REAH'S P.O.V.
Magkaibigan dati.
"Dati?" Tanong ko. Naguguluhan na ako.
"Magkababata kami. Super close kami noon pero nagbago lahat simula ng makilala namin si Jane." Sagot niya.
"Jane?" Tanong ko.
Nacurios ako bigla parang gusto kong malaman lahat kung anong meron sa kanilang dalawa.
"Hindi ko alam kung dapat ko bang ikwento sayo 'to." Sagot niya.
"Okay lang kahit hindi mo na ikwento. Hindi kita pipilitin." Sabi ko kahit hindi naman yun yung talagang gusto kong mangyari.
Gusto kong magkwento siya dahil baka hindi ako makatulog kakaisip sa mga tanong na nagliliparan ngayon sa isip ko.
"You know what, you remind me of her." Nakangiting sabi niya.
"Si Jane? Bakit naman?" Tanong ko. Bakit kaya? Sino ba 'tong Jane na 'to.
"Magkahawig kasi kayo. Actually nung unang nakita kita akala ko talaga ikaw siya pero thanks God hindi kasi kung makita ko ulit siya hindi ko alam gagawin ko." Natatawang sagot niya.
Bakit kaya? Gusto ko ng malaman. Gustong gusto ko talaga kaya lang napansin kong malapit na kami sa condo ni Kaye.
"Bakit naman?" Tanong ko at sana magkwento pa siya.
"Kasi sinaktan ko siya." Sagot niya. Sinaktan? Bakit kaya?
Magtatanong pa sana ako pero hindi na ko nakapagtanong ulit dahil nakapagpark na siya. Nandito na kami. Nakita ko na kotse ni Kaye na nakapark. Nakauwi na nga siya.
"Dito na tayo. Hope maging okay kayo. Mukhang galit yata siya." Sabi ni Nicky.
Paano niya naman nalamang galit si Kaye. Napatingin ako sa direksyon ng mata ni Nicky at nakita ko si Kaye. Nakasandal siya sa kotse niya. Kanina wala siya dyan ha. Kakarating lang din kaya niya? Mukhang napansin niya na kaming dalawa ni Nicky dahil nakatingin na siya sa amin at mukhang tama si Nicky halata sa itsura niyang galit siya dahil nakakunot noo siyang nakatingin sa amin habang nakasalubong ang mga kilay niya. Lumabas agad ako sa kotse ni Nicky para kausapin si Kaye.
"Kaye. Bakit mo ko iniwan?" Tanong ko habang palapit sa kanya. Nakasunod sa'kin si Nicky.
Hindi sumagot si Kaye at hindi din siya nakatingin sa'kin dahil kay Nicky siya nakatingin.
"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Kaye at alam kong hindi para sa'kin yung tanong niya kundi para kay Nicky.
"Hinatid ko lang si Reah." Sagot ni Nicky.
Napailing lang si Kaye. Teka ano bang meron bakit parang ang awkward? Naguguluhan na ako. Sumasakit na paa ko. Feeling ko bugbog na siya kakatayo at kakalakad ko.
"Ahh... Nicky okay na ko. Salamat sa paghatid." Nagpasalamat na ako kay Nicky para bigyan na rin siya ng signal na pwede na siyang umalis dahil hindi ko na matagalan yung tensyon sa pagitan nilang dalawa.
"Sumama ka na sa kanya. Tutal naman mukhang mas gusto mo pang magpaalaga sa kanya." Sabi ni Kaye.
Napatingin lang kami ni Nicky sa kanya. Ano bang problema nito?
"Magpaalaga?" Tanong ni Nicky.
"Ah. Wala Nicky nababaliw lang 'tong kaibigan mo. Okay na ako. Sige na uwi ka na." Gusto ko na talagang umuwi si Nicky. Naiipit na ko sa kanila.
"Kaibigan? Haha. Nagpapatawa ka ba Reah? Kahit kailan hindi ko naging kaibigan yan." Natatawang sabi ni Kaye na parang nang iinis pa.
Okay tama na 'to. Mukang naiinis na din si Nicky sa kanya.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 1 & 2)
Fanfiction"Mahirap pumili sa dalawang taong naging mahalaga sayo. May magbabago at may mawawala. Sinu at anu ang tama? Puso ba o isip ang dapat magdesisyon?"