REAH'S P.O.V.
Eto na yung araw na hinihintay ko. Sa wakas matatapos na din lahat. After nito ayaw ko na. Gusto ko ng umalis. Iwan lahat. Gusto ko ng lumayo sa mga problema ko.
"Reah. Tara na baka malate ka." Sabi ni Kim.
Sinundo nya ako sa bahay. Hindi ko din alam kung bakit. Siguro dahil binilinan sya ni Kaye na sunduin ako. Buti na lang nandito sya. Di ako nakatulog kagabi. Ang sama ng pakiramdam ko. Feeling ko magkakasakit ako.
Nakasakay na ako sa kotse nya. Naiinis ako bakit kailangan nakikisakay lang ako palagi.
Naging mabilis lang din byahe namin. Nakarating na kami agad sa venue. Grabe ang daming tao. Sinamahan ako ni Kim sa loob para hanapin mga kagrupo ko. Nakita ko na si Nicky. Nakatingin sya sakin pero umiwas ako ng tingin. Naaalala ko nangyari kagabi.
"Reah. Goodluck ha. Iwan na kita dito upo na ko sa upuan ko. Kaya mo yan. Icheer lang kita." Sabi ni Kim.
Napangiti na lang ako sa kanya bago nya ako iwan. Umupo lang ako sa gilid. Hinihintay na lang namin na tawagin grupo namin. Kaya lang parang may problema yata.
"Erica ok ka lang ba?" Tanong ni coach Kheng.
"Mejo masakit po eh. Pero kaya pa naman."
Napatingin ako sa paa ni Erica. May sprain sya. Bakit ngayon pa? Anung nangyari sa kanya?
Tinawag na pangalan ng grupo namin. Kami na sunod. Kinakabahan ako. Bago kami umakyat sa stage lumapit sakin si Nicky.
"Reah."
"Bakit?" Tanong ko.
Napatingin muna sya sa taas at huminga ng malalim bago magsalita.
"Sorry sa ginawa at sinabi ko kagabi." Nakatingin na sya sakin.
Natahimik lang ako saglit. Inisip ko muna sasabihin ko.
"Ok lang Nicky." Nginitian ko na lang sya pagkasabi ko nun.
Ngumiti lang din sakin si Nicky. Sabay na kaming umakyat sa stage. Bago kami magstart tumingin ako sa audience. Sobrang dame. Nakita ko si Kim. Napangiti ako. Pero nawala din agad ng makita ko si Kaye. Nagpunta sya. Kinabahan ako lalo. Narinig ko na music namin.
Sumasayaw na kami.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 1 & 2)
Fanfic"Mahirap pumili sa dalawang taong naging mahalaga sayo. May magbabago at may mawawala. Sinu at anu ang tama? Puso ba o isip ang dapat magdesisyon?"