REAH NG SABLAY

6.6K 166 22
                                    

REAH'S P.O.V.

"So that's it for today. See you tomorrow. And don't be late." Sabi ng Prof namin sabay tingin sa'kin.

Namula ako sa hiya kasi nagtinginan silang lahat sa'kin kaya tumayo na lang agad ako at naglakad na palabas.

"Ganun lang talaga yun si Sir wag mo ng pansinin. By the way, Reah right?" Tanong ni Nicky habang sabay kaming naglalakad palabas ng room. Ang cute nya talaga.

"Yep! Nice to meet you ulit. Thanks ha. Aabot naman talaga ako kanina kung di lang dahil dun sa ungas na nabangga ko eh. Sobrang yabang kasi ang sarap sapakin." Naiinis na sabi ko.

"Sino?" Tanong nya.

"Ewan ko at saka wala na akong pakialam kung sinuman sya." Sagot ko at natawa sya bigla. Ang cute nya tuloy lalo sa paningin ko.

"Babe!!!" Tawag ng isang babaeng palapit sa'min.

Napatingin ako sa kanya at nakita kong tumakbo syang palapit kay Nicky sabay kiss. Hindi ko alam kung anong magiging reaksyon ko pero halatang halata sa itsura kong nagulat ako. Napatingin sa akin si Nicky at yung babaeng katabi nya na ngayon.

"Babe. This is Reah. Reah Girlfriend ko si Nina." Pagpapakilala nya sa babaeng katabi nya.

"Hi." Sabi ni Nina sabay abot ng kamay nya para makipag-shake hands sa'kin. Ang ganda nya at bagay sila.

Inabot ko kamay nya at nag-smile na lang ako. Bakit ganun? Bakit parang may konting kirot akong naramdaman? Akala ko pa naman single sya hindi pala. Sayang cute sana kaya lang taken na.

"Sige una na kami Reah. See you tomorrow at saka dalian mo na baka malate ka na naman sa next subject mo." Nakangiting sabi ni Nicky.

"Sige. See you tomorrow din. Bye." Nakangiting sabi ko.

Hindi na sila nagsalita at naglakad na lang palayo na magkahawak kamay.


"Haaay. Ano ka ba naman Reah? Kakakilala mo pa lang crush mo na agad? Pero kung sa bagay cute naman kasi nya eh pero sayang may girlfriend na." Kausap ko na naman sarili ko habang papunta sa next classroom ko.

Buti na lang at naituro na ni Nicky sa akin kanina kung saan yung next na classroom ko kaya hindi na ako mahihirapan pang maghanap. Maaga pa naman pero pupuntahan ko na yung room ko dahil baka malate na naman ako. Mahirap na baka makabangga na naman ako ng mayabang na estudyante dito.

Speaking of makabangga.

Bigla kong nakita si yabang na nakasandal sa isang pader ng classroom at mukhang may inaabanggan sya. Nagtago ako nang bigla syang mapalingon sa kinatatayuan ko

"Anong ginagawa nya dito? Bakit nakatayo sya doon sa tapat next classroom ko? Classmate ko kaya s'ya?" Tanong ko sa sarili ko.

Pasimple akong tumingin ulit sa kinatatayuan niya kanina pero wala na s'ya kaya bumalik na lang ulit ako sa pagtatago ko pero nagulat ako ng biglang may sumulpot na mukha sa harapan ko.

"Whaaaaah!!!" Napasigaw ako sa gulat ng makita ko s'ya sa harapan ko, as in super lapit ng mukha nya sa akin.

"Hahahahaha." Sobrang lakas ng tawa nya.

"Ano bang ginagawa mo?! Bakit nanggugulat ka?!" Naiinis na tanong ko.

"Bakit kasi tinataguan mo ko?" Natatawang tanong niya habang nakatingin sa'kin at nakayuko pa sya para lang magpantay kaming dalawa, bakit ba kasi ang liit ko at sobrang tangkad nya.

TWO HEARTS (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon