Decisions

3.4K 138 18
                                    


REAH'S P.O.V.




"Nga pala Kaye. Pakibati naman ako sa parents mo ng happy wedding anniversary sa kanila." Nakangiting sabi ni Papa.


"Sure po." Sagot ni Kaye.


Natutuwa akong makita yung dalawang taong mahalaga sakin na nagkakasundo. Tapos na kaming kumaen at pauwi na kami. Hinatid na muna kami ni Kaye.




Naka-uwi na kami pero natagalan dahil sa sobrang traffic.


"Haay sa wakas nakauwi din. Sobrang traffic pa din dito sa Pinas walang pinagbago. Anu Kaye papasok ka pa ba sa loob o aalis ka na?" Tanong ni Papa kay Kaye. Nasa tapat na kami ng bahay.


"Ah siguro po hindi na. Late na din po kasi." Sagot ni Kaye.


"Kung sa bagay. Sige. Ingat ka." Pagkasabi ni Papa nun bumaba na sya sa kotse. Hiniyaan nya muna akong magpaalam kay Kaye. Nauna na syang pumasok sa loob.


"Ang baet naman pala ng Papa mo. Akala ko ba hindi?" Tanong ni Kaye. Nasa likod pa din ako nakawesto. Lumapit ako kay Kaye para makausap ko sya ng maayos.


"Hindi ko nga din alam eh. Pero at least ok na tayo sa kanya di ba. Ang saya saya lang." Napatingin ako sa kanya. Nakangiti sya sakin.


"Bababa ka na ba?" Tanong nya.


"Hindi pa naman. Bakit?" Tanong ko.


"Baka kasi may makalimutan ka." Nakangiting sabi nya.


"Haha. Loko ka talaga. Oh sya sige na baba na ako. Ingat ka ha. Message mo ko agad pagnakauwi ka na ha." Lumapit ako sa kanya para ikiss sa pisngi pero gumalaw sya at sa lips nya tumama.


"Sarap." Sabi ni Kaye. Napakagat pa sya sa lips nya. Natawa ako sa kanya. Ang loko talaga nya.


"Tatawag ako pagnakauwi na ako. I love you." Sabi ni Kaye. Napangiti na naman nya ako.



"Lalo kang gumaganda pagnakangiti ka." Hinalikan ulet nya ako. 


Napalayo ako kay Kaye ng kumatok si Papa sa bintana. Nahiya kami parehas. Feeling ko namumula na naman ako. Si Papa talaga wrong timing palagi.


"Bye. Ingat ka ha. I love you." Sabi ko at bumaba na ako.







Nakaalis na si Kaye. Pumasok na ako sa bahay. Kailangan kong kausapin si Papa. Pagkapasok ko nasa kwarto na si Papa. Need ko syang makausap kaya kinatok ko sya.

TWO HEARTS (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon