REAH'S P.O.V.
"Okay na. Ipahinga mo na lang muna iwasan mong maglakad lakad ng sobra baka lalong mamaga." Sabi ng nurse sa clinic.
"Thanks." Sagot ko.
"Paano na yan sino maghahatid sa'yo pauwi?" Tanong ni Kim.
"Wala kaya ko naman eh." Pagmamayabang ko.
"Ihatid mo na lang kaya sya pauwi Kaye?" Tanong ni Kim kay Kaye.
Napatingin kaming dalawa ni Kim kay Kaye pero parang wala siyang narinig dahil busy siya sa cellphone niya may katext yata.
"Okay lang ako Kim." Nakangiting sabi ko pero yung totoo medyo nasaktan ako kasi walang pakialam sa akin si Kaye. Sino ba naman kasi ako para pakitaan niya ng kahit konting concern. Ano ka ba naman kasi Reah? Asa ka kasi ng asa kaya ka palaging nasasaktan.
"Anong okay ka lang? Hindi ka nga makalakad ng mag-isa eh." Sabi ni Kim.
"Kaya niya na yan. Hindi mo ba siya narinig? Ang sabi niya kaya niya ng mag-isa." Biglang nagsalita ang statwa sa gilid.
Ang cold ha. Wala talagang kaconcern-concern sa'kin 'tong Kaye na 'to.
"Okay lang ako Kim. Don't worry makakauwi din ako magtataxi na lang ako." Hindi ko pinansin mga sinabi ni Kaye.
"Eh paano kapag may nangyaring masama sa'yo?" Tanong ni Kim at halatang pinaparinggan niya si Kaye para mapilitang ihatid ako.
"Oh eh di wow! Haha okay nga lang ako. Keri ko na 'to." Natatawang sabi ko. Okay lang talaga ako. Okay na okay.
"Pero Reah hindi---"
"Tama na nga yang kaartihan nyo. Sige na ihahatid na kita." Biglang sabi ni Kaye. Nagulat ako sa sinabi niya at halatang pati si Kim nagulat din dahil nanlaki bigla mata nya at napatingin sa akin.
"Yes! Ayan ha narinig mo Reah ihahatid ka na ni Kaye mapapanatag na ako kasi alam kong safe kang makakauwi." Sabi ni Kim.
Sobrang saya niya para namang mas safe pa akong makakauwi mag-isa kaysa magpahatid kay Kaye pero kahit sapilitan ang pagpayag nya ang saya saya ko pa din.
Napatingin na lang ako kay Kaye habang ibinubulsa niya yung cellphone niya. Napangiti na lang ako kahit na alam kong nainis siya sa kakulitan namin ni Kim
*****
Nakalabas na kaming tatlo sa clinic at ang nakakatuwa inaalalayan ako ni Kaye. In fairness naman sa kanya gentleman din naman pala kahit alam kong sapilitan lang. Malamang nadala lang ng konsensya niya 'to kaya tinutulungan niya ako kasi kapag may nangyaring masama sa'kin siya ang sisihin ni Kim. Thanks kay Kim hulog talaga siya ng langit sa akin.
"Ingat kayo ha. Kaye ingatan mo yang si Reah ha. Bye. See tomorrow guys." Nakangiting pagpapaalam ni Kim.
"Bye. Ingat ka din." Sagot ko. Tumango lang si Kaye kay Kim.
Nakarating na kami sa parking lot. Hindi ko alam kung nananadya 'tong si Kaye o talagang hindi niya lang narinig yung sinabi ng Nurse na hindi ako dapat naglalakad ng sobra. Akala ko pa naman din gentleman na siya pero hindi pala dahil parang pagpapanggap lang sa harapan ni Kim yung ipinakita niya kanina. Ang sarap talaga niyang batukan.
"Sakay na." Utos niya. Nauna na siyang sumakay ng kotse niya nang hindi man lang ako pinagbuksan ng pinto.
"Wow ha. Salamat Mr.Gentleman!" Pasigaw kong sinabi para marinig niya at mukhang narinig niya nga kasi napangiti siya.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 1 & 2)
Fanfiction"Mahirap pumili sa dalawang taong naging mahalaga sayo. May magbabago at may mawawala. Sinu at anu ang tama? Puso ba o isip ang dapat magdesisyon?"