REAH'S P.O.V.
"Reah kamusta na paa mo?" Tanong sa'kin ni Tita Laura, mommy ni Kaye.
"Okay naman na po Tita hindi na siya katulad kagabi na sobrang sakit." Sagot ko.
"Buti naman. Nabanggit kasi ni Kaye sa amin na wala kang kasama sa bahay niyo kaya nakitulog ka muna sa kanya." Sabi nya.
"Out of town po kasi si Papa dahil sa work niya kaya ako lang po mag-isa sa bahay." Sagot ko.
"Where's your mom?" Tanong niya na ikinagulat ko kaya hindi ako nakasagot.
"Mommy." Tawag ni Kaye. Napatingin kaming lahat kay Kaye. Nakatingin siya sa mommy niya na parang sinasabi niya na tama na kakatanong.
"Oh I see. Sorry Reah." Sabi ni Tita.
Napangiti na lang ako at sabay tingin kay Kaye. Nagpatuloy lang sa pagkain si Kaye. Salamat sa kanya at hindi ko na kailangan pang sagutin ang tanong ng mommy niya. Hindi dahil sa ayaw kong pag-usapan kundi dahil hindi ko naman talaga alam kung nasaan si Mama.
Lumipas na ang ilang minuto at nag-uusap lang sila ng kung anu-anu. Nagtatawanan, nag-aasaran, nakakatuwa silang lahat. Marami din akong nalaman sa family ni Kaye. Apat pala silang magkakapatid. May sarili na ring pamilya yung kuya niya. Sa Davao pala talaga sila nakatira. Independent na si Kaye at nag-umpisa na siyang magsarili at mukhang may sarili na rin siyang pinagkukunan ng pera niya. Saan kaya siya rumaraket?
Nalaman ko din na talaga pa lang kumakanta si Kaye at nakarami na rin siyang girlfriend. Ang daming kwento ng Mommy ni Kaye. Nakakatuwa siya kasi parang nilalaglag niya si Kaye sa'kin. Nahihiya lang si Kaye kasi hindi niya mapatigil si Tita. Natatawa na lang ako sa itsura niya pagnahihiya siya. Namumula talaga siya ang cute niyang tignan pero bakit kaya ganun? Sabi nila wala pa daw personal na pinapakilala si Kaye na girlfriend niya sa family niya.
"Reah, are you okay? May gusto ka pa bang kainin? Dessert?" Ask ng daddy nya sa akin. Ang bait din ng daddy nila, masayahin parang si Papa lang lalo ko tuloy siyang namiss.
"Ay hindi na po Tito. Busog na po ako." Nakangiting sagot ko.
"Sige basta kapag may gusto ka pa magsabi ka lang." Nakangiting sabi niya. Ngumiti na lang din ako at hindi na nagsalita.
Natapos na kaming kumaen. Nagpaalam na din si Kaye sa kanila na aalis na kami para naman daw makapagpahinga ako. Kunwari pa siyang concern pero yung totoo ayaw niya lang makarinig pa ako ng mga kwento ni Tita tungkol sa kanya.
"Okay sige. Ingat kayo ha. Reah next time sama ka ulit sa amin." Invite sa akin ni Tita.
"Sure po Tita. Thanks po ulit sa lunch." Nakangiting sabi ko.
"Ay nga pala naalala ko may family reunion kami next week baka gusto mong sumama?" Tanong niya.
Wow ha. Family reunion talaga at invited na naman ako. Part na ba talaga ako ng family? Nakakatuwa naman.
"Mommy. Hindi siya sasama sa Davao yun hindi siya pwede at saka by that time nakabalik na Papa niya." Sagot ni Kaye para sa'kin. Ayaw niya kong pasamahin.
"Basta pag-isipan mo Reah ha." Pilit ng mommy ni Kaye.
"Sige po. I'll try. Thanks po ulet Tita Tito." Nakangiting sabi ko. Nakakatuwa talaga sila.
"Sige ingat kayo ha. Text ka agad Kaye pagnakauwi na." Remind ng daddy ni Kaye.
"Yes dad." Sagot ni Kaye.
Nagpaalam na ulit kami ni Kaye sa family niya at pagkatapos ay nagmadali na kaming bumalik sa kotse niya. Nang nasa kotse na kami nagpatugtog lang siya ng music. Mukhang good mood na si sungit ngayon ha.
"Kamusta na paa mo? Sumasakit pa ba?" Tanong niya.
"Medyo." Sagot ko. Pagod na ako at medyo inaantok na dahil sa kabusugan ko kanina. Hindi tuloy ako makausap ng maayos ngayon.
"Okay ka lang ba?" Tanong niya.
"Oo naman. Medyo antok lang." Paliwanag ko.
"Gusto mo na bang umuwi sa inyo?" Tanong niya. Pinapauwi niya na ako bigla tuloy akong nalungkot sa tanong niya. "Pero kung ayaw mo pa okay lang naman kahit sa condo ka na muna mag-stay. Pwede tayong kumuha ng damit mo para may mga pampalit ka baka kasi maghirap ako kakabili ng damit mo." Dugtong nya ng mapansin niyang napasimangot ako sa tanong niya.
"Okay lang. Uuwi na lang ako sa amin kaya ko naman na." Sagot ko kahit gustong gusto ko pang mag-stay sa condo niya kailangan ko na ding umuwi sa amin kasi nakakahiya na sa kanya.
Napatingin lang siya sa'kin habang seryoso lang din akong nakatingin sa kanya. Ayaw kong magpakita ng kahit anumang emosyon sa kanya. Gusto kong ipakitang okay lang ako.
"Okay." Ayun lang nasabi nya na may kasamang bugtong hininga.
Naging tahimik ang byahe namin papunta sa bahay at nang makarating na kami sa bahay nagsalita na din ako.
"Thank you sa pagpapastay sa akin kagabi at sa damit ko ngayon. Sorry din sa mga kalokohang nagawa ko. Ingat ka sa pag-uwi. Bye" Pagkasabi ko nun bumaba na ako sa kotse niya ng hindi man lang hinihintay yung sasabihin niya.
Hindi ko na narinig na nagsalita pa si Kaye at hindi niya na din ako pinigilan. Hindi na din siya nag-effort na bumaba pa sa kotse niya at nang makita niyang nakababa na ako ng maayos nagmadali na din siyang umalis.
Hindi nya man lang ako kinausap at pinilit ulit na sumama sa kanya. Parang nagsisisi ako sa ginawa ko dapat kasi sumama na lang ako. Gusto ko pa siyang makasama kahit isang gabi lang kahit isang araw lang ulit.
Pumasok na ako sa loob ng bahay at naalala ko na naiwan ko pala sa condo ni Kaye yung iba kong mga gamit pero ayos lang next time ko na lang kukunin. Umakyat na ako sa kwarto ko at ganun pa din ang bahay tahimik dahil mag-isa na naman ako. Nakaramdam na naman ako ng lungkot dahilan para mapaiyak na naman ako. Naalala ko family ni Kaye ang saya-saya nila. Bakit kaya ganun? Sa pagkakatanda ko ganun din kami dati pero bakit anung nangyari sa family ko?
Naramdaman ko na naman tumulo yung luha ko at para maaliw ako at hindi na maglungkot kinuha ko na lang yung laptop ko at nag-online na lang ako. FB, IG, Twitter at lahat na ng account ko tinignan ko na.
1 friend request
Kamuy Cal
Si Kamile. Inaaccept ko kaagad. Mas nauna ko pa siyang naging friend kaysa kay Kaye.
Nakita kong tinag niya ako sa mga pictures namin kanina. Ang saya saya talaga ng family nila. Napatingin ako sa isang picture. Picture namin ni Kaye. Bakit parang ang sweet namin dito anung ginagawa namin? Wala naman akong matandaan na nag-usap kami kanina. Napangiti na lang tuloy ako.
Ang dami ng likes at may mga nagcomment pa. Mukhang may mga crush 'to kay Kaye. Kung nagkataong maging girlfriend pala ako ni Kaye ang dami sigurong may galit sa'kin.
Habang nagscroll ako sa laptop ko. Nagvibrate bigla yung cellphone ko. Tinignan ko agad yun at may nakita akong isang text.
1 new message
Number lang. Inopen ko kaagad.
:Hi!
Yun lang message niya. Hindi ko siya kilala kaya nagreply ako.
R:Who you?
Hindi na sya nagreply at tumawag na lang. Hindi ko alam kung dapat ko bang sagutin pero sinagot ko na lang nang maisip ko si Kaye. So ineexpect ko baka si Kaye 'tong tumatawag pero mali ako hindi siya si Kaye.
"Hello?"
"Labas ka." Sabi ng kausap ko.
"Wait sino ba 'to?" Tanong ko.
Hindi siya si Kaye pero parang familar yung boses niya. Napatingin ako sa bintana para tignan kung sino at laking gulat ko ng makita ko siya.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 1 & 2)
Fanfiction"Mahirap pumili sa dalawang taong naging mahalaga sayo. May magbabago at may mawawala. Sinu at anu ang tama? Puso ba o isip ang dapat magdesisyon?"