smiled, "plus, the medicine you took will work pretty soon."

Bigla akong kinutuban ng masama, biglang dumiretso sa ibang dako ang kotse, this is not the way back to the mansion! Something is telling me that Ian is not the guy whom I thought he was, "a-ano ang pinainom mo sa akin?"

Ngumisi siya at tumingin sa akin, "don't worry, it won't kill your baby. It's just a painkiller, not a baby killer."

Suminghap ako, "tell me the truth."

"Ang gamot na pinainom ko sa iyo ay painkiller, okay? While the water? Let's just say a medicine is mixed there, it'll make you sleep."

"Saan mo 'ko dadalhin?"

"You ask too much questions." He hissed, bigla akong kinabahan. "Huwag kang mag-alala, wala akong gagawing masama sa iyo. Pero sa batang nasa sinapupunan mo?" He grinned devilishly, "that's a parasite."

"Ano ang ibig mong sabihin?" Kabadong tanong ko.

"Gusto kita, Yomi." Ian said.

"Paano mo 'ko magugustuhan e ngayon lang tayo nagkakilala?" I suddenly felt myself feeling sleepy, tumatalab na ba ang gamot?

"I know, weird right?" He grinned. "I like everything that is Liham's."

Kumunot ang noo ko, "kalaban ka ba niya?"

"Now we're talking, oo. Sobra kong kinasusuklaman si Liham, kaya aagawin kita sa kanya. I know you are his weakness, you and that baby, papatayin ko ang bata at magpapakasal tayo. Ipapamukha ko sa kanya ang ginawa niya sa akin." Halata ang galit sa kanyang boses.

Tumaas ang balahibo ko, parang gusto kong umiyak ngunit walang luha na gustong lumabas, "please, don't do anything bad to Levi."

"Levi? Iyon siguro ang pangalan ng bata." He grinned, bigla niyang nilabas ang telepono niya at tumawag. "This is Guardian."

"Oh, the plan went wrong." The man hissed. "Twenty-three men of mine were killed, fuck you, Guardian! May gana ka pa talagang tumawag? I'm going to frigging kill you."

"It's okay, Dimon." Guardian smiled and looked at me, "plus, you won't kill me. Not until you find out that I have someone who is important to him with me."

"Who?"

"Liham's woman who is carrying his baby."

Humalakhak ang lalaki sa kabilang linya, "bravo! Now, tell me where are you?"

"Papunta na ako dyan."

Tumingin sa akin si Ian, my sight was blackening, parang bumibigat na ang mata ko. I yawned, I wanted to fight my sleepiness but the medicine seems to be too strong for me.

"Good night, my wife." Ian chuckled as I close my eyes.

"L-Liham, save me..." I mumbled before entering the darkness.

Only Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon