REAH'S P.O.V.
Ilang araw ng lumipas ang dame ng nangyari samin ni Kaye. Palagi lang kaming magkasama ni Kaye. Hindi na kami tulad ng dati na palaging nag-aaway. Simula ng bigyan nya ko ng singsing hindi nya na ako inaway o kinontra sa mga gusto ko. Mas madalas sya pa talagang nag-ooffer sakin gawin yung mga bagay na ayaw naman nyang gawin ko dati. Gaya na lang ng pagsali ko sa group nila Nicky. Late na ako nag-audition dapat kasi last two weeks pa pero wala yata silang nakuhang magagaling kaya naghahanap pa sila.
"Kamusta? Pumasa ka ba?" Tanong ni Kaye.
Kagagaling ko lang sa gym kanina. Gusto sanang manuod si Kaye sa audition ko pero di ko na sya pinapunta kasi baka mailang ako. At buti na lang din wala dun si Nicky.
"Hindi ko pa alam eh. Ipopost na lang daw nila sa bulletin." Sabi ko.
Siguro kung nandun lang si Nicky malamang alam ko na agad kung tanggap ba ako o hindi. Pero nitong mga nakaraang araw hindi na nagpaparamdam sakin si Nicky. May iba na din siguro syang pinagkakaabalahan.
"Matatanggap ka dyan. Ang galing mo kaya." Sabi nya. Napatingin ako bigla sa kanya.
"Teka! Don't tell me nandun ka??? Kaye!! Di ba sabi ko sayo wag kang pumunta!" Galit na sabi ko. Nakakainis talaga sya.
"Di naman ako nagpakita. Gusto lang kita mapanuod sumayaw Reah. Magaling ka. Wag kang magalala. Makapasok ka man o hindi para sakin ikaw pa din pinakamagaling na dancer sa lahat." Napangiti ako sa sinabi nya. Feeling ko si Kaye na number one fan ko ngayon. Hindi na si Mama.
Naglakad na kami ni Kaye sa hallway para umuwi. Kagaya ng dati magkaholding hands kami. Walang pakialam si Kaye kung ang dameng nakatingin samin. Kahit sila Ish at Donna nakikita kong nakatingin samin. Wala silang magawa kasi hindi nila ako pwedeng lapitan. Pinagbawalan sila ng office na lumapit sakin at hindi na sila pinatalsik sa school dahil na din sa pakiusap ko.
Habang naglalakad kami ni Kaye. Nakita namin si Nicky. Napahinto sya sa paglalakad ng makita nya kami ni Kaye. Napansin kong napatingin sya sa kamay namin ni Kaye. At napansin din yun ni Kaye kaya lalo nyang hinigpitan pagkakakapit sakin.
Nasa harap na namen si Nicky. Nginitian ko na lang sya kasi di ko alam sasabihin ko.
"Balita ko nagaudition ka na kanina?" Tanong ni Nicky.
"Oo. Pero hindi ko alam kung makakapasok ako." Nakangiting sabi ko.
Napangiti lang din si Nicky at napatingin kay Kaye.
"Buti pinayagan mo syang sumali?" Tanong nya kay Kaye.
Biglang bumilis tibok ng puso ko. Sasagot kaya si Kaye. Kakausapin nya kaya si Nicky. Nagulat ako ng sumagot si Kaye. Nakangiti pa sya.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 1 & 2)
Fanfiction"Mahirap pumili sa dalawang taong naging mahalaga sayo. May magbabago at may mawawala. Sinu at anu ang tama? Puso ba o isip ang dapat magdesisyon?"