Hi guys!
Sorry late update. Dame nyo ng tampo sakin haha. Pero babawi ako. Sana makabawi ako sa update for today!.
Maraming nakahula sa tanong ko. Ang galing galing nyo hahaha. Alam ko madaming nagtataka kung bakit pinabalik ko pa sya. Makikita nyo din kung bakit 😄😄😄. Lahat ng nangyayari may dahilan.
BTW. Guys sinung pupunta mamaya sa grandfinals? Pakicheer na lang ako kay Idol KayeCal😄😄.
This is it.
ENJOY!!!
_________________________________________________
REAH'S P.O.V.
"Hi Kaye. Nice to see you again."
Nagulat ako. Magkakilala sila ni Kaye. Sya yung babae na nakita ko sa eroplano. Familiar talaga muka nya.
"Bakit? Anung ginagawa mo dito?" Tanong ni Kaye. Nauutal pa sya sa pagtatanong nya. Nakatingin lang akong sa kanilang dalawa. Naririnig kong sumisipol si Tim habang palayo saming tatlo.
"Yan lang ba masasabi mo sakin?" Tanong nya kay Kaye.
Di na nakapagsalita si Kaye. Tumingin yung babaeng kausap ni Kaye sakin. Sinu ba sya.
"Pakilala mo naman ako sa kanya." Nakangiti sya sakin.
Humarap sakin si Kaye. Dahan dahan nyang tinanggal pagkakaakbay nya sakin."Aah si Reah nga pala. Reah si.... Jane."
Nagulat ako sa sinabi ni Kaye. Sya si Jane.
"Hi Reah. Nice to meet you." Nakipag shake hands sya sakin.
"Nice to meet you too." Sabi ko. Napatingin ako kay Kaye. Nakatingin sya kay Jane. Bakit ganun. Bakit parang sumikip yata yung dibdib ko. Di ako makahinga ng maayos. Parang may tumutusok sa puso ko. Bakit ganun sya makatingin kay Jane. Nagseselos ba ko.
"Sorry guys I have to go inside. May meeting kasi ako. Bye." Ngumiti syang nagpaalam samin. Papasok na sya sa loob. Nakatingin kaming parehas ni Kaye sa kanya.
"And by the way. Kaye." Humarap ulet sya samin.
"Pakikamusta na lang ako kay Tita at Tito and kay Kamuy na din." Ngumiti ulet sya.
"Nice to see you again Kaye."
Nakaalis na sya. Pero si Kaye nakatingin pa din sya sa dinaanan ni Jane. Nasasaktan ako. Pero alam ko di naman dapat. Past nya na si Jane at wala na kong dapat isipin at ipangamba pa.
"Kaye." Tawag ko. Napatingin na sya sakin.
"Sorry. Tara na?" Tanong nya.
Tumango na lang ako. Lumabas kami ni Kaye sa resto. Pwede naman kaming kumaen na lang dun at kumuha ng ibang table. Pero ayaw ni Kaye. Kaya lumipat na lang kami sa iba.
Nakaorder na kami ni Kaye. Napansin kong malayo tingin nya kanina pa. At ang lalim ng iniisip nya. Hindi nya ko kinakausap hanggang sa maserved na yung pagkaen namin. Parang wala pa syang ganang kumaen. Alam ko naman kung anu iniisip nya. Kahit di nya sabihin ramdam ko yun. At naiinis ako dun. Ayoko na. Wala na akong gana. Tumayo ako. Nagulat sya.
"San ka pupunta?" Tanong nya.
"Restroom." Pagkasabi ko nun umalis na agad ako.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 1 & 2)
Fanfic"Mahirap pumili sa dalawang taong naging mahalaga sayo. May magbabago at may mawawala. Sinu at anu ang tama? Puso ba o isip ang dapat magdesisyon?"