REAH'S P.O.V.
"Kim!"
"Reah. OMG! Nandito ka din." Sobrang saya niya ng makita niya ko.
"Oo magdidinner lang. By the way, Nicky si Kim nga pla. Kim si Nicky." Pagpapakilala ko sa dalawa.
"Nicky Song?" Tanong ni Kim.
"Yes." Sagot ni Nicky sabay tingin sa'kin.
"OMG! Reah grabe ikaw na talaga." Biglang sabi ni Kim.
"Ha? Bakit?" Tanong ko at napatingin ako kay Nicky. Nakangiti lang siya.
"Nagmamaang-maangan ka pa diyan. Kayo ba?" Nagulat ako sa tanong niya. Parang lahat na lang yata ng makikita niyang kasama ko jowa ko na.
"Baliw hindi no." Sagot ko. Napatingin na lang ako kay Nicky. Hindi siya nagsasalita pero nakangiti lang siya. Mukhang naaaliw siya kay Kim.
"Tara sabayan mo na lang kami dito umupo ka na." Alok ko sa kanya.
"Ay wait may kasama din kasi ako may binili lang siya." Sabi niya habang hinahanap yung kasama niya.
"Ano nga pa lang ginagawa mo dito?" Tanong ko pero hindi niya ko sinagot busy siya kakahanap sa kasama niya.
"Nasaan na ba yun?" Tanong niya.
"Sino ba kasi hinahanap mo?" Tanong ko.
"Kasi magpapasama sana ako sa bahay niyo tapos dito kami magkikita eh." Sabi niya pero hindi niya sinagot yung tanong ko.
"Magpapasama ka kanino?" Tanong ko at bigla siyang sumigaw. Nagulat ako sa pangalan na sinigaw niya.
"KAYE!!!!"
Patay! Si Kaye yung kasama ni Kim. Napatingin kaming dalawa ni Nicky sa tinawag ni Kim. Si Kaye nga. Napahinto sa paglalakad si Kaye ng makita niya kami.
"Kaye. Dito. Nandito sila Reah!" Sigaw ni Kim habang palapit siya kay Kaye para hilain papunta sa table namin.
Hindi ko alam gagawin ko pagkatapos ng mga nangyari kaninang umaga at sa mga kwento ni Nicky. Ano ba Reah magisip ka. Wala akong maisip na dapat gawin hanggang sa nakatayo na sa harap namin si Kaye.
Hindi din nagsasalita si Nicky seryoso lang siya at mas lalo akong kinabahan ng piliting umupo ni Kim si Kaye sa tabi ni Nicky.
"Kaye hindi na ako magpapasama sa'yo kasi nandito na din naman si Reah. Sabay-sabay na lang tayo kumain mag-group date tayo." Suggest ni Kim. Haaaay naku! Kung alam niya lang ang kwento malamang hindi niya isasuggest yun.
Nang mapansin kong hindi na kumportable si Nicky at Kaye sa kinauupuan nila nagsalita na ako.
"Aaah. Kim kung gusto mo sa bahay na lang tayo magdinner paglulutuan na lang kita at saka may lakad kasi si Nicky eh and I'm sure si Kaye din. So tara na uwi na tayo." Sabi ko habang pilit ang ngiti ko. Walang imik si Kaye at Nicky.
"Ha? Bakit tayo lang sama na natin sila. I'm sure gusto din nila matikman luto mo. Di ba guys?" Pilit ni Kim.
Naku naman Kim. Konting pakiramdam naman oh. Hindi nga nila gustong magkasama.
"Tayo na lang Kim. Alam mo na girl bonding." Pagpupumilit ko.
Biglang tumayo si Kaye. Nagulat kaming dalawa ni Kim dahil bigla siyang umalis ng walang paalam at hindi man lang nagsalita.
"Teka Kaye saan ka pupunta?" Tanong ni Kim pero hindi siya pinansin ni Kaye. "Anong problema nun?" Tanong ni Kim sa'kin.
"Alam mo Kim masaya naman akong kasama ka eh pero minsan kasi ano eh, alam mo yun? Yung parang ang... basta!" Magulong sabi ko. Hindi ko madiretsong sabihin sa kanya na naiinis ako sa kanya.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 1 & 2)
Fanfiction"Mahirap pumili sa dalawang taong naging mahalaga sayo. May magbabago at may mawawala. Sinu at anu ang tama? Puso ba o isip ang dapat magdesisyon?"