REAH'S P.O.V.
"Good morning Jess." Bati ko ng makapasok ako sa kwarto nya.
Lumapit sya sakin at hinawakan ako sa noo at leeg.
"Anung ginagawa mo?" Tanong ko.
"Wala tinitignan ko lang baka may sakit ka. Nakakagulat lang kasi. Binati mo ko ng GOOD MORNING JESS.! Anung nakaen mo?" Nakangiting sabi nya.
Hindi ko sya sinagot. Napangiti lang ako. Naalala ko si Kaye at yung kagabi. After ng nangyari sa kwarto ko niyaya akong kumaen ni Kaye sa labas. Nagkaron kami ng time makapag-usap.
"Hoy teka anung nginingiti-ngiti mo dyan? Anu yan ha? Magkwento ka nga!" Sabi ni Jess.
"Wala. Masama bang ngumiti?" Umupo ako sa kama nya.
"Oo masama. Kilala kita Reah. Anu yan ha? Wait don't tell me? Kayo ulet?" Tanong nya.
Natawa ko sa muka ni Jess.
"Hindi no. Nakapagusap lang kami kagabi. At ok na." Sabi ko. Umiwas ako ng tingin kay Jess. Alam ko magtatanong pa sya ng isa.
"Usap lang? Walang anu? Alam mo na? Yung hmm." Nakanguso sya di nya alam kung sasabihin nya ba yung word.
"Wala!" Hindi nya dapat malaman nangyari kagabi.
"Asus. Siguraduhin mo lang Reah. Baka mamaya bumigay ka kagad. Baka masaktan ka na naman. Naku! Makakalbo kita." Sabi ni Jess habang inaayos nya buhok nya. Ang pilantik ng mga kamay mas maarte pa sakin.
"Hindi na mangyayari yun." Parang di ako sigurado sa sagot ko.
Napapaisip na naman ako. Hindi nga yata tamang bumigay agad ako kay Kaye. Pero anung magagawa ko aminado akong gusto ko pa din sya. Hindi pa naman kami ulet. Magkaibigan lang kami. Napag-usapan na namin yun kagabi. Dahil ayaw naming madaliin lahat.
"Sigurado ka? Eh nung niloko ka nya naisip mo din ba na mangyayari yun? At isa pa. Iba na si Kaye ngayon. Sikat na sya. Mas madami ka ng kaagaw sa puso nya." Sabi nya. Tama si Jess. Iba na sitwasyon ni Kaye ngayon. Kung dati pa nga lang sobrang dame ko ng karibal. Panu pa kaya ngayon. Pero di ko na lang pinansin sinabi ni Jess. Nagtataka na ko sa kanya. Bakit parang galit na galit na sya ngayon kay Kaye.
"Teka nga. Sinu bang nag-advice sakin na dapat magusap kami at patawarin ko sya?" Tanong ko sa kanya. Baka nakakalimutan nya na sya nagsabi nun sakin.
"Ako. Pero yang ngiti mo kasi iba eh. Alam mo yung parang kayo na ulet." Sabi nya. Napatingin ako sa salamin.
"Magkaibigan lang kami ni Kaye. Napag-usapan na namin yun. Teka nga anu ba kasing problema mo bakit bad mood ka ang aga-aga?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 1 & 2)
Fanfiction"Mahirap pumili sa dalawang taong naging mahalaga sayo. May magbabago at may mawawala. Sinu at anu ang tama? Puso ba o isip ang dapat magdesisyon?"