Again and again and again

3K 131 89
                                    


REAH'S P.O.V.




"Reah. Inaasahan ko na magiging madali lang lahat para sayo. Since magkakilala naman kayo ni Nicky. Madami tayong mga bagong projects ngayon at sayo ko na ulet iassigned lahat. Sayo ko na lang din ipagkakatiwala si Nicky. Kailangan nyang malibot tong business natin." Sabi ni Ninong ng makapasok kame sa office nya. Nagsialisan na din lahat ng umattend sa meeting kanina. Maliban lang kay Nicky. Kasama sya ni Riza. Pinapakilala sya sa ibang staff.

"Ninong panu nyo nakilala si Nicky?" Tanong ko.

"Anak sya ng kaibigan namin ng Papa mo." Simpleng sagot nya..

"Ha?" Gulat na tanong ko. Bakit ngayon ko lang nalaman. Matagal ko ng kilala si Nicky.

"Narinig mo ko Reah. Bakit may problema ba?" Tanong nya.

"Wala naman. Nagulat lang talaga ako. Matagal ko na kasing kilala si Nicky. Ngayon ko lang nalaman na kaibigan nyo pala ni Papa yung Daddy nya." Paliwanag ko.

"Siguro dahil hindi mo sya napakilala sa Papa mo." Kung sa bagay hindi nga naman nagkaron ng pagkakataong maipakilala ko ng maayos si Nicky kay Papa.

"Kamusta kayo ni Kaye?" Tanong ni Ninong. Napatingin ako sa kanya. Naalala ko bigla sabi ni Jess na Ok na si Ninong saming dalawa ni Kaye.

"Ok naman po." Sagot ko.

"May nabalitaan ako kay Jess. Hindi mo ba sasabihin ng personal sakin?" Tanong nya. Mukang nasabi na ni Jess about sa proposal ni Kaye sakin.

"Engaged na po ako." Sagot ko.

"Sure ka na ba dyan?" Tanong nya.

"Napag-isipan ko na lahat Ninong. Malaki na ko wag na kayong mag-alala." Sagot ko.

"Ikaw bahala. Nagkita na ba kayo?" Tanong nya. Mukang si Mama tinutukoy nya.

"Bakit pinabalik nyo sya?" Tanong ko.

"Baka kasi sakaling matulungan ka nyang magdesisyon." Sagot nya. Natawa na lang ako sa sinabi nya. Akala ko pa naman talagang ok na kami ni Kaye sa kanya hindi pa pala.

"Hindi ko sya kailangan." Sabi ko.

"Alam kong malaki galit mo sa Mama mo. Pero Reah bago mo pairalin yang galit mo. Marami kang hindi alam kung bakit niya kayo iniwan. Kaya ko sya pinilit bumalik ay para magkaayos kayo at para mabuo na ulet kayo." Sabi ni Ninong. Napatingin ako sa kanya. Mukang may alam sya na hindi ko alam.

"Anu bang alam mo Ninong?" Tanong ko.

"Mas mabuting sya ng magkwento sayo." Pagkasabi nya nun pumasok na sa loob si Riza at Nicky.

"Come in Nicky. Anung masasabi mo?" Tanong ni Ninong kay Nicky. Napansin kong nakatingin sya sakin.

"Ok naman Tito. Mukang tama si Daddy. Hindi masasayang pera ko dito." Sabi ni Nicky. Napakabusiness minded nya talagang tao.

"Haha. Sabi ko naman sayo di ka magkakamali samin. By the way. Si Reah ng bahala sayo. If ever na may kailangan at questions ka sa kanya ka lang lumapit." Nakangiting sabi ni Ninong.

Napangiti lang si Nicky. Umiiwas pa din talaga ako ng tingin sa kanya. May kakaiba kay Nicky ngayon. The way na ngumiti sya at yung mga tingin nya sakin kakaiba.

"Iwan ko na muna kayo at may imeet pa akong client. Reah ikaw ng bahala kay Nicky." Pagkasabi nya nun lumabas na sya. Hindi nya man lang hinintay sasabihin ko. Naiilang ako kay Nicky. Last time kasi na mag-usap kami alam kong hindi kami ok.

TWO HEARTS (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon