YES!

3K 153 17
                                    


REAH'S P.O.V.





Dalawang linggo ng lumipas. Halos patapos na bahay ni Kaye. Nakakatuwang nakakalungkot di ko mapaliwanag nararamdaman ko. Nakakatuwang makita yung dream house ni Kaye na unti unting nabubuo pero nakakalungkot din kasi paalis na ako. Kahit ayaw ko pero kailangan kong bumalik. Kailangan na din ako ni Papa. Ang tagal ko ng di sya nakakamusta.

"Reah?" Nagulat ako kay Kaye. Nakayakap na sya sa bewang ko. Di ko man lang napansing lumapit sya.

"Bakit?" Tanong nya ng mapansin nyang malungkot ako.

"Wala lang. May iniisip lang." Sagot ko.

"Kung anuman yang iniisip mo wag mo ng isipin. Ayokong nalulungkot ang mahal ko. Smile na." Nakangiting sabi nya. Napangiti ako. Ang sweet nya.

"Saan pala tayo pupunta?" Tanong ko. Inaya ako ni Kaye kanina. Sabi nya susunduin nya ako may pupuntahan daw kasi kami.

"Malalaman mo din. Tara na." Pagkasabi ni Kaye nun lumabas na kami. Di na ako nagsalita at nagtanong sanay na ako sa mga surprises na ginagawa nya.

Nakasakay na kami sa kotse ni Kaye. Sya na nagsuot ng seatbelt ko. Napapangiti na lang ako sa kasweetan nya. Hinalikan nya ko sa noo.

"May something sayo ngayon naninibago ako." Sabi ko. Napangiti lang sya. Hinawakan nya kamay ko at hinalikan. Nagstart na syang magdrive. Di sya nagsasalita nakangiti lang sya sa buong byahe namin.













"Dito na tayo." Sabi ni Kaye. Nagsalita na din sya after nyang magdrive ng ilang minuto. Malayo tong lugar na pinuntahan namin. Sadyang mabilis lang syang magmaneho kaya ang bilis namin nakarating.

"Anung ginagawa natin dito?" Tanong ko. Gaya ng kanina di nya pa din ako sinasagot. Medyo familiar sakin yung lugar di ko lang matandaan kung saan to at kung kelan ako nakapunta dito.

Pagkababa ko ng kotse tumitingin ako sa palagid. Mapuno. Madilim. Nakakatakot yung lugar. Napatingin ako sa likod ko para tignan si Kaye pero wala sya.

"Kaye?" Tawag ko. Mahina lang. Natatakot akong gumawa ng ingay sa lugar na to baka makabulabog ako ng ibang nilalang dito.

Wala si Kaye di ko sya makita. Nakakainis talaga minsan magsurprise tong si Kaye hindi nakakatuwang iwan nya ko dito.

"Kaye." Tawag ko ulet and this time malakas na. Naglalakad ako para hanapin sya. Inaalis ko mga sangang nakaharang sa daanan ko. Nakakainis na talaga si Kaye.

Maya maya lang habang naglalakad ako. May napansin ako. Parang familiar talaga sakin tong lugar na to. Nakarating na ako dito. Habang iniisip ko kung saan ko nakita tong lugar na to nakarating na ako sa parang gitna ng gubat na to. Madilim pa din pero may napansin ako sa tinatapakan ko. Nang uupo ako para kunin kung anuman yung nasa paa ko biglang nagliwanag. Bumukas isa isa mga ilaw. Isa isa paikot. Napapaikot din ako kasabay ng pagbukas nya. Napangiti ako. Alam ko na kung saan to. Natatandaan ko na. Nang mabuksan na lahat ng ilaw nakatapat ako sa isang board napuno ng pictures ko. Nilapitan ko. Naaalala ko na talaga to. Ganun padin walang pinagbago. Eto pa din yung mga pictures na nakalagay noon.

"I love you." Napatingin ako sa likod ko. Nakatayo si Kaye sa harap ko. May dala syang bouquet ng flowers.

"Happy monthsary." Sabi nya. Nagulat ako. Monthsary ba namin ngayon. Nakalimutan ko ba o niloloko nya lang ako. Alam ko hindi ngayon pero na lang kung yung tinutukoy nya yung unang sinagot ko sya.

"Nakalimutan mo na ba?" Tanong nya. Inabot nya sakin yung bulaklak na dala nya.

"Ang alam ko kasing monthsary natin next week pa. Pero kung yung unang monthsary natin alam ko ngayon yun." Paliwanag ko.

TWO HEARTS (Book 1 & 2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon