Hi guys.
Update ulet hehe. Sorry sa nakaattached na pics ha haha. Di ko lang mapigilan kinilig talaga ko dyan hahaha.
Enjoy guys. Maghanda kayo tissue ha hehehe.
__________________________________________
REAH'S P.O.V.
"Kaye buti pinayagan ka pumunta dito?" Tanong ko. Umaga na pero gising pa din kaming dalawa. Magkatabi lang kami sa kama ko.
"Actually pinilit ko lang si Ms.Ad. Ayaw nya kong payagan. Pero di nya din naman ako natiis. Binigyan nya ko ng two days." Sabi nya. Nalungkot ako sa sinabi nya. Akala ko pa naman din magtatagal sya dito.
"Two days lang? Ang bilis naman." Sabi ko.
"May mga tour pa kasi ako Reah. Sorry. Kung ako lang naman masusunod magtatagal pa ko dito kaya lang kasi di pwede." Paliwanag nya.
"Ok lang Kaye. Naiintindihan ko naman." Niyakap ko lang sya.
"Bakit di ka sumasagot sa tawag ko kanina?" Tanong nya.
Hindi ako makasagot. Hindi ako handa sa tanong nya. Lakas ng tibok ng puso ko. Anung sasabihin ko. Ikwento ko ba sa kanya yung about kay Nicky.
"Reah?" Tawag nya.
"Aahh. Kanina ba. Sorry naiwan ko kasi phone ko dito sa bahay tapos ang dami ko din kasing ginawa sa office. Sorry." Nagsinungaling ako di ko talaga alam kung panu sasabihin kay Kaye.
"Ganun ba. Nagworry lang din kasi ako. Buti na lang nakahingi ako ng address mo kay Jess at nahanap kita agad dito. Akala ko nga nagkamali pa ko ng bahay. Buti na lang nakita ko kasama mo dito sa bahay." Sabi nya. Si Mama yung tinutukoy nya. Hindi nya alam na si Mama yung kausap nya kanina.
"Si Mama yun." Sabi ko. Nagulat sya sa sinabi ko. Napaupo sya at humarap sakin. Umupo din ako para makapagusap kame ng maayos.
"Talaga? Kaya pala sabi ko parang magkamuka kayo." Sabi nya.
"Pinapaalis ko na nga sya ayaw pa din." Sabi ko.
"Reah. Bakit? Wag naman ganyan. Mama mo pa din sya." Sabi ni Kaye. Alam ko naman na ganun sasabihin nya.
"Matagal na kong walang Nanay Kaye." Sabi ko. Hinawakan nya ko sa kamay.
"Bakit hindi mo sya kausapin. Magusap kayo para naman malaman mo kung bakit nya kayo iniwan. Wag mo na muna pairalin galit mo Reah. I know namiss mo din naman sya." Nakangiting sabi ni Kaye. Eto pinakagusto ko sa bagong Kaye ngayon. Pinapagaan nya loob ko. Ngiti pa lang nya nakakainlove na.
"Haaaayyyy. Sige mamaya paggising nya. Teka gusto mo bang makita si Papa?" Tanong ko.
"Oo nga pala. Pwede ba?" Tanong nya.
"Oo naman. Lika." Tumayo na ko at sumunod sakin si Kaye.
Pumunta kami ni Kaye sa kwarto ni Papa. Halatang nagulat sya pagkapasok nya.
"Hi Pa. May bisita kayo. Yung favorite nyo. Hehe. Si Kaye po." Tumingin ako kay Kaye. Lumapit sya kay Papa. Umupo si Kaye sa tabi ni nya.
"Hello po Tito. Kamusta? Tagal na po nating di nagkita." Sabi ni Kaye. Tumingin sya sakin. Ngumiti lang ako.
"Ganito ka lang ba palagi?" Tanong nya sakin.
"Palaging anu?" Tanong ko.
"Kausap sya kahit alam mong di naman sya sasagot." Sabi nya.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 1 & 2)
Fanfiction"Mahirap pumili sa dalawang taong naging mahalaga sayo. May magbabago at may mawawala. Sinu at anu ang tama? Puso ba o isip ang dapat magdesisyon?"