REAH'S P.O.V.
"Jessy gumising ka na! Anu ba late na tayo!?" Sumisigaw na ako sa labas ng kwarto nya. Kanina pa ko pinapagalitan kasi nakakaistorbo daw ako. Pero di ko sila pinapansin. Kanina ko pa kinakatok at tinatawagan si Jess. Tulog mantika talaga sya.
Tumingin ako sa relo ko. Malalate na ako paghinintay ko pa sya kaya nauna na akong umalis. Nagtext na lang ako nasumunod sya.
Habang nagdrive ako. Tinawagan ko yung client namin para malaman kung nasan na sya. Di sya sumasagot. Baka on the way na din. Nagdrive na lang ako ng mabilis papunta sa meeting place namin.
Pagkadating ko. Wala pang mga customer sa coffee shop. Ako pa lang. Wala pa yung mga kausap ko. Haaaayyy buti naman. May time pa akong iayos yung presentation ko. Tinawagan ko ulet si Jess. Tulog pa din sya nakakainis na. Isusumbong ko sya kay Ninong para mapagsabihan.
"Hi!" Sabi ng isang babaeng lumapit sakin.
"Reah right?" Tanong nya. Sya na siguro client ko.
"Yes. I'm Reah from C's Interior Design. Are you?" Tanong ko.
"Kristine. Nice to meet you." Nakipagshakehands ako. At umupo na kaming dalawa.
"So shall we start?" Tanong nya.
"Yah sure. By the way. Thank you pala sa pagconsider ng company namin for this project." Sabi ko.
"Actually nirefer lang kayo ng friend ko. Yung company nyo din kasi nagdesign ng house nila sa Makati. At nagustuhan yun ng alaga ko kaya eto kayo kinuha ko." Nakangiting paliwanag nya.
"Alaga? So may baby ka na?" Tanong ko
"Haha. No. Actually hindi naman bahay ko yung ipapagawa ko. House ng alaga ko. I'm her manager. Wala sya ngayon dito kasi masama pakiramdam nya kaya ako lang." Sabi nya.
"Ah ok. So you mean. You handle an artist? Singer or what?" Tanong ko
"She's a singer." Sagot nya.
"Oh really. Wow naman. Sana mameet ko sya soon." Sabi ko.
"Oo naman. Kasi sya din naman huling mamimili ng designs. Actually she's like you. Interior design din course nya nagstop nga lang sya." Sabi nya.
"Talaga sayang naman. Pero hindi naman talaga ako Interior designer. I'm actually an Accountant. Weird no? Haha. Family business lang kasi kaya need ko makipagmeet sa mga clients. Actually madami na talaga kaming projects dito sa Manila pero first time ko lang maghandle dito. More on Hongkong and other countries kasi ako naaassigned." Kwento ko.
"Oh really? So may designer na sila may Accountant pa. Laking tipid sila sayo ha." Nagtawanan kami.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 1 & 2)
Hayran Kurgu"Mahirap pumili sa dalawang taong naging mahalaga sayo. May magbabago at may mawawala. Sinu at anu ang tama? Puso ba o isip ang dapat magdesisyon?"