Stranded

3.5K 161 14
                                    

REAH'S P.O.V



Umaga na naman. Panibagong araw na kasama si Kaye. Ngayong araw namin sisimulan pagaayos sa bahay nya. Nagtext na din sakin si Jess na ngayon sya darating. Naeexcite na akong makita sya. Madami akong ikwekwento sa kanya pagnagkita kami.

"Reah? Ok ka na ba?" Kumakatok si Kaye. Ngayon ko lang narealized na ang tagal ko ng nag-aayos sa loob ng CR.

"Tapos na." Lumabas na ako.

"Wow! May date ka ba?" Tanong ni Kaye.

"Meron. Bakit ang ganda ko ba?" Tanong ko. Natawa lang si Kaye.

"Sobra." Sabi nya sabay halik sa noo ko.

Bumaba na kami ni Kaye. Nagpaalam na din kami kay Tita at Tito para sunduin si Jess. Naeexcite si Tita na makilala si Jessy. Natutuwa sya sa mga kwento ko sa kanya about kay Jess.

Habang nasa byahe kami ni Kaye. Binuksan ko yung radyo nya. Sakto pinatugtog yung kanta nya. Napatingin ako sa kanya. Napangiti lang sya.

"Ikaw ba gumawa nyan?" Tanong ko.

"Oo." Nakangiting sagot nya.

"Masyadong malungkot." Sabi ko. Nung unang marinig ko to. Nalungkot ako sa kanta.

"Kasi yan yung nararamdaman ko nung ginawa ko yan." Seryosong sabi nya.

"Sinu ba iniisip mo dyan?" Tanong ko kahit alam ko na din naman kung sinu.

Hindi nya ko sinagot. Ngumiti lang sya sakin. Parang alam nyang alam ko na sagot.

"Sobrang nasaktan ka ba talaga nung umalis ako?" Tanong ko.

"Hindi." Biro nya. Natawa sya sa reaksyon ng muka ko.

"Reah. Bakit ba ang hilig mo sa paulet ulet na usapan?" Tanong nya.

"Hindi naman ah. Sige na wag mo ng sagutin kung ayaw mo." Nakangusong sabi ko.

"Nagtatampo ka pa. Halikan kita eh." Nakangiting sabi nya. Natawa ako.

"Gusto ko lang malaman kung talagang mahal mo ko. Masama ba yun." Nakangusong sabi ko.

Huminto sa pagdrive si Kaye.

"Reah. Anu pa bang gusto mong patunayan ko? Nakakalimutan mo bang nagpropose na ako sayo nung pagdating natin dito. At ikaw tong hindi pumayag. Di ba mas may karapatan akong magtanong kung talaga bang mahal mo ko?" Seryosong sabi nya. Hindi naman sya galit. Mahinahon lang naman nyang sinabi lahat. Pero bakit nasaktan ako. Naiiyak ako sa sinabi nya. Ramdam ko yung sakit na naramdaman ni Kaye nung humindi ako sa kanya. Hindi ako nakapagsalita. Yumuko lang ako.

"Reah." Hinawakan nya ko sa kamay. Tinanggal nya yung seatbelt nya para malapitan nya ko ng maayos.

"Uy. Smile na." Sabi nya. Di pa din ako tumitingin sa kanya.

"Smile na yan." Pinipilit nya kong tumingin sa kanya.

"Please. Sorry na. Di ko gustong saktan ka." Sabi nya. Tumingin ako sa kanya.

"Hindi Kaye. Ako dapat magsorry sayo. Nasaktan kita. Alam ko naman kung ganu mo ko kamahal eh. Pero kahit ganun hindi ko pa ding nagawang tanggapin ka. Simpleng OO na lang isasagot ko pinagdamot ko pa sayo. Natakot pa akong ibigay sayo. Hindi ko alam kung bakit. Pero gustong gusto ko na din Kaye. Pero sa tingin ko kasi hindi palang kasi to yung tamang panahon para dun." Naiiyak na sabi ko.

TWO HEARTS (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon