Hi guys!
Musta? Hahaha. Sorry kung tagal lagi update ha. Pinapahaba ko kasi.
Pero eto mas maagang update. Sana magustuhan nyo.
Photo credit to Technotrixcy
Dedication to: cinderelayyy na gumawa ng cover para sa next update ko 😊☺😉. Thanks.
Enjoy.
_____________________________________________
3 MONTHS LATER
REAH'S P.O.V.
"Reah sige na saglit lang naman. Tama na kakatrabaho mo. And isa pa para sayo naman to eh. Para sa promotion mo. Tara na." Pilit ni Jessy.
Kanina nya pa ko pinipilit na sumamang mag bar kasama mga katrabaho at kaibigan namin.
"Marami pa kong gagawin. Sige na kayo na lang." Pagtangi ko.
"Grabe OA na yan ha. Alam mo simula ng maghiwalay ulet kayo ni Kaye mas naging mas malala ka." Eto na naman sya. Lagi nya na lang binabanggit to. Alam na alam nya na eto kahinaan ko. Hindi ko sya inimik. Patuloy lang ako sa ginagawa ko.
"Sige na nga kung ayaw mo wag mo. Babush!" Pagkasabi nya nun lumabas na sya.
Sa wakas wala ng makulet sa office ko. Makakapagpahinga na tenga ko.
Ganito ako palagi. Walang pinagkaiba simula ng maghiwalay kami ni Kaye. Nag focus lang ako sa work ko. Palagi akong busy pero sinasadya ko talagang kumuha ng maraming trabaho para di ko masyadong maisip si Kaye. Tatlong buwan ng lumipas. Marami ng nagbago. Nakakuha na din ako ng promotion sa wakas. Kaya ngayon mas naging mas busy ako lalo. Wala na kong balita kay Kaye simula nung nalaman kong may iba na sya. Pinipilit akong makipagdate ni Jessy. Kung sinu sinu na lang naisip nyang ireto sakin. Nakakainis na lang sya minsan kasi ang kulet nya kaya pumapayag na lang ako. Pero wala talaga akong magustuhan sa kanila. Hindi ko alam kung dahil sa wala lang talaga akong gusto sa kanila o sadyang sya pa din talaga laman ng puso ko.
Palagi kong sinasabi kay Jessy at sa iba na ok na ako. Nakamove on na ako. Pero deep inside alam ko na hindi pa talaga. Pagnaaalala ko pa sya madalas umiiyak pa din ako lalo na pag sa gabi. Alam ko para sa iba sapat na yung 3 months para magmove-on pero para sakin kulang na kulang yun. Parang kahapon lang nangyari lahat. Kasi ramdam na ramdam ko pa din yung sakit.
Pagkatapos ko sa ginagawa ko. Nag-ayos na din ako para makauwi na. May sasabihin daw sakin si Mama na hindi nya kayang sabihin sa phone. Hindi naman daw seryoso pero gusto nyang sabihin ng personal sakin. Minsan talaga ang weird ni Mama lalo na pagkasama nya si Jessy. Nahahawa na sya sa baklang yun.
"Reah uuwi ka na?" Tanong ni Ninong ng magkasalubong kami papunta ng elevator.
"Yes po. Nagluto kasi si Mama need umuwi ng maaga. Alam nyo naman po baka magtampo na naman." Nakangiting sabi ko.
"Hahaha. Yan talagang Mama mo. Hindi pa din nagbabago. Nga pala bukas punta ka sa office may idiscuss ako sayong ibang projects. Need kasi natin balikan yung iba for review. Nagrerequest kasi yung board ng review and feedback ng ilan sa mga naging malalaking projects natin." Sabi nya.
"Sure Ninong. Diretso po agad ako sa office nyo bukas."
"Sige. Bye. Ingat ka kamusta mo ko sa Mama mo."
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 1 & 2)
Fiksi Penggemar"Mahirap pumili sa dalawang taong naging mahalaga sayo. May magbabago at may mawawala. Sinu at anu ang tama? Puso ba o isip ang dapat magdesisyon?"