Hi guys!!!
Kamusta? Haha sorry isang super late na update na naman. Busy you know 😄😄😄.
Nga pala sorry ulet sa mga napaiyak ko last chapter. And sorry din inadvance sa maiinis sa chapter ko ngayon. Haha.
Dedication:
enicaption sasarilikongmundo JadeBlackwiddow red_snigger JhoanaMarieEspina Aj_ladyingreen AmyLeagogo AnglePink01 annArisMay gemmasimyon Jherc_12 KayeXand26 Kylen_24 lovshin31 RebelPrince16 rubinalovespig SawMing elinovs SheilaLeeAnnCanobas szenyoritah VeniceAmariseCurstel warprincess7 weise7enEnjoy guys.
_____________________________________________
REAH'S P.O.V.
"Condolence Reah."
Mga salitang paulet ulet kong naririnig. Mula ng mawala si Papa hanggang ngayong nailibing na sya. Nasa sementeryo pa din ako. Halos wala ng tao sa paligid ko pero ako eto lang nakatayo sa harap ng puntod ni Papa. Wala pa akong balak umalis dito.
"Reah anak uuwi na tayo." Sabi ni Mama.
Di ko sya pinapansin. Kanina pa nya ako inaayang umuwi. Pero di ako nakikinig sa kanya. Simula nung araw na namatay si Papa wala akong kinakausap o kahit kinikibo sa kanilang lahat. Kahit na si Kaye. Di ko sya kinakausap kahit anung pilit nya sakin na kausapin ako. Pinagtatabuyan ko lang si Kaye. Hindi ko alam pero ayoko talaga ng tao sa paligid ko. Ayoko ng may lumalapit sakin. Gusto kong mapag-isa.
"Reah anak. Tara na para makapagpahinga ka na wala ka pang tulog. Di ka pa din kumakaen. Baka magkasakit ka nyan." Pagaalala ni Mama.
Hindi ako sumasagot.
"Reah sige na." Singet ni Kaye.
"Sige na Reah. Namumutla ka na magpahinga ka na muna." Sabi ni Mama.
Naiinis na ko. Bakit ba ang kulet kulet nila. Ayoko pang magpahinga ayokong matulog at kumaen. Bakit ba di na lang muna nila ako pabayaan.
"Sige na po Tita ako na pong bahala sa kanya mauna na po kayong umuwi." Sabi ni Kaye kay Mama. Napabugtong hininga na lang si Mama at umalis na.
"Reah?" Tawag nya pero di ako tumitingin sa kanya. Hinawakan nya ko sa kamay.
"Mahal ko?" Tawag nya ulet. Napatingin ako sa kanya.
"Alam ko nasasaktan ka ngayon. Pero wag naman ganito Reah. Wag mong pahirapan yung sarili mo ng ganito. Magkakasakit ka nyan. Nag-aalala na Mama mo sayo pati na ako. Ilang araw ng walang laman tyan mo tapos wala ka pang tulog. Sige na naman magpahinga ka muna kahit saglit lang. Please naman Reah." Nag-alala muka ni Kaye. Pero ayoko syang kausapin. Ayokong makinig sa kanya.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 1 & 2)
Fanfic"Mahirap pumili sa dalawang taong naging mahalaga sayo. May magbabago at may mawawala. Sinu at anu ang tama? Puso ba o isip ang dapat magdesisyon?"