REAH'S P.O.V.
Lumabas ako ng bahay para papasukin yung kausap ko.
"Nicky? Paano mo nalaman dito at saka bakit nandito ka?" Tanong ko pero hindi siya sumagot.
Tahimik lang siyang nakatingin sa akin. Mukhang malungkot siya at parang namumugto ang mga mata.
"Okay ka lang ba?" Tanong ko ulit pero wala talaga siyang sagot sa'kin. "Pasok ka na muna." Aya ko.
Pinapasok ko siya sa bahay at nang makapasok na siya at makaupo saka lang siya nagsalita.
"Sorry sa abala. Wala lang talaga akong ibang maisip puntahan. Ikaw lang." Sabi niya.
Ako lang talaga? Bakit nasaan mga kaibigan niya? Girlfriend niya? Ay oo nga pala nakalimutan ko hiwalay na nga pala sila.
"Okay lang wala naman akong ginagawa. May problema ba? Para kasing ang lungkot mo." Tanong ko.
"Family." Sagot niya.
"Kaya naman pala malungkot ka. Okay lang yan lahat naman yata tayo dumadaan sa ganyan." Nakangiting sabi ko. Hindi ko alam kung paano ko papagaanin yung loob niya.
Hindi na ulit nagsalita si Nicky at mukhang hindi pa siya ready na magkwento. Nag-isip na lang ako ng pwede namin mapaglibangan.
"Tara!" Aya ko. Napatingin siya sa'kin.
"Saan?" Tanong niya.
"Kung saan pwedeng makalimot." Nakangiting sabi ko pero yung totoo hindi ko naman talaga alam kung saan kami pupunta.
Lumabas na kami ng bahay ni Nicky at umalis. Nagdrive siya papunta sa lugar na sinabi ko sa kanya. Hindi ko alam kung paano mapapagaan yung nararamdaman niya at lahat ginawa ko na. Nagbitaw na ako ng mga korni kong jokes para lang mapatawa siya at thanks God kahit papaano napapangiti ko siya.
Naiintindihan ko nararamdaman ni Nicky. Ganyan din ako ng magkahiwalay mga magulang ko. Sobrang laki ng pagbabago ang nagawa nun sa'kin pati na din sa pagkatao ko kaya kahit papaano gusto kong damayan si Nicky.
"Dito na?" Tanong niya. Hindi niya kasi alam kung tama ba yung napuntahan niya.
"Tara!" Inaya ko na siya.
Hindi ko alam kung magugustuhan niya dito. Last month ko lang nalaman 'tong lugar na 'to dahil kay Papa. Kaibigan ni Papa ang may-ari nitong dance studio na 'to. Nakakatuwa lang kasi wala ng gumagamit nito kaya hinahayaan na lang ako pumunta dito para maglinis at bantayan.
"Dance studio?" Tanong niya.
"Yes. Dito ako nagpupunta kapag nabobored at malungkot ako." Nakangiting sabi ko.
"So sumasayaw ka?" Tanong niya.
"Ako? Oo konti lang pero hindi ko alam kung marunong ba talaga ako kasi mahilig akong sumayaw pero parang siya walang hilig sa akin." Natatawang sagot ko.
"Hahaha. Bakit naman?" Natatawang tanong niya.
"Matagal ko ng itinigil yung pagsasayaw ko simula ng mawalan ako ng super fan ko." Nakangiting sagot ko kahit may kirot pa din ng konti sa loob ko. Ayaw kong maramdaman ni Nicky na nakakaawa ako at ayaw kong madamay siya sa kadramahan ko kasi nandito kami para mapasaya ko siya.
"Mama mo?" Napatingin ako sa kanya. Nagulat ako sa tanong niya. Paano niya nalaman? "Napansin ko lang kasi kanina sa bahay niyo. Wala akong nakitang picture ng Mama mo kahit isa." Paliwanag niya. Natahimik ako saglit bago magsalita.
"Oo. Simula kasi nung bata ako siya palaging nagpupush sa'kin sa pagsasayaw. Sinasali niya ako sa mga dance lessons. Lagi niyang sinasabi sa'kin na magaling ako. Proud na proud siya sa'kin pero lahat ng yun nawala simula ng iwan niya kami." Sagot ko. Gusto ko ng umiyak pero pinigilan ko lang at para maiba ang usapan tinanong ko na lang si Nicky.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 1 & 2)
Fanfiction"Mahirap pumili sa dalawang taong naging mahalaga sayo. May magbabago at may mawawala. Sinu at anu ang tama? Puso ba o isip ang dapat magdesisyon?"