Hi guys!
I know maraming hindi natuwa sa update ko haha. Kayo kasi eh nag-expect kayo ng bongga haha. Expect the unexpected haha. Pero guys tiwala lang. May reason kung bakit ganun nangyari haha.
Thanks sa votes and comments ☺☺☺😊😊😊.
Enjoy!!.
_________________________________________________________
REAH'S P.O.V
Nakabalik na ako sa kotse. Nakasakay na din sa loob si Jess. Nakatingin lang sya sakin. Ayaw nya kong kulitin kasi alam nyang masusungitan ko lang sya.
"Call Riza. And sabihin mo tawagan nya suppliers naten dito sa manila para maideliver ng maaga lahat ng materials na gagamitin. Ipadala nya na din lahat ng helpers na kailangan natin. As soon as possible." Sabi ko kay Jess. Kinuha nya agad phone nya. At sinunod lahat ng sinabi ko. Ayaw kong magsayang ng oras. Gusto kong matapos na to kaagad.
"Ok na po.." Nakangiting sabi ni Jess.
"Thank you."
Hindi ko na kinausap ulet si Jess. Naiinis ako. Ang awkward ng pagkikita namin ni Kaye. Bakit ganun. Ang panget talaga.
Nakabalik na kami ng hotel ni Jess. Humiga ako sa kama ko. Para akong baliw na pinaghahampas yung unan at paikot ikot akong naglalakad sa kwarto.
"Baket??!!! Baket naman ganun? Ang panget. Sobrang panget. 3 years Reah. 3 years tapos ganun lang. Sa loob lang ng CR ulet kayo magkikita. Anu yun? Bakit naman ganun! Di man lang sa romantic na lugar?"
Naiiyak ako sa inis. Nakakainis talaga sobra. Ineexpect ko kasi pagnagkita kami ni Kaye ay dun naman sa romantic na lugar. Gaya ng mga pinapalabas sa TV. Pero hindi eh. Siguro ganun nga talaga. Hindi naman lahat kasi ganun. Di naman kasi kami happy ending gaya ng mga nanyayari sa movie.
Huminto na ako sa kakahampas sa unan at kakalakad ko paikot ikot sa loob ng kwarto ko. Umupo ako sa kama. Naalala ko kanina hinawakan ako ni Kaye. Napatingin ako sa kamay ko. Aaminin ko kanina sobrang lakas ng tibok ng puso ko. Lalo na nung hinawakan nya ako. Di ko talaga inaasahan lahat. Parang kailan lang nung huling makita ko sya. Ang bilis pala ng tatlong taon.
Tumayo na ako. Masyado pang maaga para magmukmok ako. Pumunta ako sa kwarto ni Jess. Pumasok ako. Busy sya sa phone nya. Sinu kayang kausap nito at pabulong bulong pa. Nakaupo lang ako sa kama nya habang hinihintay syang matapos.
"Jess." Tinawag ko sya nung pagkababa nya ng phone nya.
"Yes?" Nakangiti syang humarap sakin.
"Sinong kausap mo?" Tanong ko.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 1 & 2)
Fanfiction"Mahirap pumili sa dalawang taong naging mahalaga sayo. May magbabago at may mawawala. Sinu at anu ang tama? Puso ba o isip ang dapat magdesisyon?"