MOMENTS

4.9K 196 84
                                    


REAH'S P.O.V

Tapos na kami kumain. Gusto ko ng matulog pero hindi ko alam kung saan.

"Kaye." Tawag ko sa kanya habang busy siya sa cellphone niya.

"Oh?" Tanong niya. Nakatingin pa din siya sa cellphone niya.

"Saan ako matutulog?" Tanong ko.

Napatingin siya sa akin. Pumasok siya sa loob ng kwarto niya at kumuha siya ng unan at ng kumot nilagay niya sa sofa. Papunta na ako sa sofa ng biglang nagsalita si Kaye.

"D'yan ka na sa kama dito na lang ako." Nagulat ako sa sinabi niya.

Tama ba narinig ko? Aba akalain mo nga naman gentleman din pala siya.

"Sure ka?" Tanong ko baka kasi binibiro niya lang ako.

"Bakit papayag ka bang tabi tayo?" Tanong niya pabalik sa'kin. Nanlaki mata ko sa tanong niya.

"Mukhang papayag ka naiintindihan ko naman wala talagang tumatanggi sa'kin pero sorry ayaw kong katabi ka." Sagot niya. Aba ang lokong 'to sobrang yabang talaga.

"Ha.ha.ha. ang lakas naman ng hangin dito. Wala pa lang nakakatanggi ha, kaya pala." Sabi ko at biglang sumeryoso mukha ni Kaye at napatingin ng masama sa akin. Oh no! Patay na naman ako. May mali na naman akong nasabi.

"Kaya pala ano?" Tanong niya.

"Wala. Good night." Nakangiting sabi ko sabay pasok sa kwarto niya at humiga na sa kama. Nagtakip ako ng kumot sa buong katawan ko.

Naramdaman kong umupo siya sa kama at hinila niya yung kumot ko.

"Hoy. Anu ba? Matutulog na ako." Reklamo ko.

"Maaga pa. Ano muna yung sinasabi mong kaya pala?" Tanong niya.

"Wala nga. Ang kulet mo. Expression ko lang yun kaya huwag mo ng isipin." Palusot ko.

"Akala mo ba nakalimutan ko na ginawa mo ngayon araw na 'to." Sabi niya.

"Anu bang pinagsasabi mo?" Kunot noong tanong ko.

"Bakit nakikinig ka sa usapan namin ni Ish kanina?" Tanong nya. Patay ayan na nagtatanong na siya para akong kriminal na iniinterogate ng mga pulis.

"Hindi ako nakikinig. Wala akong narinig. Hindi ko alam na nandun kayo no." Pagmamatigas ko.

"Okay sige itanggi mo pa. Mukhang dyan ka naman magaling eh. Magtago ng feelings." Pagkasabi ni Kaye nun tumayo na siya kaagad at lumabas ng kwarto niya. Anong ibig niyang sabihin? Teka lang. Halatado ba ako?

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko sa kanya. Sinundan ko siya palabas.

"Wala. Goodnight." Sabi niya sabay taklob ng kumot. Aba lokong 'to ginagantihan ako.

"Hoy. Ano nga yun?" Tanong ko.

Hindi na siya sumagot at nagkunwari pa siyang naghihilik. Maloko talaga. Hindi ko na siya kinulit dahil pagod na din ako. Pumasok na ulit ako sa kwarto niya at humiga na sa kama.

Makalipas ang ilang oras. Hindi pa din ako makatulog. Namamahay pa yata ako. Bakit ngayon pa? Hindi naman ako ganito ha, ngayon lang nangyari sa akin 'to.

Sinilip ko si Kaye. Mukhang tulog na siya. Buti pa siya kahit dun lang nakahiga sa sofa ang sarap pa din ng tulog niya. Napatingin ako sa orasan at 1 am na hindi pa din ako tulog.

"Kaye." Tawag ko. Nagbabakasakaling gising pa siya.

Wala siyang sagot. Tulog na nga talaga siya. Nagkumot na lang ulit ako at pumikit.

TWO HEARTS (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon