REAH'S P.O.V."Kay Kaye."
"Kay Kaye? Bakit anong problema?" Tanong ni Kim.
"Hindi ko alam basta pupuntahan ko siya." Sagot ko.
Hindi ko talaga alam kung anong problema niya at gusto kong malaman kung ano yun kasi baka kasalanan ko. Baka dahil sa mga nangyari kanina kaya nagkaganun siya. Bakit kasi ang sama sama ko sa kanya? Pero hindi ko dapat sinisisi yung sarili ko kasi masyadong mababaw yung mga nangyari kanina para iyakan niya. Sigurado ako na may iba pang dahilan kung bakit naging ganun si Kaye kanina.
"Okay sige uuwi na din ako. Basta bukas pasok ka ha tapos kwentuhan mo ako." Nakangiting sabi niya.
"Oo na. Sige na tara na labas na tayo." Aya ko at lumabas na nga kami.
Pagkalabas namin ng bahay pinauna ko ng isakay ng Taxi si Kim. Bumalik muna ulit ako sa loob ng bahay para kunin yung bag ko. Pagkalabas ko ulit ng bahay nagmadali na akong naghanap ng Taxi na masasakyan ko papunta sa condo ni Kaye.
Pinagmadali ko yung driver sa pagdadrive para maabutan ko si Kaye baka kasi bigla siyang umalis at hindi ko maabutan. Alam kong malayo yung condo ni Kaye sa bahay ko pero okay lang gusto ko lang masure na okay siya.
Bakit ba concern na concern ako kay Kaye ano bang meron? Kailan lang naman kami nagkakilala pero bakit parang ang tagal na.
Nandito na ako. Nagmadali akong nagbayad sa driver at bumaba na para puntahan si Kaye. Tumatakbo pa ako na parang wala akong nararamdaman sakit sa paa ko. Nang makarating na ako sa tapat ng unit niya huminga muna ako ng malalim at inayos ko muna ang sarili ko.
"Okay game!" Sabi ko sa sarili ko at kumatok ako.
Kumatok ako ng malakas. Ang tagal ko ng kumakatok pero walang nagbubukas. Mukhang umalis na yata siya. Paalis na sana ako ng biglang nagbukas yung pinto.
"Anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ni Kaye.
Hindi ako nakasagot sa gulat ko at wala din akong maisip na sagot. Tinignan ko lang siya kung ayos lang ba siya pero mukhang okay naman siya? Ano yung narinig ko kanina? Para talaga siyang umiiyak sa cellphone pero baka guni-guni ko lang yun.
Hindi din nagsasalita si Kaye nakatingin lang din siya sa'kin habang hinihintay yung sagot ko.
"Wala lang. Eh di ba wala kasi akong kasama sa bahay. Naisip ko lang na baka pwedeng magstay ulit ako dito? Pwede ba?" Sa wakas nakaisip din ako ng maayos na sagot.
Hindi sumagot si Kaye. Tinignan niya muna ako bago niya buksan ng maayos yung pinto para papasukin ako. Pumasok siya sa loob ng kwarto niya at nakita kong may inayos sya. Yung box kanina mukhang tinignan niya.
Napaupo na lang ako sa sofa at hindi ako kinakausap ni Kaye. Busy lang siyang nakatingin sa laptop niya. Gusto ko siyang kausapin kaya naisip ko na baka pwedeng ngayon na namin umpisahan yung kasunduan namin.
"Busy ka ba?" Tanong ko pero walang sagot. Ang sungit talaga.
Tumayo ako at lumapit sa kanya tinignan ko kung anong ginagawa niya pero bigla niyang sinara yung laptop niya. Ayaw niyang ipakita sa'kin yung ginagawa niya.
"Anong sa tingin mong ginagawa mo?" Tanong niya.
"Eh kasi di mo ko kinakausap." Sagot ko.
"Ano bang gusto mong sabihin ko?" Tanong niya.
"Wala kahit ano lang." Sabi ko. Hindi ko alam kung bakit sungit niya.
"Alam mo Reah kung wala ka dito ganito lang ako, tahimik. So pwede ba pumayag na nga ako na magstay ka dito kaya sana wag mo na kong kulitin." Galit na sabi niya.
BINABASA MO ANG
TWO HEARTS (Book 1 & 2)
Fanfiction"Mahirap pumili sa dalawang taong naging mahalaga sayo. May magbabago at may mawawala. Sinu at anu ang tama? Puso ba o isip ang dapat magdesisyon?"