Kabanata 10
"Hindi ako papayag na sa iisang kwarto lang tayo." Matigas kong sambit.
Liham smiled, "just say so, hindi naman kita pinipilit na matulog din sa iisang kama kasama ako, I am not forcing anyone, that's not my style."
"You just forced me to live here."
He smirked, "force is different from persuade, Yomi."
Kumuyom ang kamao ko, lagi na lang ba siyang may nababato sa akin pabalik? Nagbuntong hininga ako at saka ako pumewang, "still, I'll never sleep beside you!"
"Fine, fine." He shrugged, "kung ganoon, sa kama ka na lang matulog at sa sofa na lang ako." He offered, "ayos na ba?"
Siningkitan ko siya ng mata, seryoso ba siya? Siya ang hihiga sa sofa at ako naman sa kama? Ngumiti ako, "oo, gentleman ka rin naman pala."
Tinaasan niya ako ng kilay, "hindi ba ako gentle noong nasa kama tayo?" He winked.
Ramdam ko ang pamumula ng pisngi ko. Seryoso ba siya sa kanyang sinabi?! Sasagot pa sana ako ngunit may kumatok sa pinto, "come in." Utos ni Liham ay may pumasok na limang kasambahay. Ang una ay ang mayordoma, sumunod naman ang tatlo na may hawak na tray at isa na may hawak na pitser.
"Young Master, andito na ang dinner niyo ng inyong mapapangasawa." Sabi ng matanda.
Tumango si Liham, ako naman ay parang may naamoy sa tray na siyang dahilan kung bakit bumaliktad ang sikmura ko, "is that a fish?" Sabi ko sabay takip sa aking ilong habang nakaturo sa isang tray.
"Yes, Ma'am."
Pagkatapos ay ramdam ko ang pagsensitibo ng lalamunan ko, tila may gustong lumabas na suka... hindi ko alam pero iba ang amoy ng isda! Parang patay na daga!
Parang naramdaman ni Liham ang panghihina ko dahil sa isda, "get that fish out of here!" His voice was demanding and it was full of authority.
Nataranta ang kasambahay na may hawak ng tray na may lamang isda, yumuko siya at agad na umalis, nang wala na sa silid ang isda ay tila lumuwag ang paghinga ko, wala sa sarili akong napayakap kay Liham dahil sa panghihina ng tuhod ko.
Tumingin si Liham sa mayordoma, "Lola, simula ngayon huwag niyong hahayaan na may isdang malapit kay Yomi, she does not like the smell of it, maybe because of pregnancy."
Liham was speaking for me. Hinaplos niya ang likod ko, wala sa sariling humawak ang kamay ko sa dulo ng damit niya, I suddenly felt safe, I sniffed his scent through the shoulder of his shirt and it made me forget the bad smell of the fish.
"Yes, Young Master." Tumingin siya sa akin. "Paumanhin, Young Lady. Hindi namin inakala na ayaw mo sa amoy ng isda."
Ngumiti lang ako at saka tumango, pagkatapos ay nilapag na ng mga kasambahay ang pagkain sa coffee table, ang una talagang kumuha sa atensyon ko ay ang mga chocolate, parang napansin ni Liham ang tingin ko kaya hinigpitan niya ang hawak sa aking braso dahil nakasandal pa rin ako sa kanya, "eat rice first." Bulong niya sa aking tainga.
Lumabi ako.
"Fine!"
Umupo kami sa sofa, maglalagay na sana ako ng kanin sa aking pinggan nang napansin kong iisa lang ang pinggan at isang kutsara't tinidor lang ang mayroon. "Kulang ng eating utensils."
He grinned, "mukhang nakalimutan nila, hmm, mag-share na lang tayo sa iisang pinggan." Pagkatapos ay naglagay siya ng kanin sa pinggan. Hindi ako makapaniwalang tumingin sa kanya, seryoso ba siya?!
Naglagay siya ng chopsuey sa pinggan at saka nagsimulang kumain, pagkatapos ay tumingin siya sa akin at saka akmang isusubo ang pagkain sa kutsara ngunit umurong ako, "no... ako na..."
"You said you want memories, I'm doing this for the memories you want."
"Hindi ko sinabi na ganitong mga alaala ang gusto ko." I scowled.
"Jeesh, susubuhan na nga kita, ayaw mo pa?"
Tumingin ako sa mga kasambahay na nasa gilid na nanonood, tila nakita ni Liham ang dako ng tingin ko at saka siya ngumisi, "I see..."
Bigla akong namula.
Tumingin siya sa mga kasambahay, "please go out, tatawagin ko na lang kayo kapag tapos na kami ni Yomi."
Walang sabi silang umalis, pagkatapos ay binaling niya ang tingin niya sa akin. "Now that they're gone, isusubo mo na ba?"
The humid suddenly became hot, ako lang ba o dahil sa huling sinabi ni Liham? Lumunok ako, parang biglang uminit ang paligid!
Binuka ko ang bunganga ko at saka niya sinubo sa akin ang pagkain, nginuya ko ito at wala sa sariling sinubo.
Pagkatapos ay binuksan ko ang chocolate, biglang lumiwanag ang tingin ko dahil dito, "I said eat rice first."
Sinamaan ko ng tingin si Liham, "ayaw ko na, gusto ko ng chocolate."
He sighed, "no, para ito sa baby natin, you need to eat foods that are nutritious."
For our baby...
Of course, Yomi. Kaya lang siya ganito sa 'yo dahil sa anak niyo, dahil nagdadalang tao ka. Parang nawalan na ako ng gana na kumain, kahit sa tsokolate na hawak ko. Nakasimangot kong binaba ang tsokolate at saka tumayo, "matutulog na ako."
"No."
"Pagod ako, Sir."
"Sir? Did you just call me that?"
"Oo, ano nga ba naman ako maliban sa nagdadalang tao ng anak mo kundi sekretarya mo, hindi ba? Dapat lang na tawagin kitang Sir, kasi boss naman talaga kita."
Narinig ko ang pagbuntong hininga ni Liham, "I don't like my future wife calling me Sir, especially when she's alone with me inside our bedroom, baka may magawa ako sa kanya na hindi niya gugustuhin."
Kumuyom ang kamao ko, "future wife?" I scoffed. "Ah, yes. For our baby's sake. Kasi ayaw mong magkaroon ng bastardo, Sir. Syempre, nakakasira ng magandang pangalan, sa susunod kasi, gumamit ka ng condom o kaya huwag mo sa loob iputok, Sir."
"Fuck, Yomi!"
Parang tumigil ang pagtibok ng puso ko ng ilang sandali, kinagat ko ang babang labi ko. Natatakot ako na tignan si Liham, galit siya sa akin...
Ramdam ko ang paglapit niya sa akin, tumigil siya sa harap ko. "Let's sleep, ayaw kong mag-away tayo. Hindi maganda para sa anak natin."
For our baby...
Not for me...
Tumango ako.
BINABASA MO ANG
Only Ever After
General FictionEver After Trilogy #1 This is not your ordinary action-romance story packed with twists. Enjoy the ride while you can.