Hanggan Ngayon

3.1K 149 43
                                    

Hi guys!

Musta ang mga puso nyo? Haha

Sorry sa nkakainis at nkakaiyak na chapter. Alam ko dame na nagaabang ng kilig moments hehe. Sana kiligin kayo ulet haha.

Thanks to cinderelayyy for granting my request. Sya po kumanta ng attached video sa chapter na to. Palakpakan naten sya 👏👏👏 haha.

And sorry sa panget na slideshow haha. Wala kong magamit na apps eh hehe. Lahat ng pics dyan ginamit ko sa bawat chapters.

Ok guys! This is it pansit.

Enjoy!



______________________________________







KAYE'S P.O.V.




Nakita ko sya ulet. Halos parehas nung unang nagkakilala kami. Pero hindi na katulad ng dati. Wala man lang syang nasabi sakin. Kahit man lang pangalan ko di nya mabanggit. Hindi ko maintindihan kung bakit ganito pa din nararamdaman ko. Ang saya ko dahil nakita ko sya. Nahawakan ko sya. Gustong gusto ko na syang yakapin kanina pero hindi na pwede. May sarili na syang buhay. Pero bakit ganun. Kahit hindi nya sabihin. Ramdam ko sa mga mata nya na nasasaktan sya.

3 months na simula ng maghiwalay kami. Di ko alam kung nakamove-on na ba talaga ako. Pero aaminin ko nasaktan ako nung nakita ko na naman si Nicky. Magkasama sila. Last time na nagkita kami silang dalawa din yung magkasama. Silang dalawa na kaya? Kung sila man. Dapat maging masaya na lang din ako.

"Sinu sya?" Tanong ni Princess. Habang nagdidrive ako.

Hindi ko sya inimik.

"Hoy Kaye. Tinatanong kaya kita. Sinu sya?"

"Wala." Sagot ko.

"Wala eh bakit ganun ka makatingin sa kanya. At saka nakita ko may paghawak effect ka pa."

"Pag sinabi kong wala. Wala. Kaya tumigil ka na lang ok. Saka anu bang pakialam mo kung sinu sya? Bakit nagseselos ka?" Tanong ko.

"Selos? Hello. Bakit naman ako magseselos eh di hamak na mas maganda ako dun no." Sabi nya.

Gusto ko syang tawanan sa sinabi nya pero di ko magawa. Kahit kailan walang ibang naging mas maganda sa panangin ko kundi si Reah lang.

"Alam mo parang kilala ko yung kasama nya." Biglang sabi ni Princess. Napatingin ako sa kanya.

"Sinu?" Tanong ko.

"Yung kasama nya nahumila sa kanya. Jowa nya ba yun?" Tanong nya. Bakit nya ba tinatanong sakin to. Malay ko ba kung silang dalawa na ni Nicky. Hindi ko ulet sya sinagot.

"Hindi ko alam kasi parang nakita ko na sya somewhere di ko lang maalala kung saan." Dugtong nya pa.

"Wala akong pakialam." Hininto ko yung kotse.

"Oh bakit ka huminto?" Tanong nya.

"Labas." Utos ko.

"Ha??"

"Narinig mo ko. Sabi ko labas. Magtaxi ka na lang."

"What? No way. Sabi ni Ms. Ad bantayan kita."

"Ayaw mong lumabas. Ok sige ikaw na magdrive nito ako na lang magtataxi." Palabas na sana ako ng pigilan nya ko.

"Uy! Teka. Anu ba naman yan oh. Bakit ba kasi? Kanina lang good mood ka tapos ngayon ang sunget mo na naman sakin. Anu ba problema mo?" Tanong nya.

"Kung anumang problema ko wala ka ng pakialam dun."

"Oohh teka! Sige na. Ako na magtataxi dito ka na lang. Basta mag-iingat ka ha. Naku pag may nangyari sayo patay ako kay Ms.Ad." Pagkasabi nya nun bumaba na sya ng kotse ko. Umalis na ko agad baka magbago pa isip nya at sumakay na naman.

TWO HEARTS (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon