KAYE'S P.O.V.
Ilang araw ko ng di nakikita si Reah. Di ko alam kung nasan sya. Walang nakakaalam saming lahat.
Pagkatapos nyang malaman iniingat ingatan kong sekreto di na sya nagpakita sakin. Pinuntahan ko sya sa bahay nila nung araw din na yun. Pero wala sya. Hinanap ko na sya sa lahat ng lugar na pwede nyang puntahan pero wala talaga. Kahit si Kim di nya alam kung nasan si Reah.
Pati na din si Nicky.
Hinanap ko sa kanya si Reah. Nung una akala ko nagsisinungaling lang sya nung sinabi nyang hindi nya alam kung nasan si Reah. Pero katagalan naniwala na din ako. Kasi kahit sya naghahanap na din.
Kailangan kong mahanap si Reah. Hindi dapat ako maunahan ni Nicky. Dahil kapag nangyari yun alam kong posibleng hindi na talaga ako balikan ni Reah.
Naiirita talaga ako kay Ish. Sya may kasalanan ng lahat ng to. Sinabi nya lahat kay Donna. Alam kong darating talaga yun araw na malalaman ni Reah to. Pero hindi dapat sa ganitong paraan.
Sobrang laking pagkakamali lahat. Lahat ng nangyayari hindi eto yung gusto ko. Gusto ko lang ngayon makasama si Reah. At tanging sya lang wala ng iba. Alam kong sobrang tanga ko dati para maisip na gamitin sya para makaganti kay Nicky.
Nung una aaminin ko na planado lang lahat. Kasi nakita kong gusto sya ni Nicky. Kahit nung una pa lang naramdaman ko na yun. At tama ako nung umamin sya saking gusto nya si Reah. Pero alam ko na nakikita nya lang si Jane kay Reah. Kaya gusto ko syang maunahang pasagutin si Reah.
Nalaman ni Ish lahat ng plano ko. Dahil alam nya din kung anung meron saming dalawa ni Nicky. Pero hindi ko ineexpect na ipagkakalat nya yun sa lahat. Pinakiusapan ko sya na wag na wag sasabihin kay Reah lahat dahil ayokong saktan si Reah. Nalaman nyang gusto ko na si Reah kaya ginantihan nya ako at pinagkalat nya sa lahat ng barkada nya sekreto ko.
Nanghingi ako ng tulong kay Kim para matulungan akong matago lahat kay Reah. Nung una nagalit sakin si Kim pero katagalan tinanggap nya na din lalo na nung inamin ko sa kanya na totoo na lahat at di na biro nararamdaman ko para kay Reah. Takot na takot akong malaman ni Reah yun kaya iniingatan ko sya. Nilalayo ko sya hangga't maari sa mga taong nakakaalam maliban kay Kim.
Mahal ko si Reah. Totoo na nararamdaman ko. Kahit nung nasa davao pa kami nung nagtapat ako sa kanya kahit di ko aminin sa sarili ko nun. Alam ko mahal ko na si Reah nun. Kaya nung sinagot nya ako totoong masaya ako at hindi yun pagpapanggap lang.
Iba si Reah. Hindi sya katulad ng ibang babaeng nakilala ko. Alam ko nung una kinukumpara ko sya kay Jane pero nung nakilala ko sya. Mas lalo akong nahulog sa kanya.
***
Lumipas ng ilang buwan. Wala na talaga si Reah. Di na sya bumalik. Nagdrop out ako sa school. Hindi na ako pumasok. Tinuon ko na lang atensyon ko sa pagkanta at pagsusulat. Halos lahat ng nagawa kong kanta tungkol kay Reah.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 1 & 2)
Fanfiction"Mahirap pumili sa dalawang taong naging mahalaga sayo. May magbabago at may mawawala. Sinu at anu ang tama? Puso ba o isip ang dapat magdesisyon?"