Welcome Back - Part 2

3.1K 158 36
                                    


REAH'S P.O.V.





Nasa airport na kami ni Kaye. Naghihintay na lang ng flight namin. Busy si Kaye sa phone nya. Kanina pa sya pinagbibilinan ng kung anu anu ni Ms. Ad. Natatawa na lang ako pagginagaya sya ni Kaye.

Ang cute ni Kaye sa cap nya. Nagtatago sya sa tao. Kahit ako pinahiram nya ko ng cap nya. Di ko naman kailangan magtago pero sabi nya isuot ko lang daw para parehas kami. Para daw di sya halata. Kanina pa sumasakit tyan ko kakatawa kay Kaye. Wala na syang ibang ginawa kundi magkwento ng kung anu anung nangyari sa kanya.

Nasa plane na kami ni Kaye. Hindi pa din sya tumitigil sa pangungulet sakin. Pinagtitinginan na nila ako sa kakatawa ko. Madami na din kumukuha ng pictures ni Kaye. Ngumiti lang sya pag tinatawag sya. Naririnig kong nagtatanungan sila kung sinu ako. At kung bakit ako ang kasama ni Kaye at hindi si Kim. Hinawakan lang ako ni Kaye.

"Wag mo silang pansinin. Wala silang alam." Sabi nya. Ngumiti na lang din ako.

Ineexpect ko na to. Alam kong makakarinig talaga ako ng mga ganitong comment galing sa fans ni Kaye.

Naging tahimik na byahe namin ni Kaye. Tulog na tulog na kasi sya. Di ko na din sya ginagalaw. Alam kong wala pa syang tulog kakabantay samin ni Jess. Tumayo muna ako saglit para magpunta sa CR.

Habang hinihintay kong matapos yung taong nasa loob napatingin ako sa babaeng nasa likod ko. Ngumiti sya sakin. Nginitian ko din sya. Parang familiar yung muka nya sakin. Hindi ko lang matandaan kung saan ko sya nakita.

Di ko maiwasang tignan sya ng paulet ulet kahit alam kong napapansin nya na ako. Hanggang sa nakaupo na ako sa tabi ni Kaye. Nililingon ko pa din sya sa pwesto nya. Mukang nakita nya akong nakatingin sa kanya. Ngumiti lang sya sakin.

Hindi ko talaga alam kung bakit pero familiar talaga muka nya. Di ko talaga alam kung panu at kung saan ko sya nakita.





















"Kaye!!!" Sigaw ni Tita ng makita nya anak nya. Tumatakbo si Kaye na lumapit sa kanya para yakapin sya at yung daddy nya.

"Oh my God! REAH???" Nagulat sya ng makita nya ako. Mukang di sinabi ni Kaye sa kanila na kasama nya ako.

"Tita kamusta po?" Niyakap nya ako ng mahigpit.

"Reah namiss kita. Kamusta ka na? Ang laki ng pinagbago mo. Lalo kang gumanda." Nakangiting sabi nya.

"Thanks po. Kayo din." Nakangiting sabi ko. Niyakap ko din si Tito.

"Di mo naman sinabi Kaye na kasama mo pala si Reah. Ang ineexpect naming dadating ay si Kim." Pagkasabi ni Tito nun medyo nasaktan ako.

"Gusto ko kasing isurprise si Mommy. At saka baka pagsinabi ko hindi na ako ang salubungin ni Mommy kundi si Reah na lang. Alam ko naman na mas favorite nya si Reah kaysa sakin." Biro ni Kaye. Nagtawanan kaming lahat.

"Halika na kayo at para makakaen na kayo." Aya ni Tito.

Nilagay na lahat ni Kaye sa likod mga gamet namin. Pinagbuksan nya ako ng pinto para makapasok ako sa loob ng kotse.

"Thank you." Bulong ko.

"I love you." Yun yung sagot nya. Natawa ako.

"I love you too." Sabay kiss sa pisngi nya pero humarap sya kaya sa labi nya tumama yung labi ko. Hinampas ko sya. Buti na lang di nakatingin Mommy at Daddy nya. Natawa na lang sya sa kalokohan nya.










TWO HEARTS (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon