Friends Again

3.9K 163 21
                                    


REAH'S P.O.V.





Madilim. Ang sikip. Wala akong makita. Di ako makahinga. Nasan ako? Di ako makagalaw. Tulungan nyo ko. Di ako makasigaw. Umiiyak na naman ako. Ayoko na.


May nakahawak sakin. May boses akong naririnig.


Reah. Reah. Reah.


REAH!!!!!





Nagising ako. Nanaginip lang ako. Nakahinga ako ng maluwag. Buhay pa ako. 


"Reah. Ok ka lang ba?" Tanong ni Papa.


Niyakap ko sya. Mahigpit. Sobrang higpit.


"Pa. Sorry." Umiiyak na sabi ko.


"Sshh.. ok na anak. Sorry din." Yakap yakap ko lang si Papa ng biglang pumasok si Kaye.


"Reah." Lumapit sya agad sakin. Binitawan ako ni Papa para si Kaye naman mayakap ko.

 

Hindi nagsasalita si Kaye. Ang higpit lang ng yakap nya sakin. Parang nag-alala sya ng sobra sakin.



"Ok ka lang ba?" Tanong nya sakin habang hawak hawak nya ko sa muka ko.


"Kaye. Ok na ako." Nakangiting sabi ko. Kahit papanu naging ok ako ng makita ko sya.


"Panu nyo pala ako nakita?" Tanong ko.


Nagtinginan lang si Papa at Kaye. 



"Hinanap ka namen ni Kaye. At saka si Nicky." Sagot ni Papa.


"Si Nicky?" Napatingin ako kay Kaye. Umiwas sya ng tingin sakin. Mukang naiinis sya. Kay Nicky na naman.


"Oo anak. Buti na lang alam nya kung san ka pwedeng makita. Nagpupunta ka pa din pala sa studio na yun. Sumasayaw ka pa din ba?" Tanong ni Papa.


"Sumasayaw ka?" Tanong ni Kaye.


Hindi nya nga pala alam.


"Hindi na. Minsan lang po ko bumalik dun. Pag may. Problema lang." Sabi ko kay Kaye at Papa. So ngayon alam na din nila.


Napatingin ako kay Kaye. Napansin kong nagbago bigla mood nya. Galit na naman yata sya.










Nakalabas na ako ng hospital. Sabi ng doctor ok naman na daw ako. Si Kaye na ulet naghatid samin pauwi. Di sya umiimik kanina pa.

TWO HEARTS (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon