Kabanata 38

76.6K 2.3K 380
                                    

Kabanata 38

Capo and his team immediately gave a treatment to Lessy, pero kulang sila sa mga apparatus na kailangan.

But it seems like Lessy doesn't want the treatment...

After they ensured she was no longer bleeding, sinakay nila si Lessy sa isang van siguro para idala sa lugar na mas ligtas kung saan siya papagalingin, ako naman ay tulala lang na umiiyak.

Perwisyo na lang lagi ang dala ko. Hindi ko mapapatawad ang sarili ko kapag may masamang mangyari kay Lessy.

"Young Lady, iuuwi na kita sa mansion, naghihintay si Young Master sa iyo." Capo said, halata ang pag-alala sa kanyang mukha.

Kinagat ko ang babang labi ko, "s-saan nila dadalhin si Lessy?" I struggled to say, my tears washing my voice away.

"Huwag kang mag-alala, she is already safe, tatanggalin na lang ang bala sa kanyang katawan at sasalinan ng dugo, nawalan siya ng malay dahil nawalan siya ng maraming dugo, but she will be fine."

His assurance made me feel relieved, but I was still worried. Paano kung nagsisinungaling lang si Capo para pagaanin ang loob ko? I shook the thought away, be positive...

Tumango na lang ako at pinagbuksan niya ako ng pinto, sumakay na kaming dalawa, tumingin si Capo sa akin.

"Dadalhin kita sa airport, Young Lady. May nakaabang na private plane doon, ihahatid na lang kita, mula roon ay nag-aantay ang Team Theta upang bantayan ka hanggang makabalik kayo sa mansion, babalik naman ako sa hideout sa Algaya upang samahan si Young Mistress."

I gulped the lump in my throat and nodded, I wiped my tears away, ngunit tila walang tigil ang mga luha ko.

Nagulat ako nang biglang ilahad ni Capo ang panyo niya sa akin, tinignan ko lang ito. "For sure ayaw ni Young Master na umiiyak kayo, Young Lady."

Ngumiti ako at saka ko kinuha ang panyo, pinamunas ko na ito ng aking mga luha. Sinandal ko ang ulo ko sa backrest ng upuan, I closed my eyes, feeling tired after all of the things I have been through.

Nang pinaandar na ni Capo ang makina ng kotse ay pinaharurot niya ito, sa gitna ng biyahe ay iniisip ko si Liham.

I missed him, kaya ko ba siyang harapin matapos kong ilagay sa panganib si Lessy? After she risked her life for me?

Pakiramdam ko ay ang laki ng kasalanan ko sa kanilang dalawa. How can I face them when all I did was put them in danger?

Mabilis naman kaming nakarating sa airport dahil kompara sa La Mayor ay walang daloy ng trapiko rito. Maraming tao sa labas, tumingin naman ako kay Capo nang magsalita siya.

"Young Lady, isuot mo ito." Binigyan ako ng wig at salamin ni Capo, "tinawagan ko na ang mga tauhan, you will meet them inside the airport, then, they will lead you to the plane, they will just approach you, Young Lady."

Tumango naman ako, "paano ka?" Takang tanong ko.

Capo smiled, "hindi na kita masasamahan, Young Lady. We are running out of time. Kailangang linisin namin ang mga nangyari sa simbahan."

"Paano ang pamilya ng mga namatay?" Hindi ko maiwasang matanong, marami nang inosenteng buhay ang nawala dahil sa akin, sobrang laki na ng kasalanan ko. Papatayin ako ng konsensya ko kapag hindi ko malaman ang sagot.

Capo smiled, "in mafia, the only family the members will have will be the mafia house."

"Huh?" Kumunot ang noo ko, ano ang ibig niyang sabihin?

"To put it more thoroughly, all records of existence and background of mafia members in the world will be erased so nobody will know they exist in the first place, or they will be declared dead by the world, nobody will know if they are even alive because they think they are already dead, that means you become a nobody, a man with no identity, dead by the world, something like that."

"Pero paano si Liham? May identity siya, he is a CEO."

"And he uses a different name for it, hindi ang buong pangalan ang gamit niya sa business industry, he uses Levitri Servantiel, a part of his full name."

Bakit ngayon ko lang ito nalaman?

"A-Ano ba ang totoo at buong pangalan ni Liham?"

"Liham Levitri Del Vallar Servantiel Silician."

That is his real and full name?

Tumikhim si Capo, "please don't tell Young Master that I told you this, dahil alam kong naghihintay lang ng tamang tyempo si Young Master upang sabihin sa iyo ang lahat ng mga kailangan mong malaman."

"Pareho lang ba ang Silician Mafia sa ibang mafia? Walang identity ang mga miyembro?"

"The Silician Mafia is different if you've seen that, when you become a member of it, you are given the privilege to choose unlike other mafias, whether to erase your existence so that your families will not be affected or have your family be secured by the mafia itself, kaya maraming mga babae at bata sa mansion."

Liham is really a good man, I can see that. Despite his job, he also gives importance to life and value it.

"Kailangan mo nang umalis, Young Lady. Naghihintay na sila." Saad ni Capo habang nakatingin sa screen ng phone.

"Can I trust you with Lessy?"

Ngumiti siya at tumango.

Bumaba na ako, I hid myself under my disguise and walked with poise, trying to act normal, sa mata ng mga tao, isa akong namatayan dahil nakaitim na bestida ako at mugto ang aking mga mata behind this eyeglass, pero ang tanging nagpalit lang sa anyo ko ay ang wig.

Sa gitna ng paglalakad ko ay may mga lalaking lumapit sa akin at yumuko, they must be the Team Theta, the ones who will bring me back to the mansion.

"Young Mistress." Ngumiti sila sa akin.

Biglang kumunot ang noo ko, hindi ba't si Lessana ang Young Mistress?

Bakit nila ako tinawag na ganoon?

"Kayo ba ang mag-uuwi sa akin?"

Ngumiti ang isang matandang lalaki na hindi pamilyar, "yes, Young Mistress. We are taking you home. Follow us."

Tumango naman ako at sumunod na sa kanila, ang ibang mga tauhan naman ay pumalibot sa akin, trying to make sure I am secured.

Sumakay ako sa isang private plane, tumitig lang ako sa bintana ng eroplano habang malalim ang iniisip.

"I am Castro, Young Mistress." Lumapit ang matanda sa akin, "we have been searching for you for a decade now, Old Master will surely be happy."

Biglang lumakas ang tibok ng puso ko, ano ang ibig niyang sabihin? "Teka, hindi ba kayo ang Team Theta ng Silician Mafia?"

Tumaas ang puting kilay ng matanda, "I am afraid not, but do not worry. We are not your enemy, we are with you, the real enemy is the Silician Mafia."

Lumunok ako, should I trust this old man? After he said that the real enemy is Liham's mafia? Kalaban ba namin ang matandang ito?

Pero mukhang may sinseridad naman sa boses niya at marami siyang alam, I want to know more about this man and the mafia boss he is working for, "sino ang Old Master na tinutukoy mo?"

Tumawa si Castro, "your father, of course."

Only Ever AfterTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon